Chapter 04

8 2 0
                                    


Chapter 04

Last day na namin sa hotel pero namomroblema kami kung saan kami pupunta pagkatapos nito.Wala na halos mga empleyado at turista sa hotel, mabuti na lang binigyan pa kami ng isang araw.

"Nakontak ko na rin yung taga samin, kaso fully booked na din daw sila."si Yohan.Napakamot na lang ako sa ulo ko.

Napakahirap naman magpauli-uli sa labas, para makahanap ng bahay.Bali balita pa na baka ilang buwan kaming lockdown dito kaya naghahanap talaga kami ng murang bahay.

Halos gusto ko na rin magpalamon sa kinatatayuan ko kanina dahil sa mga sermon ni mom.Nagpaulit ulit na naman ang mga sermon niya.

"Mom pupwedeng makahiram ng kahit 10k lang"

"Nagtatrabaho ka wala kang pera.Puro ka luhong babaita ka!"

Dami dami 'pang sinasabi papautangin din naman ako.Agad agad na nagpadala.

Last card ko na lang talaga si mom ngayon.Pumasok na lang ulit kaming lahat sa mga kwarto namin.

Hindi ko tuloy alam kung paano kami kung magkabiglaang mangyari.Wag lang ilapit kundi ilayo.

Sabay sabay kaming kumakain ng magsalita si Clarisse.

"May nakita na akong bahay na pwedeng matuluyan."

Napatingin naman kaming lahat sa kanya.

Sa aming lahat nagpresinta siya na maghahanap ng murang bahay para makatipid.Wala pa din kami'ng balita kung kailan pupwedeng bumiyahe.

"Saan naman, Clarisse?"tanong ni tita A.

Kahit na medyo may ilangan pa sa aming dalawa, nagagawa niya pa ring ngumiti na kahit minsan 'e halata mong peke lamang.

Ikinuwento niya naman kung saan niya nalaman ang tungkol doon.Wala na rin naman kaming choice dahil ilang oras na lang magche-check out na kami.

"Magkano naman raw?"tanong ni Kuya Henry.

"1,300 per month po."sagot niya.

Nagtaka naman kami sa napakamurang halaga.Kaya nagalinlangan pa kami pero noong nagpakita naman siya ng litrato ay hindi naman kami nakapaniwala sa lugar.

Pagkatapos namin kumain.Agad  na umarkila si kuya Henry ng van sa  hotel at pinuntahan ang sinabi ni Clarisse na lugar.

Binubusog ko na lang ang aking mata sa mga tanawin sa labas at hinayaan na magkwentuhan na lang sila.Hindi ko din naman kilala yung pinagkukwentuhan nila.

Noong una kaliwa't kanan na stall na walang laman ang makikita.Pero naglaon ay puro taniman ng kung ano ano na ang nakita ko.

Matagal tagal din  bago namin nahanap ang sinasabing lugar ni Clarisse,  kaya maghahapon  na nang nakarating kami.

"Ansakit na ng pwet ko!"angil ni Anne.

Lumabas naman na sina Yohan at binatukan ang isa.

"Aray!"

"Arteng arte mo, akala mo nayupi na puwit mo.Ano ka pa sa akin kalong ko ang maleta mo."nakapamaywang na sabi ni Yohan.

Inawat ko na lang sila.Inalo alo ko pa si Anne na parang bata.Ewan ko ba sa kanila palagi na lang nagaaway.

Inantay pa namin ang landlady na dumating, dahil hindi namin kung alin dito ang titirhan namin.

"Kayo ba ang ni-refer ni, Julius?"tanong nang landlady.

Sumagot naman si Clarisse at iginaya na kami papasok ng isang gate sa bahay.

Ipinakita sa amin ang kabuuan ng bahay.Kaya nagdesisyon agad kami na kunin na yung bahay para makalipat na agad kinabukasan.

Without ReasonWhere stories live. Discover now