Part 5

182 6 0
                                    

"WHAT THE HELL?! SINUSUNDAN MO BA AKO?!"sabi niya sa 'kin.

"Pat?"sagot ko sa kanya. Actually kanina di ako sure, pero siya nga pala talaga. Anong ginagawa niya dito?

"Magkakilala kayo?"tanong nung katabi niya.

"Unfortunately."sagot niya.

"Dito ka nagtatrabaho?"tanong ko sa kanya.

"Hindi napadaan lang ako. Malamang!"

"Sabi ko nga. Anong oras break time mo?"tanong ko.

"12. Bakit?"

"Okay. Sige. Let's have lunch together. We need to talk."sagot ko sa kanya. I want to lay down some rules. Tinawag na rin kami na pumasok dun sa isang training room kung saan daw kami i-oorient.

"Sino yun?"sabi ni Jam sa 'kin.

"Ah, siya yung errand."sagot ko.

"Eh bakit hindi na lang kayo nagsabay papunta dito?"tanong niya.

"Well, I didn't know she works here until I saw her just now."sabi ko sa kanya. Kung alam ko lang na dito lang din naman pala kami magkikita, eh di sana hindi na nga ako nagpa-late ng punta sa office.

Maya maya pumasok na rin yung HR dun sa training room para magexplain lang ulit nung mga policies. Hindi ko na 'ata mabilang kung ilang ulit ko na narinig yung mga HR policies dito. Konti na lang kabisado ko na 'ata.

Naalala ko nanaman si Pat. Since I saw her nung college, hindi ko alam kung bakit but my eyes do feel as if I'm being magnetized to look at her. I mean, she is pretty. Kaso suplada nga. And I can't seriously believe na I'm getting married to her. The thought of marriage makes me feel dizzy. Pinapawisan 'ata ako ng malamig. I tried to focus back again dun sa sinasabi nung HR but I can't. Nahihilo talaga ako. I looked outside.

And I was surprised nung nagtama yung mata naming dalawa. Then all of a sudden, whatever I was feeling...

It was just gone.

I Married LasatenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon