Part 122

162 1 0
                                    

"Mukha mo. Goodnight na nga."

"Goodnight wifey. See you tomorrow."sabi ko sa kanya and bumaba na rin siya ng sasakyan.

Buong gabi akong paikot-ikot sa kama ko kasi hindi ako sure kung paano gagawin ko sa date namin ni Pat. Hindi ko alam kung saan ko siya dadalhin o anong gagawin namin at kung ano isusuot ko. Bakit ba kasi di mo muna pinlano 'to Aji?

Bumangon na lang ulit ako and naghanap ng isusuot ko. Hindi ko rin alam kung ano isusuot ko. Binuksan ko lang yung cabinet ko and I scanned all the clothes na andun pero wala akong mapili. Bakit parang wala akong maisuot? Hindi ko naman problema 'tong ganito ah.

I didn't know kung anong oras akong nakatulog pero late na ako nagising kaya nagmamadali na akong bumangon at nag-ayos. At dahil late na, hindi ko na nasundo sila Pat. Dumerecho na ako sa simbahan, pero habang papunta ako dun, nakita ko yung nagbebenta ng mga bulaklak kaya bumili na rin ako ng bouquet ng sunflowers para sa kanya.

Habang papalapit ako sa simbahan, parang mas lalo akong kinakabahan. Mamaya ko na lang siguro siya hahanapin pagtapos ng misa. Buong misa 'ata akong hindi mapakali dahil sa sobrang kaba. Nagstay na lang muna ako dun sa gilid ng simbahan para wala masyadong tao. Kinakabahan talaga ako. I messaged Pat para sabihing andun lang ako. I waited for her na lumabas dun sa simbahan and paglingon ko...

Nagkatinginan kaming dalawa.

Pakiramdam ko huminto yung oras. She had this wide smile on her face and it made her eyes disappear. She looked nice in her black top. I wanted to hold my chest kasi pakiramdam ko huminto na yung pagtibok nung puso ko. There's this weird feeling in my stomach na feeling ko nahulog ako mula sa inuupuan ko. The sun was now starting to shine on her face and her eyes turned golden. She looked perfect. Pakiramdam ko nawala lahat ng tao sa paligid namin.

She was walking towards me and I feel as if everything is in slow motion. As if time has already stopped. Ganito ba yung feeling when you see your bride walking down the aisle? I realized she was already in front of me kaya inabot ko sa kanya yung hawak kong sunflowers at napatayo ako.

"Good morning wifey."sabi ko.

"Paano friends? Bye na. See you tomorrow or tonight baks. Ingat kayong dalawa."sabi nila Nicole tapos bumeso na sila sa 'ming dalawa at nagmamadali silang umalis.

"Cute ng friends mo. Supportive."sabi ko and she just smiled. She wasn't talking and she was just looking at me. Was it too much? Is she okay?

"Wifey? Okay ka lang?"sabi ko and she just nodded.

"Thank you dito sa flowers."

"Sure. Sorry pala hindi ko kayo nasundo ah. Late ako nagising buti nga umabot ako sa mass. And I just waited for you outside na lang."I explained. "Shall we?"sabi ko then I held out my hand and hinawakan naman niya yung kamay ko habang inaalalayan ko siya pababa.

"Is this okay for you?"sabi ko tapos umakbay ako sa kanya. Mukha nanaman kasi siyang giniginaw.

"Free pass para sa 1-day trial period."sabi niya kaya napangiti ako. Sana hindi matapos 'tong 1-day trial period na 'to.

"Tinitingnan yata tayo ng mga tao."sabi niya and Pat looked worried. Hindi ko alam kung bakit nacoconscious si Pat whenever other people would look at us and if she had some bad experiences before, but I know she's worried of what they would say even if she wouldn't explicitly say it.

"Dapat lang naman. You're dating me eh. Of course they would look."sagot ko to help her relax.

"Ang kapal talaga ng mukha mo."sabi niya but then she smiled and I know that she's feeling better.

"So, inisip ko magbreakfast muna tayo then let's go around."sabi ko tapos inalis ko na yung pagkaka-akbay ko sa kanya. Pero habang naglalakad kami, sakto naman may nadaanan kaming nagbebenta ng bibingka pati puto bumbong and nung naamoy ko bigla akong nakaramdam ng gutom kaya hinawakan ko si Pat para huminto.

"Gutom na 'ko. Kumain muna tayo. Gusto kong puto bumbong."sabi ko sa kanya.

"Bibingka na lang."sagot niya.

"Bakit bibingka? Mas masarap yung puto bumbong."

"Eh ang messy. Sige na. Sagot ko na. Bibingka na lang."sabi niya.

"Eh bakit hindi na lang bibingka sa'yo tapos puto bumbong sa 'kin?"tanong ko.

"Bahala ka na. Basta gusto ko ng bibingka."sabi niya.

"Fine. Sige. Bibingka na lang din sa 'kin kasi yun gusto mong kainin ko eh."sabi ko.

Umorder lang ako at mabilis namang binayaran ni Pat kaya napakamot na lang ako sa ulo. Dun na lang kami kumain sa tabi nung stall kasi may mga maliliit kasing mesa at upuan dun. We just decided to stay there kasi malamig yung hangin and para hindi na lumamig yung kinakain namin. Bumili na lang din ako ng kape para may iinumin naman kami. Pat held her coffee para mainitan siya and I just smiled.

Habang nakaupo kami dun, kinwento ko lang din kay Pat kung ano yung mga ginagawa ko dati nung bata pa ako nung andito pa ako sa Baguio. Kinwento ko rin sa kanya how my cousins would usually visit us kapag Christmas and how festive Baguio is kapag Pasko na. I wish she could spend this Christmas with me. Para naman makita niya rin kung ano yung mga kinukwento ko. Pat just smiled and napansin ko na may keso siya sa gilid nung bibig niya.

Kaya pinunasan ko na lang agad yung gilid ng bibig niya gamit yung daliri ko. She was just staring at me and her eyes widened. Tapos nagulat ako nung iniwas niya yung mukha niya at pinunasan yung bibig niya. I just realized what I did at namula ako. I just instinctively wiped her face and siguro yun din yung naisip niya nung ginawa niya sa 'kin yun.

"Sorry. Ang dugyot mo kasi eh."sabi ko.

After namin kumain, inaya ko na si Pat na maglakad at mag-ikot. I wanted to show her around Baguio. I held out my hand para tulungan siyang tumayo. Habang nagiikot kami sa Camp John Hay, I realized na hawak ko pa rin pala yung mga kamay ni Pat.

It felt very normal and natural for me na hindi ko na napansin yun. Her hands were smaller than mine and it was easy to just hold it in place and the way our arms just fall relaxed when we hold hands made it easier to hold it long enough.

I realized na nung napansin kong magkahawak kami, naramdaman kong biglang kumabog yung dibdib ko. Somehow I can feel my hands pulsating and I'm not sure if Pat feels it too. Her hands were soft and napangiti ako kasi I realized na it had callouses too. Mayaman si Pat, but she have had her fair share of hard work too. Bigla akong naconscious na pasmado nga pala yung kamay ko and Pat was also looking at our intertwined hands kaya binitawan ko na yung kamay niya.

"Sorry, di ko napansin na magkahawak pa pala tayo."sabi ko tapos pinahid ko yung kamay ko sa damit ko.

"Agnes."

"Yeah?"

"Can I hold on to your hand a little longer?"sabi niya and di ko na naiwasang mapangiti.

"I think you can hold on to it as long as you want."

I Married LasatenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon