Chapter 09Pagkatapos ng nangyari kahapon panay ang tukso sa akin ni Yohan at ni Anne.
"Dexter pala ha!"
Panay rin ang parinig nang dalawa kahit na nandito si Dexter.Kaya naman nalaman ni Anne dahil kinuwento at pinakita ni Yohan ang picture namin dalawa kahapon.
Nagluluto na kami ng tanghalian at hindi pa rin maawat sa panunukso nung dalawa.
Paano naman kasi katulong ko pa si Dexter!
May kinukwento kasi siya sa akin na nakakatawa at nakita nung dalawa kaya nagpaparinig sila.
"Hinahanap ko yung libro yun pala hawak ko lang!"
Hagalpak na talaga ako ng tawa.Hanggang sa nagtext na si Tita.
Tita A
Pauwi na kami.Inaasikaso kasi nila ang form para kay Dexter para sa business nila.Kaya pinayagan na makalabas sina Tita.
Sinabi ko na sa kanila ang tinext ni Tita.Kaya naghanda na rin kami nang tanghalian.
Kinukwento ni Tita ang higpit sa bawat dinadaanan nilang sitio o baranggay kaya pahirapan pa sila bago mapuntahan yung tao na pupuntahan nila.
Natapos ang tanghalian na panay pa din ang kwento nila.
Habang naghuhugas si Yohan sinisipa sipa ko pa siya.Kaya panay ang daing nung isa.
"Aray naman!"angil niya.
Tatawa tawa ako kaya masama na ang kanyang tingin.Naglalaro pa ako ng Candy Crush at pag natatalo sinisipa ko siya.
Mukhang napipikon na siya kaya't panay dabog siya habang nagpapatas.
"Janine."tawag ng kung sino sa akin.
"Ano naman?"pagalit ko pang sabi.
Napanguso na lang siya sa asta ko at binigyan ako ng tubig.
"Para kumalma ka."paliwanag pa niya.Nagtataka naman ako kung bakit.
Humalukipkip naman siya sa counter top habang inuubos ko ang tubig.
"Magbabasa ka ba mamaya?"tanong niya sa gitna ng katahimikan namin.
"Oo, bakit?"
Nagkibit balikat na lang siya.Inubos ko na lang ulit ang tubig at naglakad papuntang likod bahay.
Naramdaman ko naman ang pagsunod niya kaya nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.
Tumaas din ang kilay niya."Ano naman!"siya naman ang galit ngayon.
Umupo na lang ako sa duyan at naglaro na lang ulit.Nakita ko naman siyang kinakalikot din ang cellphone niya.
"Inantay mo ba ako noon?"tanong niya.Kaya maang maangan akong lumingon.
Hindi ko alam kung sasagot ba ako ng 'Oo o Hindi' basta sunod sunod na naman na pumasok sa utak ko ang nangyari.
Umuulan pa at hinihintay ko pa siyang matapos sa practice nila.
Maraming sinasabi ang coach nila kaya napagdesisyonan ko na pumasok muna sa loob ng gymnasium.Para hindi ako masyado mabasa.
Nakita niya agad ako at ngumiti siya.Ngumiti din naman ako pabalik kaya't napatingin sa akin ang kaniyang kagrupo.
May sinabi ang isang kagrupo niya at napa-ohh sila.Umupo na lang ako sa isang bench.
Maya't maya naman ang lingon niya kaya naiilang ako.