Part 86

142 2 0
                                    

Ngayon yung last day ng shoot para dun sa movie at tama nga si direk, konting edits na lang at pwede na irelease yung movie. Tiningnan ko yung relo ko at napansin ko na ilang oras na lang at flight na nila Pata kaya nagmamadali akong umalis ng Sagada at dumerecho na ako ng airport. Hindi muna nagschedule yung banda ng gig dahil pareho kaming wala.

Pagdating ko sa airport, ilang beses din akong umikot kasi wala akong maparadahan. After ilang tries, nakapagpark na ako at tumakbo na ako sa loob. Chineck ko yung flight board at hinanap ko lahat ng flights na bound to L.A. nung sakto naman na paglingon ko, nakita ko na agad si Pat.

"Wifey!"sabi ko sa kanya habang hinahabol ko yung paghinga ko. Nagmano lang din ako kay Tito Jessie at kay Tita Emily.

"O, mukhang nahanap mo na yung naiwan mo."sabi ni Tito Jessie kaya napangiti na lang ako.

"Mauna na kaming magcheck-in. Antayin ka na lang namin before immigration."sabi ni Tita.

"Don't worry po. Saglit lang din naman po ako."sabi ko tapos kumaway na rin ako sa kanila.

"Akala ko hindi na kita aabutan eh."sabi ko sa kanya. Nararamdaman kong tumutulo yung pawis ko.

"Akala ko rin hindi ka na aabot. Bakit kasi hindi ka sumasagot?"

"Sorry, namatay phone ko kasi. Eh kanina naman nakasilent cause from the shoot, I went straight here."sagot ko sa kanya. Tapos nagulat ako nung biglang nilabas ni Pat yung panyo niya at pinunasan yung noo ko.

"Pawis na pawis ka naman."sabi niya sa 'kin habang pinupunasan niya pa rin yung mukha ko.

"Wifey, mag-ingat ka while you're in L.A. okay? Tanga ka pa naman."sabi ko sa kanya and she glared at me.

"Pumunta ka talaga dito para mang-inis 'no?"

"Oo. Baka kasi mamiss mo."

"Mukha mo. Hey, I might send you emails pala ha. So check your mail. Yung client ko kasing isa hindi pa nagrereply dun sa mga revisions na ginawa ko."

"Ang thoughtful mo naman wifey, pati trabaho binibilin mo sa 'kin."

"Paano food mo?"tanong niya sa 'kin kaya natawa ako. Sa dami ng aalalahanin niya, yun talaga yung concern niya.

"Relax. I can buy. And, and, I asked Andrew na turuan ako magluto ng ilang food."sabi ko sa kanya.

"Hay salamat. Buti naman! Sa wakas naisipan mo ring magluto." I just smiled.

"Well, I won't keep you long. Baka mahaba pa pila sa immigration."sabi ko sa kanya tapos tumango lang siya. She looked sad and I found myself frowning too.

"Message me when you get nightmares okay? Or call me. Umaga naman dito."sabi ko at tumango lang din siya.

"Also, I know you'll be busy with your family, pero update me on what's happening with you okay? I just want to make sure na you're safe there and that you --"

"Aji. I'll be fine."sabi niya kaya ngumiti na lang din ako. Ayoko na malayo sa 'kin si Pat dahil hindi ko siya mabantayan and I can't do anything for her.

"Wala ka bang naiwan wifey?"tanong ko.

"Not that I know of."

"Sure ha? Wala kang naiwan? You have everything with you ah. Ticket?"

"Yes."

"Passport?"

"Yes."

"Visa?"

"Yes."

"Jacket?"

"Yes."

"Ako?"tanong ko sa kanya and I saw her frown.

"Pwede ka naman kasing sumama."

"Nah. It's okay. Pero wifey..."sabi ko sa kanya.

"Hm?"

"Come home to me okay?"

Tumango lang siya and nagpaalam ba rin siya na aalis na siya kaya kumaway na rin ako sa kanya. Pero bago pa siya makalayo, nakita ko na huminto siya ulit.

"Wait for me?"sabi niya.

"Oo naman wifey. I'll be here when you get home."

I Married LasatenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon