Chapter 18

2 2 0
                                    




"Anne buksan mo to!"namamaos ko na tawag.

Kanina pa ako katok ng katok sa kwarto ko dahil nalaman ni Anne ang tungkol kay tita at agad siyang nagtatakbo papasok at ni-lock.

Dinaial ko na lang ang number ni Yohan at siya ang papapasukin ko.Nagaalala kasi ako baka kung ano na ang magawa niya.

Sumagot naman si Yohan agad at inantay matapos ang ilang minuto."Kanino ba niya narinig?"

Patanong pa niya."Kina Grace ata!"kamot ulo kong sagot.

"Ang daldal talaga ng megaphone na 'yan kahit kailan!"

Nagpaalam na ako dahil hahanapin ko pa si Dex.Nasapo ko na lang ang aking noo ng hindi malaman kung saan ko siya hahanapin.

Tinawagan ko siya pero unable to connect naman! kaya napilitan ako na itext na lang siya.

Kung saan ka man lupalop nagpunta please bumalik ka na...

Ganon na lang ang pagdarasal ko habang naghahanap sa buong resort.Maghahapon na hindi ko pa rin siya makita.

Sinabihan naman ako nina Grace na tatawagan nila ako pag nakita o nalaman nila kung nasaan.

"Kuya pwede po magtanong?"sabi ko sa lalaki na mukhang matagal na nagtatrabaho dito.

"Ano iyun ineng!"napatigil pa siya sa pagaayos ng jetski at lumapit sa akin.
"Nakita niyo po ba siya?"saad ko at ipinakita ang picture niya.

"Ay roon ko siya nasinayan kaga'nina!"nagpasalamat ako at naglakad sa itinuro ni kuya.

Napabuntong hininga na lang ako ng makita siya na nakaupo sa buhanginan at nagdo-drawing pa ng kung ano sa buhangin.

Dahan dahan naman akong lumapit at umupo."Bakit ka umalis kanina?"

Napalingon naman siya sa akin at nalungkot ako ng makita ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Aalis na pala kayo.."

Hindi naman ako nakaibo sa pwesto ko at tumingin na lang sa papalubog na araw.

"Oo nga eh"tugon ko.

Lumapit na lang ako sa kanya at sumandal sa balikat.

Sa totoo lang ayaw ko na talagang umuwi pa pero mapapagalitan naman ako ni Dad lalo na ngayo'ng hindi pa masyado nakakabangon ang negosyo at mas lalong magagalit siya kasi hindi ko man lang sila ni Mom nasabihan na ganon ang estado ng negosyo.

"Kailan daw kayo aalis?"malungkot pa rin niyang tanong.

"Wala pang sinasabi si tita.."sagot ko naman.

Namutawi na naman ang katahimikan sa aming dalawa.Saka ko naman naalala si tita.

Yumakap lang ako sa kanya habang nakatingin sa mga bituin.

"Anne!!"sigaw ko.

Inirapan lang ako ni Anne at nagmamadaling pumasok sa kwarto niya.

Lagot talaga sa akin ang babae na 'to.Ang sakit sakit na nga ng ulo ko tapos nakikisali pa siya.

Kinausap ko naman ng maayos si Dex at tumayo na rin kami dahil sabi ko walang kasama si Tita sa kwarto kaya pumayag din siya.

Napangiti naman ako ng makapasok sa loob ng kwarto at nakitang nakahiga silang dalawa at nagtatawanan pa.

Nakisali na rin ako hanggang sa nakatulog kaming tatlo.Tapos kanina kinausap ko si Anne kung ano ang ginawa niya kay Tita kasi sabi niya kakausapin niya kaming lima mamaya.

Without ReasonWhere stories live. Discover now