Part 3

186 3 0
                                    

Hindi ko pa rin maintindihan ano bang naisipan nila Tita Emily at naisip nilang ipakasal ako sa anak nila. The thought made me sweat. Ayoko ng ganitong feeling.

Humiga na ako sa kama. Feeling ko sobrang napagod ako sa araw na 'to. Wala naman akong ginawa but somehow it was draining. Naalala ko nanaman yung mukha ni Pam. I've seen her before pero hindi ko alam kung anong pangalan niya.

We both went to the same school pero never kami nagkaron ng chance to talk to each other, let alone meet. Pero palagi ko siyang nakikita. Minsan nga iniisip ko kung sumpa ba yun eh.

Matutulog na sana ako nung biglang nagring yung phone ko.

"Hello Ma."

'Aji, wag mo kalimutang sunduin si Tricia bukas ng umaga ha.'

"Ma malaki na yun. Kaya niya na sarili niya."

'Tigilan mo nga ako Maristella. Ikakasal ka sa kanya kaya ano ba naman yung magpakita ka man lang ng konting kindness sa kanya.'

"Ma wala akong kotse. Nandun pa kay EJ. Maglalakad lang din kami."sagot ko. Baka nga siya pa maghatid sa 'kin dahil siya 'tong may sasakyan.

'Eh di ihatid mo man lang siya kahit sa sakayan.'

"Ma, pupunta ako sa office bukas. First day ko bukas. Nakakahiya naman kung late ako."sabi ko sa kanya pero pinipilit niya pa rin akong samahan at sunduin si Krisha kaya pumayag na lang ako.

Alam naman ni Mama na hindi ako morning person, pero ngayon, wala akong choice kundi magpaka-morning person. Pag minamalas ka nga naman.

I Married LasatenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon