Part 40

177 4 0
                                    

Maaga pa nung hinatid ako ni Gabe sa bahay nila Pat. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya kung bakit ako andun, pero kumatok pa rin ako. Pinapasok naman ako agad nila Tito. And since tulog pa daw si Pat, ayoko naman siyang istorbohin kaya nagvolunteer na lang akong ipaghanda sila ng coffee habang nag-aantay. Ayaw nila sana pumayag pero I usually don't take no for an answer.

Inabot ko na kay tito yung kape niya and I went back para dun sa iba pa. Last cup na sana yung babalikan ko nung narinig ko na yung boses ni Pat. Kaya nung lumingon siya, nagulat siya na andun ako sa likod niya. I smiled at her and she looked surprised. Napangiti ako. Namiss ko ba siya? Bakit parang gumanda siya? Siguro dahil nakangiti siya sa 'kin and she's always a thousand times more beautiful when she smiles.

"Anong ginagawa mo dito?"tanong niya.

"I missed you too wifey. Wala man lang ba akong hug?"

"Tigilan mo nga ako. Bakit ka nga nandito?"

"Sayang kasi gas if magdadalawang sasakyan pa tayo papunta sa gig. So nagpahatid na lang ako dito para sabay na tayo."sabi ko sa kanya.

"Ah. So andito ka para gawin akong driver."

"Minsan lang naman eh."

"Tigilan niyo na nga yang dalawa. Agnes anak, umupo ka na rin dito para makakain ka na rin."sabi ni Tito Jessie.

Umupo na ako sa tabi ni Pat. Nung natapos na siyang kumain, nagpunta siya sa sala. And I just stayed back para makipagkwentuhan kay Tito Jessie. Nakakatuwa kasi siyang kausap kasi marami siyang insights about film scoring. Pero maya maya nag-excuse lang siya kasi aakyat daw siya sa kwarto. Tumango lang ako and naisipan kong tulungan sj Manang sa pagliligpit. Nakikipagtalo siya sa 'kin pero nakakahiya rin kasing walang gawin.

"Ma'am ako na lang po dito."sabi ni Manang pero tinuloy ko pa rin yung paghuhugas ko.

"Okay lang po. Hindi naman po ito abala."sabi ko sa kanya. Medyo may edad na rin kasi si Manang and ewan ko, hindi lang ako makatiis kapag andun ako tapos may matanda na gumagawa ng gawaing bahay.

"Kaso ma'am baka mapagalitan ako. Ako na po dito."sabi ni Manang.

"Wag po kayong mag-alala, hindi naman nila malalaman."sabi ko sa kanya. Pero kita ko sa mukha ni Manang na nag-aalala pa rin siya.

"Manang."

Ay pucha. Napalingon kami ni Manang at nakita namin na andun sa may pinto si Pat. Nakakagulat naman 'to.

"Kami na pong dalawa dyan. Gawin niyo na po muna yung iba niyo pang gagawin."sabi ni Pat. Ayaw umalis ni Manang kasi tingin ko kinakabahan siyang mapapagalitan siya. Pero tiningnan niya kami ni Pat at umalis na rin siya.

Lumapit si Pat at tinulungan ako dun sa mga hugasin. Napangiti na lang ako. Ngayon ko lang narealize na may maid nga pala sila kaya malamang hindi siya sanay sa mga gawaing bahay, pero dahil magkasama na kami sa condo, wala siyang choice.

"Anong nakain mo at mabait ka 'ata ngayon?"sabi niya.

"Sunday eh."sagot ko. Then she suddenly chuckled.

I found myself blushing. Di ko alam kung bakit but whenever she smiles or she laughs, I feel like there's something fuzzy inside me. Like I feel warm and fuzzy, and I can't even explain it. Habang naghuhugas pa rin kami, hindi ko maiwasang mapatingin kay Pat. She looked pretty kahit na pawisan na siya at magulo itsura.

"What?"sabi niya bigla kaya inalis ko yung tingin ko sa kanya but Pat was looking at me intently.

"Wifey. May dumi ka sa mukha."sabi ko na lang sa kanya.

"Ha? Saan?"

"Ito oh."sabi ko sa kanya sabay pinahid ko yung sabon sa mukha niya. I laughed kasi nakita ko na namumula si Pat sa galit pero she was in so much shock she can't even produce a sound.

"Nakakatawa yon? Happy ka?! Happy ka?! Gusto mo ng ganyan ah!"sabi niya sabay sinubukan niya rin akong lagyan ng sabon pero umilag agad ako dahil wala akong pamalit na damit.

"Wait! Wait! I don't have extra clothes. Di ako pwedeng madumihan for the gig later."sabi ko sa kanya.

"May araw ka rin sa 'kin!"

"Well, until then."

Naghugas ng kamay si Pat tapos naghilamos na siya para alisin yung sabon sa mukha niya. Nung natapos siya maghilamos, napansin ko na tumatama sa mata niya yung buhok niya and I don't know why, but I've decided na hawiin yung buhok niya. And as I looked at her, I realized how beautiful she really is. Tama sila Mich. After six or seven years of seeing her since college, hanggang ngayon, I still think she's the prettiest girl I've ever seen. And now that we've actually grown older, I think it's interesting how she managed to age beautifully.

"You look pretty wifey."sabi ko sa kanya. Hindi ko alam pero I feel like I need to finally tell her that. I saw her blush.

"Pag nalaman ko lang talaga na may pinahid ka nanaman sa mukha ko tatamaan ka talaga sa 'kin!"

"Alam mo ikaw, you don't know how to take a compliment."sabi ko sa kanya. And I think we've been staring at each other for too long already and bigla akong naconscious kaya nagtuloy na lang ako sa paghuhugas ng mga plato.

After namin maghugas, nagstay muna ako sa sala nila habang inaantay ko siyang makapag-ayos. And the moment she came out of her room and as she was walking down the stairs, hindi ko alam pero feeling ko she was walking slowly and I found myself with my mouth slightly opened at the sight of her.

"Ano, tara na?"sabi niya. I think I'm still starstrucked by how she looked.

"Huy Reoma, bakit ka ba nakatulala dyan? Tara na ba? Okay ka na?"sabi niya. I snapped out of my own thoughts and tumango lang ako. We then walked palabas papunta sa kotse niya.

"Give me your keys."sabi ko.

"No. My car so I'm driving."

"Wifey, gusto ko pang mabuhay."sabi ko sa kanya. I've seen her drive and I swear, she scared the hell out of me.

"Hoy. Safe driver ako. So either you get in or magtaxi ka papunta ng studio."

"Okay, okay, chill."sabi ko sa kanya sabay pinagbukas ko na lang siya ng pinto.

While we were on the way, napalingon ako kay Pat and I realized how hot she looked when she drives. Is hot the proper word? Basta she looked prettier behind the wheel. She should drive for me more often. Napangiti na lang ako. I like this view.

"What?"

"Ha?"

"Why are you smiling?"

"Wala."

"Come on. Say it."sabi niya.

"Wala. I... I just thought na you looked ten times more beautiful behind the steering wheel." Pat started to blush and I had to smile. I like making her blush. Pat never liked being complimented and she's always awkward or uncomfortable when she's being given one but I enjoy giving it to her cause she deserves it.

"Seatbelt Agnes. Baka at the rate that you're falling, matuluyan ka."sabi niya bigla and bigla siyang kumindat. I was caught off guard na mabilis kong naramdamang namula yung mga pisngi ko.

"See that's what I meant by taking in a compliment. You're learning! I'm proud."sabi ko sa kanya. She chuckled again.

"Now, eyes on the road wifey not on me."

Hay Patricia, why are you doing this to me?

I Married LasatenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon