Chapter 16

2 1 0
                                        

"Ang tagal niyo ha!"

Bungad ni Anne nang makababa ako sa sasakyan.Ngingiti ngiti naman si Yohan sabay higop sa hawak na tasa.

"Ano gusto ka nung family?"mahinang bulong ni Yohan ng makapasok ako.

Sa loob loob ko ay sana nga!.Pero hindi naman ako talaga ipinakilala.

Tumango na lang ako at pumasok na nang kwarto.Napahiga na lang ako sa sobrang pagod.

Excited na ako sa mangyayari bukas kaya ganon na lang ang pagiisip ko habang naliligo.

Dali dali pa nga akong naligo dahil tatawagan ko pa yung pinagawan ko ng regalo para kay Yohan.

Nang makausap naman ay namangha ako ng isend niya dahil sobrang ganda pa ng expectation ko.Mga kasama ko naman sa bahay ay mga paunti unti umalis para bumili ng regalo nila.

Wala naman kaalam alam yung may birthday dahil nasa loob siya ng kwarto at nagaaral.

Hay! Bente na si Gaga!

Sa aming lima si Grace ang ahead sa amin,sumunod si Clarisse at Yohan at pinakabata kami ni Anne.

Tinawagan ko din si Tita Lana at Mom para mangamusta.Napanatag naman ako na 'okey' sila.Nang makarating ako sa meeting place namin agad na natanggap ko at dines-infect para sure!

"Kakain na daw!"malakas na sigaw ni Yohan sa labas ng pinto kaya napabangon na lang ako.

Nawala tuloy ang antok ko!Nasa hapag na nga sila at makahulugang tingin ang ibinigay sa akin ni Grace.Napataas naman ang aking kilay.

Hala nakalimutan ko yung pande crema!ganon na lang ang pagatras ko.

"Oh Janine bakit hindi ka pa pumunta dito?"tanong ni Yohan at natataranta naman ako kung susunod ako o hindi.

"May nakalimutan lang ako sa kwarto!"sabi ko at nagtatakbo na papasok ng kwarto.

Para naman akong tanga kakahanap ng cellphone ko na kahit ilalim ng higaan ay sumuot ako.

"Janine ano ba yang hinahanap mo at pinaghihintay mo ang pagkain!"

Naalala ko na isinuksok ko nga pala yun sa bag ko!Kaya naman agad agad kung kinuha at itinype ang kailangan ko.

Napatingin naman ako sa paligid at parang sinalanta ng bagyo ang kwarto.Napakamot na lang ako sa ulo at nilinis ang buong kwarto.

Kaya naman ng matapos ay pagod na pagod ako at nakaligtaan na ang tanghalian.

"Janine umuna na raw tayo nina Tita A"saad pa ni Grace at naglakad na palabas.

Tiningnan ko naman si Grace na inip na inip na.Dahil gusto na raw niyang makalublob sa tubig.

Nang makasakay kami sa loob hindi ko namalayan na nakita pala kami ni Yohan at kumatok sa bintana.

Nagkatinginan kaming lima at hindi maintindihan ang idadahilan sa kanya."Saan ang punta niyo?"

"Pupunta kami sa jewelry shop di'ba"nakangiting sagot ni Grace.

Napatango naman si Yohan at buma-bye pa.Mabuti na lang ay pumasok na siya sa loob kaya naipasok yung gamit niya.

"Janine ayos na ba yung cake?"tanong ni Grace ng tumigil kami sa tindahan ng party needs.

"Pande crema yun!"pagtatama ni Tita A.

"Okay na"sagot ko naman.

Nagtatalo pa nga sina Grace at Anne dahil daw 'cake' ang alam niyang tagalog ng 'cake' at wala na raw tagalog at english noon.Samantalang si Anne naman talaga raw 'pande crema' ang tagalog at ang english ay 'cake'.

Without ReasonWhere stories live. Discover now