Part 17

175 6 0
                                    

"Kikiligin na ba dapat ako nyan?"sabi niya kaya bigla akong natawa.

"Ito naman. Di ka man lang ba nakakaramdam ng konting attraction sa 'kin?"pang-aasar ko sa kanya. I really like teasing Pat.

"Susko. Napaka-conceited mo talaga. Minsan iniisip ko anong gayuma binigay mo kay Raisa at sinagot ka niya. Ang ganda-ganda niya at super talented, tapos sa isang Reoma lang siya bumagsak."

"Grabe mo naman ako i-judge. Si Raisa ang unang nagkagusto sa 'kin. Hindi ako."sabi ko tapos uminom ako ng tubig.

"Ay, taray o. Ganda."sabi niya sabay nilagay niya yung kamay niya sa ilalim ng baba ko. Iniwas ko agad yung mukha ko dahil nagulat ako sa ginawa niya. I think she's starting to be comfortable around me slowly.

"Sa true lang naman. We met through a common friend sa isang gig. Then she got hold of my number and we texted and then nung nasa Manila na ako, we went on dates and ayun. One thing led to another na lang."sabi ko sa kanya.

"Gayuma."

"What?"

"Gayuma lang ang logical thing kung bakit ka nagustuhan ni Raisa." Napailing na lang ako.

"Believe whatever you want. Pero once you are charmed by this Reoma, I am not entirely sure kung makaka-kawala ka pa. Baka kahit anong tigas ng puso mo, lumambot ka."sabi ko sa kanya. Whenever Pat blushes, kitang-kita mo sa mukha niya and it just makes her look prettier even more. Kaya ang sarap asarin eh.

"Asa ka. Baka mauna ka pang mahulog sa isang Lasaten."

"Kanino? Kay Bea?"sabi ko sa kanya sabay binato niya ako ng kutsara. Buti na lang naka-ilag ako.

"Subukan mo lang talagang landiin kapatid ko sinasabi ko sa'yo Reoma!"

"Jusko kumalma ka nga. Loyal ako wifey, don't worry. Ipagpapalit ba naman kita?"sabi ko sa kanya. Panganay nga rin pala siya kaya ganon na lang din yung pagiging overprotective niya sa kapatid niya.

"Gusto mo ihagis ko rin sa'yo 'tong tinidor?"sabi niya sabay nagsalubong nanaman yung kilay niya. Tinaas ko agad yung kamay ko at nag-peace sign.

"Well, ang sarap ng niluto mo. Thank you ulit."sabi ko sa kanya. "Let me just clean this up."dagdag ko tapos nagligpit na ako nung mesa. Ngumiti lang din si Pat.

Napansin ko na Pat was looking around the apartment. I think tinitingnan niya kung malinis ba. Pero dahil madalas natutulog lang naman ako dito, wala rin naman talaga akong masyadong kalat.

"Would you like to stay?"

"Hindi na. Uuwi na rin ako."

Hindi ko alam kung bakit but somehow gusto ko pa sana siyang makausap. Somehow having to talk to her tonight made me more interested in getting to know her better.

"Or ice cream? Do you want to go out for ice cream?"sabi ko sa kanya. Baka sakali lang na mapapayag ko pa siya.

"Libre mo?"tanong niya. I smiled.

"Alam mo ikaw, maganda ka sana kuripot ka lang eh."sabi ko sa kanya at natawa siya. "Oo na. Libre ko na. Pero kotse mo."dagdag ko.

"Nasaan nanaman ba sasakyan mo?"

"Nasa kapatid ko sa Fairview kaya wala nanaman akong magamit."

"O siya. Sige na. Pero titingnan ko muna kung andyan na sila Mama. Wala kasing magtitingin ng bahay."

"Alam mo, kanina ko pa yan pinagtataka eh. Aalis ba yan?"

"Pilosopo ka rin eh 'no?"sabi niya at nagsisimula nanaman siyang mapikon.

"Chars lang. Tara na para di ka na gabihin."sabi ko sa kanya.

Naglakad na kami papunta sa bahay nila. Nakita ko na nakasimangot si Tita Emily, pero nung nakita niya kaming dalawa ni Pat, ngumiti na rin siya.

"Hi po tita."sabi ko tapos nagmano na ako sa kanila. At dahil mukhang tinitingnan ako ni Pat, binati ko si Bea.

"Hi Bea."sabi ko and I saw Pat glare at me. I swear if her eyes are daggers, I probably would have died already.

"Hoy Reoma."sabi niya. Mehn, she is scary. Lumapit ako sa kanya at umakbay.

"Bumabati lang ako sa sister-in-law ko. Sobrang selosa mo naman wifey."bulong ko sa kanya.

"Ikaw ba eh gusto pang bumili ng ice cream o uuwi ka na ng apartment? At alisin mo yang pagkakaakbay mo sa 'kin baka lalo kang samain."

"So feisty."sabi ko sa kanya pero madali ko rin inalis pagkaka-akbay ko. "Bye po tito, tita. Date lang po kami ni Pat."dagdag ko tapos hinila ko na siya palabas bago pa kung anong sabihin nila.

Short drive lang naman mula sa bahay papunta dun sa convenience store. Bumili na lang kami ng isang tub ng ice cream and naghati na lang kami. Hindi niya raw kasi kayang umubos ng isang buong ice cream.

"So, bakit ka nagdecide pumunta ng Manila? Ayaw mo na sa Baguio?"tanong niya.

"Hindi naman. Wala kasing music school sa Baguio kaya nagdecide akong pumunta ng Manila."

"Wow. What made you pursue a music course?"

"Mahilig talaga ako sa music eh. I used to do gigs nung nasa Baguio pa ako. Actually halos lahat kaming magkakapatid, mahilig kaming tumugtog. Nakuha ata namin kay Mama."sabi ko sa kanya. She just smiled.

Okay din naman pala siyang kausap. Marami rin akong natutunan tungkol sa kanya and lalo na sa work na ginagawa niya. Useful naman kasi magsisimula na ako dun. Nakakatuwa lang din na kahit na umabot na kami sa politicial topics, sa science, sa Math, sa history, sa kung anu-ano, lahat yun may say si Pat. Nung pagbalik namin, nagsabi si Pat na ihahatid niya ako sa apartment. Pero ayoko naman na ihatid niya ako kaya nagsabi akong maglalakad na lang. Maiksi lang naman.

"Sige Pat, mauna na ako. Thank you sa dinner at sa pagsama sa 'kin mag-ice cream."sabi ko sa kanya pagbaba ko.

"Thank you din sa pagbantay sa bahay namin."

"Sure. Una na ako."sabi ko sa kanya. To be honest, okay naman si Pat. Okay naman siya kausap. Naglakad na ako pero feeling ko may hindi pa ako nasabi kaya lumingon ulit ako.

"Alam mo Pat, maybe if we met under a different circumstance, we probably would make a good couple."sabi ko sa kanya. She just smiled at me. Parang biglang may nagbukas ng streetlights.

"Ha. Sabi ko naman sa'yo Reoma, mauuna ka."sabi niya sa 'kin. I chuckled. Tingnan natin, Lasaten.

"Don't get too confident. We're just getting started."

I Married LasatenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon