Chapter 13
Namamaga-maga pa ang mata ko sa pag-iyak.Kaya masyadong masakit kung imumulat ko ito.
"Bibi inom ka muna water oh."nakangiting sabi ni Anne at umupo sa tabi ko.
Walang pakundangan ko naman'g ininom ang tubig.Ewan ko ba rito kay Anne, malakas na naman ang amats o baka magtatanong lang 'to ng nangyari kahapon.
"Ok ka na ba?"nagaalala niyang tanong.
Tumango naman ako para makampante siya.Hindi rin natulog 'tong babae na ito hanggang kagabi kaya sinabi ko na 'okey na ako at siya naman ang matulog'.
Napangiti na lang ako sa sarili kong katangahan.
Hay Buhay!
Iniligpit ko muna ang mga damit ko at nag ayos ng sarili bago lumabas.Pero sa totoo lang huminga muna ako ng malalim, bago harapoin ang katotohanan.
Napakatahimik sa salas ng lumabas ako.Pero nakita ko si Grace na nanonood ng t.v.
Si Yohan naman ay nakapandekwatrong upo sa upuan.Si Clarisse ay natatawa'ng nag-type sa cellphone.
Napaawang naman ang bibig ko ng bumukas ang pintuan sa likod at pumasok doon si Tita A.
Nagsalubong ang tingin namin pero umiwas din ako kaagad.Napalunok na lang ako habang naaalala ang nangyari kagabi.
"Oh gising ka na pala!"maligayang bati ni Yohan at nagtatalon talon pa.
"Yung lalabs mo kasama ni Kuya Henry."mahinang sabi ni Yohan.Kinurot pa niya ako.
Inirapan ko na lang siya at dumiretso sa kusina.
"Kumain ka na Clarisse?"tanong ko ng nakitang binubuksan niya ang lagayan ng plato.
"Hindi pa."malamig na tugon niya sa akin.
Tumango naman ako at nagsandok ng kanin sa plato.
"Ayy madadaya ang mga baboy na itooo!"malakas na sabi ni Yohan.
Napatingin naman kaming dalawa ni Clarisse sa kaniya."Anong sabi mo?!"tarak ang matang tanong ni Clarisse.
"Wala!"mariing sabi ni Yohan.
"May narinig ako Yohan!!"pagalit na sigaw ni Clarisse.Napatingin naman sa amin ang ilan namin na kasama sa bahay.
Napatingin ako kay Yohan na paiyak na."Wala namang sinasabi si Yohan."sabi ko at napabuga ng hininga si Yohan.
Nag 'I Love You' pa ang gaga.Natatawa tuloy akong kumain habang si Clarisse ay masama ang tingin kay Yohan na umiinom.
"May narinig talaga ako 'eh!"sabi ni Clarisse at padabog na naglakad sa hugasan.
Nagkwentuhan pa kami ni Anne tungkol sa inaabangan namin na Kdrama Series.Syempre para kaming ewan sa kusina, tuloy naman ang pagbuka ng bibig namin sa sobrang excite.
"Janineeeee!!!..."sigaw ni Yohan.
Kunot noo ko naman siyang tiningnan.Lumapit naman siya at umupo.
"Ano namang isinisigaw sigaw mo dyan?"pagalit na sabi ko sa kanya.
Umiling na lang siya at naglakad papasok sa kwarto.Ipinagpatuloy ko naman ang pagbabasa.Lakas talaga ng apog niya.
Napatingin naman ako sa may pintuan ng marinig ang pagbukas ng gate.
Nandito na ang inaantay ko!
Tatayo na sana ako ng bumukas ang pintuan at lumabas si Kuya Henry.Pumekeng ngumiti na lang ako sa kanya at tumayo na.