Chapter 07

4 2 0
                                    

Chapter 07

Hapon  na naman at mukhang sumasabay pa sa pag iisip ko ang katawan ko?

Para na nga  akong kambing sa pagbubuntong hininga.

Hindi ako makabalik sa salas dahil, baka makita nila na umiyak ako.

Dali dali kong tinawagan si Hyacinth at ininform naman niya agad ako.

Dumiretso na lang ako sa kwarto at nagisip.

Hanggang sa nakatulugan ko na ang pag-iisip na yun.Nagising lang ako ng gisingin ako ni Anne.

"Bibi gising na ikaw."malambing na sabi niya at inuga uga ako.

Dinilat ko naman ang mata ko at yumakap siya sa akin.

"Good morning!"bati ko at nginitian siya at bumangon.

Hindi pa rin niya inaalis ang kamay niya sa balikat ko kaya inalis ko na.

"Problema mo?"saad ko at humarap naman siya sa akin.

Mukha siyang batang inagawan ng kendi dahil paiyak na siya.

"Sorry."yun lang ang sabi niya at yumakap ulit sa akin.

Naiintindihan ko naman na hindi nila ako isinama.Dahil nga tulog pa ako.

Pero yung dito patulugin yung lalaking epal ay ibang usapan na.

Humarap naman siya at nagpaliwanag.

"Eh kasi sabi niya wala daw  siyang tutulugan sa kanila.Tapos naawa si Tita kaya dito na siya pinatulog."

Napaface palm na lang ako sa kagagahan ni Tita.

Tumayo ako at  nagayos na para makasabay sa agahan.

Binilisan ko na lang at baka may masabi pa sila.Paglabas ko naman ay nagsisimula na silang kumain.

Nakita ako ni Tita na naglakad kaya nagsalita siya.

"Hindi ka na namin hinintay matapos dahil gutom na kami."sabi niya at umusog ng konti para magkasya kami.

Tumango na lang ako at umupo na.Nilagyan naman ako agad ni Tita ng kanin kaya nagumpisa na din akong kumain.

Kanina pa ako naiinis at gusto ko nang tumayo pero hindi pupwede dahil hindi pa ako tapos kumain.

Paano ba naman! Mayroon sa ilalim na nangungurot ng paa.

Inaapakan ko naman at tinitingnan kung sino ang nasasaktan at walang iba kundi ang lalaking epal.

Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa at padabog na binaba ang kutsara.

Tiningnan naman nila ako  ng masama.

"May problema ba, Janine?" tanong ni Yohan.

Hindi ko siya tiningnan at humarap ako dun sa lalaking epal.

"Kanina pa ha.Ano bang problema mo?"taas kilay kong sabi.

Hindi naman siya umimik at nagdire- diretso lang sa pagkain.

Nakakabwisit ang araw na ito sa totoo lang.

Umalis ako sa lamesa at nagkulong na lang sa kwarto habang sina Yohan, naman kanina pa katok ng katok.

Naligo na lang ako para mahimasmasan ng kaunti at kinausap ko na ulit sina Tita Lana.

Mas lalo lang akong nabwisit ng makausap ang ilan sa mga kasosyo ko.

May ilan na gusto ng magbackout.Isama pa yung pinacancel yung event na gaganapin sana sa susunod na taon.

Lalong nabawasan yung target sana namin na kita sa sunod na taon.

Napagplanuhan ko na pagkatapos ng kenemeng problema na ito.Itutuloy ko na ang pagaaral ko.

Naiinggit din kasi ako sa mga kabatch ko na ngayon ay may kani-kanila ng trabaho at succesful pa.

Kami na lang siguro ni Yohan ang putut sa magkakabatch.

Speaking of Yohan tumawag siya at pinalalabas ako.Pinatayan ko na lang siya at humiga na lang ulit.

Habang nag-scroll ako sa fb ko may biglang nagmessage request.

X Hernandez

Napagisipan mo na ba?

Nanginginig ko siya  na nireplayan.Kinakabahan ako sa magiging resulta ng pakikipagdeal ko  sa kanya.

Matutulungan kaya ako nito?

Without ReasonWhere stories live. Discover now