Chapter 11
"Hoy Bibi..."mahina kong pagtawag kay Anne ng makita'ng umupo siya sa duyan.
Lumingon naman siya at nagpagala-gala ang tingin.
"Anooo?!"pagalit din na sigaw niya.
Sinenyasan ko siya na tumahimik at um-aksyon na itetext ko na lang siya.
Tinext ko siya kung nasaan si Dex at ang sagot ng babaita kong kaibigan.
Wala.Umalis.Tulog.
Ang sarap niya kutusan.
Umalis agad ako at nagpaalam na natatae na kahit na paiyak na ako.Hanggang ngayon hindi parin ako lumalabas ng kwarto.
Tapos itong si Yohan sinabi pa ata kina Tita A, na nakita niya akong paiyak na.Kaya nag-alala agad si Tita at nagdahilan na lang ako.
Tinawagan pa ako ni Kuya kanina at nangamusta.Papadalhan pa 'nga daw ako ng pera.Ngiting tagumpay naman ako sa part na yun.
Go with the flow lang din ako sa mga sumunod na buwan.Nag-e-exercise, nagbabasa, kumakain, movie marathon atbp.
Pero hindi pa rin mawala sa utak ko ang mga nawawala sa akin.
Una, na lang dun ang pagpapasara ng bar.Sumunod naman nagalaw ko na ang savings ko.
Hindi lang nagalaw, paubos na talaga.
Tapos naman yung Sedan ko nabenta narin.
Hay Buhay.
Araw araw nagdarasal na lang ako na baka dadating ang,
Luck.
"Bibi.."katok ng kung sino sa pintuan.
"Ano ba!?"malakas na sigaw ko.
"Baka naman mapapapasok mo ako.Baka lang naman!"sigaw din ng nasa may pintuan.
Umiling na lang ako dahil si Anne na naman ito."Anong kailangan mo?"tanong ko ng makapasok siya.
"Aber kwarto ko din naman 'ho ito."aniya sabay kuha ng damit sa cabinet.
Nagpatuloy na lang ako sa pag-c-cellphone.Tiningnan niya pa muna ako bago lumabas.
Tingin na nanunukso.
Habang abala ako sa paglalaro may sumitsit na kung sino.Noong una binalewala ko lang yun nang makailang ulit.Padabog na tumayo ako at tumingin sa bintana at nakita ko roon si Dexter na may dala pang kung ano sa platito.
Tinaasan ko naman siya ng kilay at siya nama'y kumaway pa at pinakita ang laman ng plato.
Nagliwanag ang mukha ko ng makitang sapin-sapin iyon.
Favorite.
Napalingon naman ako sa cellphone ko ng tumunog iyon.
Lalaking epal
Lumabas kana.Kumakain na sila sa kusina.Tumingin pa ako sa bintana at nakitang nakatingin pa'rin siya sa akin kaya nag-ok na lang ako sa kanya.
Pagkalabas ko naman nakita kong nakaupo na 'nga sina Anne sa lamesa at nagtatawanan pa.
"Yunnnn!!"malakas na sigaw ni Yohan ng makitang lumabas ako ng kwarto.
Binigyan niya pa ako ng platito at sasandok na sana ng tumikhim si Clarisse.
Maangan naman ako na napatingin sa kanya.Ganoon din si Yohan.
"May problema ba Clarisse?"tanong ni Yohan pagkatapos niyang uminom ng juice.