Chapter 08

3 2 0
                                    


Chapter 08

Iniwan ko na lang ang phone ko at lumabas ng kwarto.Naabutan ko sa sala sina Grace na nanunuod ng t.v.Nakita  niya naman agad ako ni Grace at umirap.

Dumiretso na lang ako sa kusina para kumuha ng makakain dahil nagugutom na ako.

"Psst.."napalingon naman ako sa sumitsit.

Walang iba kundi ang lalaking epal na naman.Nasa labas siya ng banyo at mukhang may ginagawa.

Gulat na gulat naman ako ng biglaan siyang lumapit, at kumuha ng tinapay.Bhie yung distance namin!

"Wala sina Tita A at Kuya Henry"sabi niya at umupo sa tabi ko.

Hindi naman ako nagsalita at pinagpatuloy lang ang pagkain ko.

Saan naman kaya pumunta sina Tita?tanong ko sa isip ko.

"Papunta silang Coron"pagpapatuloy niya at tumayo na.

Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya.Tumayo agad ako at nagpunta sa kwarto para kunin ang phone ko.

Agad kong dinial ang numero ni Kuya Henry.Cannot be reach naman ang phone niya kaya tinext ko na lang siya.

Lumabas ulit ako ng kwarto at dinala ang librong binili ko bago mag-lockdown.

Pumunta ako sa likod bahay at umupo sa duyan.

Everything in the world has a meaning.
It is up to you whether you choose it or not.
But some of them also have different roles.

Napaisip naman ako sa unang linya ng nobela na ito.

Nawala ang mga iniisip ko ng magtext si Mom.

Mother Earth

Don't worry about your dad, Yre.He's fine now.I'm just to oa.Besides, your dad and i going to face it.Marky is already in the house.

Hindi ko alam kung good news ba ito o hindi.Mas lalo lang akong naguluhan.Kahit naman hindi ko nakikita sila, nagaalala pa rin ako.
Nakaramdam naman ako ng umupo sa tabi ko at ngumiti pa siya.

Tinaasan ko na lang siya ng kilay at pinagpatuloy na ulit ang pagbabasa.

Pero hindi ako makapagconcentrate sa pagbabasa dahil nararamdaman kong nakatitig siya.

Tiningnan ko na lang ulit siya at tinarayan.

"Sungit mo naman!"asik niya at lumalit pa lalo sa akin.

"Ano ba! Lumayo layo ka nga sa akin."sabi ko at tinaboy taboy siya.

Pero hindi pa rin siya nagpatinag at umusog pa lalo.Ang ayaw ko lang talaga sa lalaking ito ay yung pagpapapansin niya na minsan ay wala na sa lugar.

Lalo lang akong nairita sa ginagawa niya at tumayo na para dun na lang magbasa sa kwarto.

"Saan ka naman pupunta?"tanong niya.

Hindi na ako umimik at maglalakad na sana papasok ng bahay ng hilahin niya ako at napaupo ako sa lap niya!

Tumawa naman siya at hinampas ko siya.What the hell, holy grail I  think i'm not virgin rn.

"Aray!"angal niya.

Tatayo na sana ulit ako ng hilahin niya ulit at yakapin.

"Ano ka ba.Isa pang ganyan mo doon ka matutulog sa presinto.Ang manyak manyak mo talaga!"pigil hininga kong sabi.

Parang tambol sa sobrang bilis ng tahip ng dibdib ko.

Yumapos pa lalo siya kaya para na akong natatae na hindi.

"Bitiwan mo nga ako!"

Umiling lang siya at lalo pang hinigpitan ang hawak sa akin.

Nakita ko naman na nakatingin si Yohan na nasa may bintana at sobra ang  ngiti.Ngiting kilig na kilig at ngiting papatay.

"Bitiwan mo na ako.Nakatingin sa atin si Yohan.Baka kung ano pa ang isipin niya."mahinahon kong sabi.

"Ano naman kung may isipin siya."malambing rin na bulong niya.

Kinilabutan naman ako at napaigtad ng lumipat ang kamay niya sa bewang ko.

"T*ngina lang talaga"bulong ko sa isip ko.He gives me all the butterfly and monster that i've been hiding for a long time.

Iba't ibang mura na ang sinabi ko sa isip ko.Para na  'nga ata akong kamatis sa pinaggagagawa niya.

Hanggang sa nagsalita na siya.

"Napagisipan mo na ba?"tanong niya na nagpabalik sa ulirat ko.

Flashback

"Miss Janine Marquez."tawag ng isang  babae na nakauniporme ng itim.

Huhulaan ko na siya ang sekretarya ng sinadya ko.

Tumango naman ako at iginaya niya ako papasok ng opisina.

Tiningnan ko ang bawat detalye at masasabi kong napakagaling ng nagdisenyo nito.

Napalunok ako ng nakita ko kung gaano katikas ang lalaking nasa harapan ko.

Ngumiti siya sa akin at iminuwestra ang upuan.Ngumiti din naman ako ng hilaw pabalik.

"Lyana maiwan mo muna kami."saad niya at lumabas na yung babae.

Tumikhim naman ako at siya naman prente  lang uminom ng kape.

Kinabahan naman ako nang biglang tumayo siya at dumaan sa likod ko.Panay ang kalikot ko sa envelope na hawak at malapit ng magusot.

May kinuha siya sa drawer ata niya at lumapit muli sa akin.

"Janine Zraipyire.Hmm.."pagbabasa niya sa pangalan ko.

"19."pagpapatuloy niya.

"Fairview."sunod na sabi niya at tumingin sa akin.Napalunok naman agad ako.

Ngumiti siya at sinarado ang folder.

"Si Tita ba ang may sabi?"tanong niya.

Tumango ako at inabot ang pinapadala ni Tita Lana.

"Hmm.."

Para akong taga bundok na palinga linga sa salamin dahil sa ganda ng view dito.

Nasa isang rooftop na restaurant kami at abala pa din siya sa kausap niya.

Nakafacemask pa ako para walang makakilala sa akin.

Naramdaman ko naman na papalapit siya sa akin kaya panay ang buntong hininga ko.

"Hahatid na kita."sabi niya at naglakad na.Sumunod na lang ako, panay naman ang text ni Tita A kung nasaan ako.Nagdahilan nalang ako na natraffic kahit na malapit lang.

Pagkapasok ko sa loob ng kotse nagsalita siya at binuhay na ang makina ng sasakyan.

"We just have a dinner tommorow.I hope we have a little bond soon."tumango na lang  ako.

Pagkalabas ko pa lang ng elevator nagtext na agad  siya.

"Lets talk some other time.I hope you  made a decision."

Hindi ko alam kung ano ang isasagot.

"Hindi pa din?"tanong niya ulit.

Umiling na lang ako at niluwagan niya ang pagyakap sa akin.Tumama pala yung gut feel ko.

"Aantayin ko ang desisyon mo."sabi niya at nilapag ulit ako  sa duyan.

Nakita ko ulit at binasa ang unang linya sa libro.

Tama kaya itong gagawin ko?

Without ReasonWhere stories live. Discover now