Part 144

158 1 0
                                    

Inayos ko na yung ring and I taped it under the marimba para hindi malaglag. Naisip ko na iiwan ko pareho sa kwarto ni Pat yung marimba and yung singsing since babalik naman kami sa condo sa Makati. I want to see what Pat's reaction would be but somehow kinakabahan din akong makita niya yun.

And since nagpapalipas pa kami ng oras at gustong sulitin nila Lia yung amenities sa condo, nagswimming muna sila. I took a picture and pinadala ko kay Pat. At natawa ako nung makita ko yung reply niya.

• Langoy ka din Agnes, di ka malulunod dyan.

Gagu hahaha •

Maya maya nakita ko na nagsend naman ng picture sa 'kin si Pat. I realized how much I missed looking at her.

• Baka kasi makalimutan mo na itsura ko.

Kintab ah. •

• Shine Jesus shine yan erp.

HAHAHAHA see you later wifey. •

Hindi ko na napigilan at natawa na ako ng malakas sa reply ni Pat kaya medyo nagulat sa 'kin si Lia. Umiling na lang ako at bumalik na sa unit para mag-ayos ng mga gamit.

Hindi ko alam kung anong mangyayari sa dinner mamaya pero I'm half hoping that no one talks about the wedding proper kasi hindi ako sigurado if I am ready.

Maya maya lang nakabalik na rin sila Lia kaya nag-ayos na rin sila at nagbyahe na rin kami papuntang Laguna. After ilang oras, nakarating na rin kami sa bahay nila Pat. Nagdoorbell lang kami at pinagbukas kami ni Manang. Pagpasom namin, nakita ko na agad yung Bens.

"Uy. Andito na kayo."sabi ko tapos bumeso ako sa kanilang lahat. Pinag-isipan ko pa kung bebeso rin ba ako kay Pat pero napansin kong nakatingin si Mama kaya bumeso na rin ako. Napansin ko na nagulat si Pat pati mga kabanda namin.

Pinakilala ko na lang sa kanila yung family ko and tinawag na rin sila ni Tita Emily para sa mesa nila. Naiwan naman kami ni Pat sa mesa kasama yung Bens. I realized na sobrang daming tao and mukhang napagplanuhan din naman talaga 'tong dinner na 'to.

May mga kamag-anak si Pat na nag-vivideoke and niloloko rin namin yung kambal na lumaban pero napatigil kami nung nagpropose ng toast si Tita Emily.

Narinig ko lang yung mga tunog nung baso and kahit yung band nakipagtoast sa 'ming dalawa. I somehow anticipated something would come up about the whole wedding plan and bigla akong nagpanic. Out of panic, napahawak ako sa kamay ni Pat and I felt her press on to it lightly as if to ask me if I'm okay, and I just pressed her hand back and smiled. Holding Pat and seeing her smile somehow made my anxiety disappear. Bumitaw na rin kami sa isa't isa nung tinawag na kami para kumuha ng pagkain.

"Alam niyo, I'm still surprised by how well your parents have accepted both of you."sabi ni Toni habang kumakain kami.

"I am very much surprised by their rash decision for everything."sabi ni Pat kaya natawa ako.

"Si Pat talaga may kasalanan ng lahat ng 'to eh."pang-aasar ko. Pat just rolled her eyes pero bigla kaming kinabahan nung bigla kaming tinawag ni Tito sa harap.

"Sa mga andito at hindi pa kilala si Agnes. This is Agnes, she's working sa company namin and also Pat's bandmate. I'm sure you've heard of their band."sabi ni Tito and I saw them acknowledging what he said.

"Well, anyway, we haven't really said this yet, but Agnes,"sabi niya kaya napatingin kami ni Pat sa kanya.

"Welcome to the family."sabi ni Tito and I couldn't help but smile. He'll soon be my father too and it's nice to know that I am welcome sa pamilya nila. Pat hugged him and he kissed her on the head. I smiled and just drank my wine.

I Married LasatenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon