Chapter 03
Hindi ko alam kung nakailan akong erased sa lahat ng dapat kong itext kay Yohan.Nakakainis lang kasi.
Mabuti na lang nagkulong ako sa kwarto, kung hindi baka hiyang hiya na ako sa kanila.
Unti unti ko naman naalala yung nangyari kagabi.
Napakalakas ng tugtog at panay pa rin ang aking pagsasayaw sa gitna.Outdoor place kami kaya super enjoy kahit may banta ng kung anuman.Mabuti na lang talaga nayaya ako ni Yohan, baka bulok na naman ako sa kwarto.Nag iba lang talaga ang mood ng makita ko roon ang lalaking epal.
Lowkey lang daw siya sa gedli, para makabingwit ng girls.As if!
Hindi ko na lang pinansin ang presensya niya at nilagok lahat ng laman ng bote.
Napapikit ako ng biglang gumuhit ang alak na ininom ko.Mas lalo nang dumami ang tao kahit na medyo illegal ang ginagawa namin.Ewan ko ba kay Yohan kung kanino niya nalaman ang 'Last Party' na ito.Last party na daw kasi lockdown na.
Iginala ko na lang ang paningin ko, hinahanap si Yohan na nakikipaglandian na naman.Nahuli ko pang nakatingin sa akin ang lalaking epal.
Gandang ganda yarn?
Pero kung walang bg music baka kuliglig na lang ang kulang sa table namin.
"Luh asa ka!"at binawi ang baso ng tequilla.
Lalong kumunot nag noo niya.Siguro iniisip niya na may masamang espiritu na sumapi sa akin.
Hindi ko na napigilan ang pagtawa ko.Halos pumatak na rin ako sa aking inuupuan.Tiningnan ko naman yung tatlo at mga nakanganga.Maya maya biglang nag aliwalas yung mukha nung babae.At nagtanong"Tiktokerist ka girl? Ano UN mo dali follow at heart kita"
"Ay wala akong ganon.Heart at ifollow mo man ako, hindi kita ipafollow back."siniko naman ako ni Yohan.Umirap na lang ako.
Chill chill na lang ako kaysa tingnan lahat ng nasa paligid ko na may kanya kanyang date.
"Akala mo naman kagandahan!"sigaw nung lalaki.
"Grabehh ka! Bakit kagwapuhan ka din ba? Hindi naman 'a.Mukha kang apato!"sigaw ko pabalik.Lintek to.Ayain daw ba ako sa room niya pake ko kung may ari ka pa ng lahat ng five star hotel.Manyak!
Ngumisi naman yung lalaking epal.
"Sabaw ka rin eh no!"sabi niya.
"Ano?!"
"Sabi ko sabaw ka."paguulit niya.
"Bakit naman?"tanong ko at tumawa siya.
"Never mind.."
Yun lang ang sabi niya at tinawag ulit ang waiter.
Sasabihan ako ng sabaw tapos pag tinanong ko kung bakit never mind, isasagot sa akin.
Lakas talaga ng apog!
Magsa-shot na sana ako ng mapatingin ako sa lalaking epal at naging apat ang ulo!
Ulupong ang peg!
"Huy! Bakit apat ang ulo mo?"sabi ko at tumawa na ng tumawa.
May sinabi pa siya at maya maya'y itinayo na ako papunta na sa kalsada.Nakakainis lang kasi napakasoft ng kamay niya.
"Uuwi na tayo?"tanong ko.
"Oo, lasing ka na."sabi niya at nagtantrums ako sa harap niya.