Part 49

156 5 0
                                    

Late na natapos yung townhall at nakita ko na nagmamadali si Pat na umakyat ng condo at nag-iisip na siya ng iluluto niya. But we haven't had any rest yet simula nung nag-gig kami kaya naisip ko na ayain na lang siyang kumain sa labas.

"Wifey."

"What?"

"Why don't we just have dinner outside? I mean, gusto ko naman yung luto mo, but I think you're too tired to cook and gutom ka na rin probably. Labas na lang tayo. Sagot ko na."

Nagpalit lang kaming damit at nagready na rin kami papuntang mall. Since malapit lang naman sa condo, nagdecide kami na maglakad na lang. Naalala ko na paiba-iba yung tawag niya sa 'kin and since ayaw naman niya akong tawaging wifey, naisipan kong sabihin sa kanya yung nickname ko. Iilan lang talaga ang tumatawag sa 'kin ng Aji. Kahit mga close friends ko, hindi ako pumapayag na tawagin nila ako nun. But I guess Pat can be a part of the exemption.

"Aji."sabi ko sa kanya.

"Huh?"

"Aji na lang itawag mo sa 'kin."sabi ko ulit.

"Ano nanamang punchline nyan?"sabi niya sabay nakataas pa yung kilay niya. Natawa tuloy ako.

"Grabe ka naman. Pati nickname ko binibigyan mo pa ng meaning. Aji kasi tawag sa 'kin sa bahay. Since you're now part of the family, I think okay naman na yung Aji."sabi ko sa kanya. She just smiled.

"Pero di naman kita pipigilan kung gusto mo pa rin akong tawaging wifey."dagdag ko cause Pat looked a bit sentimental.

"Alam mo, panira ka talaga ng moment kahit kelan eh."sabi niya. I just laughed.

After ilang minutes, nakarating na rin kami sa Greenbelt. Iniisip ko kung saan kami pwedeng kumain. Alam ko na mahilig si Pat sa Japanese so siguro hahanap na lang ako ng masarap na Jap resto.

Habang naglalakad kami sa mall, nagkakatamaan kami ng kamay. And while tumatama yung kamay ko sa kamay niya, minsan naiisip ko, ano kayang feeling na mahawakan yung kamay ni Pat cause her hands always looked to soft and they looked very nice.

"Ano ba yan Aji! Ipirmi mo nga yang kamay mo para hindi tumatama sa 'kin!"sabi niya bigla kaya natawa ako.

"Okay."sabi ko sa kanya.

And call me crazy, but I guess, tonight's one of those nights where I am feeling risky. Kaya before we both knew it, I intertwined my hand with hers.

"Ayan. Better?"

I Married LasatenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon