Part 123

136 0 0
                                    

After namin mag Camp John Hay, sumakay na kami ng taxi papuntang Bencab. Habang nasa byahe kami, I took out my headset and inabot ko kay Pat yung kabila. This was the playlist I made for her, pero I didn't mention it. Hinayaan ko lang siyang makinig. Habang nakikinig kami, she lightly drummed her fingers sa mga braso ko habang sabay kaming nagta-tap ng paa in time with the beat. I saw Pat's face light up nung narinig niya yung Fireworks and I smiled back.

Pagdating namin sa Bencab, we just looked at the exhibits and I held Pat's hands tighter. Gusto ko lang sulitin yung chance na pwede ko 'tong gawin. Paglabas namin, we just took a few photos together tapos bumalik na rin kami sa may city center. I took Pat to places na hindi masyado popular sa mga tourists para makakuha pa rin kami ng konting peace and quiet. Marami kaming inikutan and we took pictures. I took Pat to other places na feeling ko maganda magpicture. She had her camera out and she seemed to be enjoying herself. Buti na lang nadala ko rin yung films na binili ko sa kanya nung hinahanapan ko siya ng regalo.

"You look like you could use this."sabi ko sa kanya and inabot ko na yung films kaya lalo siyang natuwa. Cute talaga nito.

Habang naglalakad kami, bumabahing na si Pat and namumula na yung ilong niya sa lamig. Ang kapal na nga ng jacket niya, pero parang lamig na lamig pa rin siya. I removed my hands from hers and I rubbed them together para uminit. After nun, I cupped her face with my warm hands.

"Para mainitan ka ng konti. Let's buy you an inhaler."sabi ko sa kanya dahil sinisipon na siya kaya pumunta muna kami sa mall. Pagdating namin dun, ang dami pa rin ng tao kaya I wrapped my arms around Pat para di siya masyadong masagi nung mga dumadaan.

Habang namimili kami, may mga lumapit sa 'min para magpapicture. I know na nacoconscious din si Pat kasi whenever someone would ask for a picture, she would slightly move away from me. Siguro dahil hindi rin naman talaga alam ng mga fans namin na we are... what are we though? Dating? Engaged? Friends? Dating siguro. Literally.

After namin sa mall, umuwi na muna kami sa bahay para makapagpahinga muna kami. Napansin ko kasi na bumabagal na maglakad si Pat at kailangan din muna niya mainitan. Umikot ako sa bahay at mukhang umalis si Mama. Naiwan lang sa bahay si Malaya at si Cyril. Napakamot na lang ako sa ulo. Wala pala kaming kakainin dito.

Kaya ayun, I have decided na susubukan ko na lutuin yung paborito niyang ulam. All those days preparing must pay-off today. Iniwan ko muna si Pat sa sala at pumasok na ako sa kusina.

Nagluluto na ako when I noticed that Pat was standing by the door frame at pinapanuod niya ako magluto.

"Anong ginagawa mo dyan?"sabi ko.

"I didn't know you can already cook?"

"Di ba sabi ko sa'yo marunong na ako? Tinuruan ako ni Andrew."sabi ko sa kanya.

"So ano yang niluluto mo?"

"Yung first ulam na gusto kong matutunang lutuin."

"Which is?"

"Sinigang."sabi ko sa kanya and I just smiled. Ngumiti lang din si Pat at nakatayo lang siya dun sa may pinto.

"Balik ka na dun. Go take a rest. Mamaya maglalakad nanaman tayo."sabi ko sa kanya and she just nodded at umalis na. Narinig ko na nanunuod sila ng movie ni Cyrill. Nung natapos na ako magluto, tinawag ko na sila para kumain na.

Pinaghila ko lang din ng upuan si Pat at umupo na kami and nilagyan ko siya ng pagkain. I waited anxiously sa magiging reaction ni Pat. Ngumiti lang siya kaya napangiti na lang din ako. Naglunch lang kami and nagligpit nung mga pinagkainan namin bago pa kami umalis ulit. This time magdadala na ako ng sasakyan kasi malamig na sa labas at mukhang pagod na nga siya.

"Bakit naman sinigang yung gusto mong matutunang lutuin?"tanong niya.

"Kasi it's your favorite."sagot ko.

Naglakad lang kami papunta dun sa kotse at pinagbukas ko lang din siya ng pinto. Pagdating namin sa Burnham, sumakay kami dun sa parang swan nila. Pero kahit anong gawin namin, hindi kami makagalaw at paikot-ikot lang kami kaya natawa na lang kami ni Pat. Hindi man lang namin alam paano kami makakabalik para bumaba.

Pero eventually nafigure out din naman namin. After nun, nagpunta kami dun sa rental ng mga bike. Kumuha ng single bike si Pat pero hindi ako pumayag dahil walang helmet at baka mahulog siya kaya nung nakita ko yung single bike na pang dalawang tao, yun na lang ang nirentahan namin.

Nung nakailang ikot na kami, inaya ko si Pat na kumain. Maraming street food kasi dito sa Burnham and alam kong yung iba dun di pa niya natry. Pero mas gusto niya pa yung mangga kaya yun na lang binili namin. Eh nung tinutusok niya yung mangga, nabutas yung plastic.

"Oh no."sabi ko sa kanya. At dahil madudumihan si Pat, kinuha ko na lang yung plastic para di siya matuluan nung bagoong.

After namin kumain, nag-aya si Pat na magpamasahe kaya naghanap kami dun sa may park. Okay naman sila magmasahe, pero soon after dumidilim na rin.

And somehow, nung nakikita kong dumidilim na, bigla akong nakaramdam ng lungkot. My time's almost up.

I Married LasatenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon