Kanina pa ako nabubugnot kay Dex.Panay pa ang tawag niya sa akin na lalo kung ikinabugnot.
"Love!"tawag niya pa rin pero tuloy tuloy lang ang takbo ko.
Nilingon ko naman siya at nakitang malayo na nga ang nararating ko mula sa resort.Sa pagkakaalam ko ang sunod sa resort na pinuntahan namin ay isang private resort kaya naman ng makitang may harang na lumiko agad ako sa may damuhan.
Lumihis ako ng daan para hindi niya makita at tumakbo ulit.Hingal na hingal na nang makatigil ako at kalsada na ang nilabasan ko.
"Haisst!"
Lumingon muli ako sa likuran at napabuntong hininga na lang nang makita si Dex na malapit na.
Hingal na hingal pa rin akong napatakbo kahit na ramdam kong nanginginig na ang tuhod at paa ko sa pagod.
"Janine magusap naman tayo oh!"pakiusap pa niya.
Tumakbo pa rin ako kahit na pagod na pagod na ako dahil ayokomg marinig ang sasabihin niya.
Natalisod pa ako sa may batong nakahara at napaupo na lang sa pagod.
"Aray!letse talaga letse!"pagdadabog ko pa at hinampas si Dex na ngayon ay tinitingnan ang sugat na natamo ko sa pagkakadapa.
"Wag mo nga akong hakawan!"saway ko nang hahawakan na naman ako.
Ayoko na naman na maramdaman ang kuryente na dumadaloy sa tuwing dumadampi ang kahit anong parte ng katawan mo!
"Janine!"saway pa niya at galit na tumingin sa akin.
Napalunok na lang ako dahil ngayon ko lang nakita ang Dex na galit.Nagpaubaya na lang ako ng buhatin niya ako at naglakad papuntang resort.
Kung ano anong kiliti amg naramdaman ko sa tuwing magdidikit ang aming katawan.
Nang maibaba ako sa may lounger na malapit umalis agad siya.Ganon na lang ang awa ko sa sarili ko ng makita ang sugat na natamo ko.
Sugat sa may tuhod at sa may siko tapos pasa at harhar sa may braso at bandang hinlalaki sa paa.
"Ahh ang tanga tanga ko talaga!"
Napadaing naman ako ng bigla na lang niyang isinaboy sa sugat ko ang betadine at para akong bulate na nilagyan ng asin.
Mangiyak ngiyak naman ako na hinihipan ang sugat ko at basta dinampot sa kanya ang bulak pati na ang agua oxinada.
"Anong tinitingin tingin mo dyan?!"iniwas naman niya ang tingin sa akin matapos kong itanong iyon.
Kinuha ko na lang ang band aid sa kahon at inilagay sa may sugat.
"Lagot ako nito kay Mom"sabat ng isip ko ng makita pa ang harhar sa may palad ko.
Hay nako peklat na naman!
"Janine"mahinahong tawag niya.
Inirapan ko na lang siya at dali daling inayos ang mga ginamit ko.Tatayo na sana ako ng kumirot ang sugat ko sa tuhod.
"Aray!"daing ko.
"Huwag ka kasi munang tumayo"paalala pa niya.
Natameme naman ako at umupo nalang."Maguusap pa tayo"sabi niya pa at tumayo ulit.
Inopen ko na lang ang ig ko at scroll lang ng scroll.Napatigil naman ako ng may naglapag ng smoothie.
"Ubusin mo yan"
Nagaalinlangan ko naman iyong kinuha at ininom na lang para wala na siyang masabi.
"Sinabi mo na pala"saad niya nang matapos kong uminom.