Part 27

153 5 0
                                    

Pag-uwi namin ng condo, nagluto na si Pat ng dinner namin tapos kumain na rin kami. At dahil nahihiya naman ako na lagi na lang siya nagluluto, nagvolunteer na akong maghugas ng plato. Habang naghuhugas ako ng plato, tumabi siya sa 'kin at sumandal siya sa lababo habang abala siyang nakatingin sa phone niya.

"Alam mo, bagay talaga kayo ni Jam."

"Nino?"sabi ko.

"Ni Jam."

"Bakit nanaman?"

"Wala ang cute niyo lang kasi tingnan. I mean, tingnan mo, pareho kayong talented, pareho kayong creative, nagkakasundo kayo on many things, pareho kayong chess player, pareho kayo ng gusto --"

"Bakit gusto ka rin ba niya?"sabi ko sa kanya sabay tiningnan ko siya. Bigla siyang natigilan kaya napangiti ako kasi namula nanaman si Pat.

"Para kang tanga talaga kausap eh."sagot niya.

"Eh bakit mo ba kasi ako pinupush kay Jam?"

"Eh kasi bagay nga kayong dalawa. Hindi ka man lang ba attracted sa kanya? Kasi for sure si Jam attracted naman yun kahit papaano sa'yo."

"Paano mo naman nasabi?"

"Eh madali namang ma-attract sa'yo eh."

"So ibig sabihin ba attracted ka sa 'kin?"sabi ko sa kanya sabay tumingin ulit ako sa kanya.

"Nakakasusot ka naman kausap eh."sagot niya habang nakakunot nanaman yung noo niya.

"Bakit mo ba kasi ako pinupush kay Jam eh hindi ko naman nga siya gusto."sabi ko tapos nagtuloy na ako sa paghuhugas ng plato.

"Eh kanino ka ba kasi may gusto?"

"Sa'yo."sabi ko sa kanya. Kahit medyo madilim yung ilaw namin sa kusina, kitang-kita ko yung pamumula ng mukha ni Pat. I smiled. I am enjoying this.

"Gagu."

"O bakit?"

"Ako nanaman trip mo ah."

"Eh pa'no kung seryoso ako? Paano kung ikaw na yung gusto ko?"sabi ko sa kanya sabay tumigil ako ng paghuhugas at humarap na ako sa kanya.

I heard Pat hold her breath. Gusto mo 'kong subukan ah.

I Married LasatenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon