Part 28

148 5 0
                                    

I looked at Pat with a straight face and nakita ko nagbago rin yung expression niya. She looked scared. Ang hilig niyang magsimula ng ganon pero takot din naman siya when I'm serious.

"Mukha mo. Tigilan mo nga ako."she answered nervously.

"Yan. Dyan ka magaling eh. Kapag sinasabi ko sa'yong gusto kita, iniiwasan mo."

"Bakit gusto mo na ba talaga ako?"tanong niya.

"Kung sasabihin ko bang oo, paniniwalaan mo ako?"

"Hindi."

"Eh bakit tinatanong mo pa ako?"tanong ko sa kanya. I'm trying hard not to laugh. Pero yung mukha ni Pat, hindi mo na maipinta sa sobrang kaba. Why is she so scared of the idea na gusto ko siya?

"Hoy gago Agnes, seryoso nga?"sabi niya. Namumutla si Pat and I can tell she's really nervous.

"Syempre hindi. Hopia ka naman dyan."sabi ko sa kanya. She looked like she was about to faint. Binato niya ko bigla ng basahan at di ko na napigilang matawa.

"Pwede na ba akong mag-artista?"

"Ang pangit mo umarte. Di ka papasa."

"Sus. Kunyari ka pa. Halata namang naniwala ka."sagot ko. If she had seen her face, I'm sure matatawa rin siya.

"Asa."sabi niya kaya I just proceeded sa paghuhugas ng plato. She was still standing idly by and she looked like she wanted to say something. Para siyang bata na magpapaalam sa mama niya at alam niyang papagalitan siya.

"Ay Agnes, ano... kasi... may sasabihin kasi ako."

"Oo na, oo na. Sige na. I love you too."sagot ko sa kanya and it clearly caught her off guard. Bigla na lang namula yung mga pisngi niya.

"Ano?!"

"Bakit?"

"Anong I love you too?!"

"Alam ko namang I love you sasabihin mo sa 'kin eh. Nahiya ka pa."pang-aasar ko.

"Excuse me 'no, hindi kita sasabihan ng I love you kasi hindi naman kita mahal. Baka ikaw! Kasi may pag-I love you too ka dyan!"

"Ayoko lang maging rude. Pag sinabihan kang I love you ng isang tao, sabihan mo rin siya ng I love you too."

"Eh paano kung hindi mo naman talaga siya mahal? Bakit mo siya sasabihan ng I love you too? Pa-fall ka rin eh 'no?"

"Bakit? Wala namang masamang magsabi kang mahal mo yung tao. There's all kinds and so many forms of love."sagot ko sa kanya.

"Ah there's many forms of love ah. So anong form of love yung meron ka para sa 'kin?"biglang tanong niya sa 'kin. Naramdaman kong uminit yung mga pisngi ko. Hindi ako ready sa tanong niya and I can't come up with a decent answer.

"Alam mo... ano bang sasabihin mo?"sagot ko to change the topic. Naisahan mo ako dun ngayon Patricia ah. But I can still feel my warm cheeks. Alam ko namang inaasar niya lang din ako, pero di ko alam why I was thrown off by her question.

"Tiklop ka naman pala eh. Magsisimula ka ng ganyan, hindi mo naman pala mapangatawanan."sabi niya and I don't know what came over me pero bigla kong nilapit yung mukha ko sa kanya.

"Aba Pat, baka pag pinangatawanan kita, hindi mo kayanin."

And dear Lord, ako 'ata ang may hindi kayang isustain yung ginawa ko, cause the moment I looked into her eyes, I'm pretty sure I heard the loudest thump my heart could ever produce.

I Married LasatenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon