Part 118

136 2 0
                                    

Naglakad pa kami ng ilang minuto hanggang sa pumasok kami sa isang village at nauna na akong pumasok sa loob.

"Ma, andito na po ako. Kasama ko si Pat pati yung mga kaibigan niya. I invited them for breakfast."tawag ko and nakita ko naman na lumabas si Mama galing kusina.

Napalingon ako at narealize ko na hindi pala sumunod sa 'kin sila Pat sa pagpasok, lalabas na sana ako nung nauna nang lumabas si Mama sa 'kin.

"Tumuloy muna kayo ng mga kaibigan mo. Pasok kayo."sabi ni Mama habang pinapapasok sila Pat. "Nabanggit ni Agnes na nagkita daw kayo at nakabakasyon ka nga raw dito. Pasok kayo, i-aayos ko lang yung almusal."dagdag niya habang kasunod naman nyang naglalakad sila Pat. Naupo na sila Pat dun sa sala at tahimik niyang tinitingnan yung mga medal sa pader.

"Kay Agnes lahat yan."sabi ni Mama nung napansin niyang tinitingnan ni Pat yung mga medals. "May mga hindi pa nakalabas kasi hindi na kasya."dagdag niya. Naramdaman kong uminit yung pisngi ko sa mga sinabi ni Mama. Napalingon lang si Pat sa 'kin at ngiting-ngiti rin siya.

"I know. I'm a nerd."sabi ko tapos lalo lang lumaki yung ngiti niya tapos tinawag na rin sila ni Lia na dun na magstay sa may dining kasi nakahain naman na yung ibang pagkain.

Habang papunta sila sa dining area, pinakilala ko isa-isa yung mga kapatid ko. Nakwento na rin ni Mama tungkol sa banda ni Emil at maging yung mga gigs ni Lia at ni Lin. Nakita ko na nakangiti lang si Pat habang nakikinig siya sa mga kwento nila.

"Baka pala available kayo this week. May gig silang dalawa."sabi ko sa kanila.

"Oo nga ate. Punta kayo!"aya ni Lin sa kanila. Nakita ko na ngumiti lang din si Pat pero nakita ko namang tumango sila Nicole.

"I can pick you up para di kayo mahirapan."sabi ko and pumayag naman sila.

Hinayaan ko na lang muna silang magkwentuhan at nagpunta na lang muna ako sa kusina para i-ready yung kape ko. Matagal ko na ring hindi napagtimpla si Pat dahil nasa Pangasinan siya. And the moment I handed her her coffee, napangiti ako kasi ang laki ng ngiti niya at mukhang namiss niya rin talaga yung kape.

"Grabe naman po yung ngiti nung isa dyan."pang-aasar ni Dawn.

"Hindi, kasi namiss ko yung coffee ni Agnes."sabi ni Pat defensively.

"Coffee ko lang?"sabi ko at napalingon siya sa 'kin. Hindi niya 'ata alam na narinig ko sila.

"Fine, ikaw na rin."sabi niya and di ko alam kung bakit pero somehow namula ako. I just smiled back.

Habang kumakain, nakipagkwentuhan sa kanila si Mama at gusto ko na sana siya patigilin kasi kahit yung mga nakakahiyang mga ganap ko sa buhay kinukwento rin niya. Feeling ko gusto ko na lang magpakain sa lupa.

"Pero alam niyo, super proud ako dito kay Aji. Siya ang nagpapa-aral at sumusuporta sa 'min lahat."sabi ni Mama and nakita ko na tumingin sa 'kin si Pat.

"What?"tanong ko sa kanya kasi she was looking at me and she was smiling.

"Wala. It's just that I've painted you differently in my head."sabi niya sa 'kin.

"Well, people usually paint me as a villain in their heads so I'm not surprised."sabi ko sa kanya.

"Uy hindi ah. I just haven't seen your soft side yet."sabi niya and she smiled. Wala na akong masabi kaya napangiti na lang ako.

After ng breakfast, tinulungan pa nila kaming magligpit nung mga pinagkainan namin. Pinipigilan namin sila ni Mama pero ayaw nilang pumayag.

"Saan pala kayo pupunta after?"tanong ko.

"Hmm... we might go to Burnham. Mag-iikot dun."sabi ni Pat.

"Aji. Ihatid mo sila sa Burnham, baka mamaya maligaw sila."sabi ni Tita Cy.

"Hindi na po. Okay lang naman kami tita. Para di na rin mapagod si Agnes."

"Okay lang yan. Sanay naman yan maglakad-lakad."sabi ni Mama.

"Malaki na yan Ma. Kaya na niya sarili niya."sabi ko.

"Maristella, be polite. Ihatid mo sila. Tapusin mo na yang ginagawa mo para di na sila madelay."sabi ni Mama. Iniwan ko na sila at pumunta na ako sa kusina. Paglabas ko, wala na si Mama at si Pat sa sala. Saan sila nagpunta?

"Nasaan si Pat?"tanong ko kela Nicole.

"Ah, nasa labas na."

"Tara na?"tanong ko sa kanila. Medyo naghesitate sila pero tumango rin naman kaya lumabas na kami. Paglabas namin, nakita ko na andun sa labas si Pat at si Mama. Anong meron?

"O what's happening?"sabi ko. Umiling lang si Pat.

"Sige po tita, mauna na po kami."sabi niya tapos nag-mano lang kami sa kanya at umalis na rin kami.

Habang naglalakad kami papuntang Burnham, napansin ko na tahimik si Pat. Hindi siya masyadong nagsasalita at para marami siyang iniisip. Hindi naman siya ganyan kanina. Actually nung nasa bahay, masigla siyang nakikipagkwentuhan sa mga kapatid ko.

"Wifey, okay ka lang?"sabi ko habang naglalakad pa rin kami. Tumango lang siya pero she looked far from okay. "May sinabi ba sa'yo si Mama?"tanong ko.

"Wala. Okay lang ako."sabi niya and I stopped to look at her pero she just passed by me kaya hinila ko siya para huminto.

"Pat, what's wrong? Safe space di ba?"sabi ko sa kanya. Then she let out a sigh.

"Masaya ka ba?"tanong niya. I don't know kung saan niya napulot yung tanong niya kaya bigla akong natigilan.

"What? Oo naman. Why?"

"Aji, ang dami kasing nagsasabi sa 'kin how you seem happier lately. And it scares me na baka one of these days masaktan kita and -- bakit ka tumatawa?"

"How bold of you to assume na ikaw ang dahilan kung bakit ako masaya."I teased. Akala ko naman kung bakit siya sobrang seryoso. Minsan masyadong palaban si Pat, but then there are days when she would just quit. Masyado kasi siyang seryoso.

She just glared at me and tumaas yung kilay niya habang natatawa pa rin ako. I didn't mean to laugh pero sobrang seryoso niya kasi. I know she's worried that she would hurt me, pero kasama naman talaga yun sa pagmamahal.

"Wifey."sabi ko sa kanya nung nagsimula na ulit kami maglakad. "Pwede bang..."

"Ano?"

"Pwede ba tayong magkita ulit bukas?"

"Pagtapos mo ako sagutin ng pabalang, sinong nagsabi sa'yong gusto kitang makita ulit bukas?"sabi niya kaya lalo akong natawa. Ang sungit din talaga nito.

"Kasi alam ko namang hindi mo ako matitiis."sabi ko sa kanya.

"Wow, how bold of you to assume na hindi kita matitiis."sagot niya kaya lalo akong natawa. Kahit kelan talaga, hindi siya magpapatalo.

"Pero ano nga wifey? Please?"sabi ko sa kanya nung nasa may Burnham na kami and I knew na iiwan ko na sila dun.

I know they have other plans kasi alam kong hindi naman ako ang dahilan kung bakit sila pumunta ng Baguio. And as much as I want to be with her, I also need to respect the fact na oras niya 'to for her friends and this is my time for my family. Pero somehow, gusto ko lang siyang makasama pa. I just want more time with her.

Akala ko magdedecline si Pat, pero napangiti na lang ako nung tumango siya.

"See you tomorrow Aji."

I Married LasatenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon