Epilogue
"Mariam can you help me to choose between these two?"Nagmamadali kong tanong sa kapatid ni Yohan.Ngumiti naman siya at itinuro ang off shoulder na dress.
Iniwanan kasi ni Yohan ang kapatid niya dito sa condo ko.Kaya mano-nose bleed na ako sa batang ito.
Tinawagan ko pa si Kuya Robin para sabihin na ready na ako.
Syempre kailangan kong ayusin ang sarili ko.Kaya i decided to put some foundation and lip gloss.Para daw hindi mukhang bangkay.
"Perfect!"matinis na sigaw ni Mariam at hinalikan ako sa pisngi.
Tatawa tawa naman ako at nilagyan siya ng kaunting pabango sa bandang likod—may asthma kasi siya.
"Come closer"
Sumunod naman siya at inilagay ang binili ko sa Paris na tiara.
Napanganga siya ng makita ang nilagay ko.Nagtatatalon pa nga siya sa sobrang saya.
"Tita Janine?!"matinis na ulit na tawag niya.
Napalingon naman ako ng nakanguso siya at tinitingnan ang susuotin niya.Napangiti naman ako dahil magaganda ang dresse's niya hindi kagaya ni Yohan na boyish magstyle.
Lumabas na din kaagad kami nang magdoor bell si kuya robin tatawa tawa pa ako ng makita siyang nakaformal.
"Neh sa silvia'n ba ang diretso?"napalingon naman ako ng magtanong si kuya napakamot na lang ako sa aking ulo ng maalala na hindi ko nga pala sinabi kung saan ang punta.
Tumango ako at itinext si yohan na otw na kami.Naglalaro naman sa dalang tablet niya si mariam.
Today is the day
Napatingin na lang ako sa labas ng maalala ang pupuntahan namin na okasyon.
After my graduation in premed,napagdesisyunan ko agad na sa states na mag aral ng med kaya napawalay ako ng ilang years kaso di ko kinaya ang schedule pati na ang mental problem ko,hindi lang mental pati physical and emotional.
Tinapos ko lang rin ang first sem at bumalik na ako ng manila.Nung makabalik ako marami ring nagbago na akala mo'y nawala ako ng 10 years.
Mabilis ang panahon,yung minsan na makikita mong masaya pa kayo bigla na lang lulungkot pagdating ng panahon.
Napabalik naman ako sa ulirat ng tawagin na ako ni kuya robin at sabihin na nandito na kami.
Agad na lumabas si mariam at yumakap sa ate niyang nakabusangot ang mukha.
"Antagal niyo ah!"reklamo niya.
Bumeso na lang ako at kinurot siya ng palihim.Mahina naman siyang napadaing at bumulong pa.
"Dont worry nandito lang ako"saad pa niya.
Sinamaan ko pa siya ng tingin at umupo sa nakalaan'g upuan."Anong oras pala ang dating ni Anne?"tanong ko na makaupo siya.
"10 ata"sagot naman niya.
Napatango na lang ako at tiningnan ang paligid.Blue at pink ang theme kaya maganda ang pagkakadesign pati na ang buong venue.
"Kasama ata ni anne si jerry"bulong pa niya.Nagtataka pa akong napatingin sa kanya at nagtataka rin naman siyang tumingin sa akin.
Hindi ko talaga alam kung ano ang trip ng dalawa'ng yun.Minsan makikita mo na lang na sad girl at boy palagi sila sa fb.
"Ayan na ang kapatid mo na bruha!"saad pa ni Yohan at napalingon naman ako sa entrance.
Nakangiti at napailing na lang ako bago umupo ang dalawa.Masyadong mahaba ang kwento pero nalaman ko rin before ako gumraduate ng premed na half sister ko pala si Anne.