I WAS STEADFAST UPON WATCHING the bunch of armies and other forces surrounding the island but what made me stun here before the terrace was seeing my friends soaked in their own blood while lying on the white sand of beach having no life.
"Revil, let's gooo!" mabilis na hinila ni Leandro ang kamay ko pero ako ay nananatili lang na wala sa sarili habang patuloy pa rin sa pagtulo ang luha ko.
Kahit na kailangan na naming magmadaling dalawa ay hindi ko pa rin magawang mataranta o umayon lamang sa sitwasyon na nangyayari dahil paulit-ulit lang na tumatakbo sa isipan ko ang nangyaring pagbaril nila sa mga kaibigan ko.
He went straight to his knapsack and immediately took his pistol gun while I am being lifeless and weak. Papalabas na sana kami ng kuwartong 'yon no'ng mapansin ko ang jacket na ibinigay sa akin ni Drake sa ibabaw ng side table.
"Wait!" puwersado ko namang binawi ang kamay ko bago ko kinuha ang jacket na 'yon ni Drake at saka isinuot sa akin.
Habang nagmamadali si Leandro sa paglabas ay tinatali niya rin ang kaniyang itim na bata de banyo dahil nakabukas 'yon dahilan para makita ang kabuuan ng kaniyang katawan.
"Revil, let's go baka maabutan nila tayo!" natatarantang sabi nito.
Dahil sa hindi ko kayang sundan ang bilis nang pagkilos ni Leandro ay hinawakan na lang niyang muli ang kamay ko at saka maingat na kumilos sa loob ng bahay para hindi kami makagawa ng ingay na maaaring makakuha ng atensyon sa labas.
"I have an emergency exit here, just don't make any noise, okay?" hinawakan niya saglit ang pisngi ko bago ako hinalikan nang mariin sa noo, "Don't worry, I'll do everything to make you safe, okay? Do you trust me?" tumango naman ako bilang pagtugon.
Papalabas na kami ng emergency exit nang magulat kami pareho dahil sa isa na namang malakas na pagsabog mula sa labas.
"Yuko." bulong sigaw nito. Mabilis lang ang bawat paghinga at pagtibok ng puso ko dahil hindi ko alam kung mabubuhay pa ba kami pagkatapos ng mga oras na 'to.
"Leandro! You better show yourself or else I am going to burn that house and let you toast alive! I know you're inside that fucking house together with your stupid gay asshole boyfriend! I said get out!" malakas na pagkakasigaw ni Primo sa labas kasabay ang sunod-sunod na pagputok ng kaniyang baril.
Habang hinahayaan ko lang na matangay ako ng agos ng pangyayari ay napag-isip isip ko na baka nga ito na ang tamang panahon para harapin ang demonyong ito. Hindi na dapat ako tumatakas pa, ito na ang tamang oras para umpisahan ko na ang plano ko. Tatayo na sana ako para magpakita kay Primo nang pigilan ako ni Leandro.
"Revil, no! Hindi ka sasantuhin ng hayop na 'yan, huwag ng matigas ang ulo, okay?" mabilis namang kinuha ni Leandro ang kamay ko at agad na nanguna sa daan patungo sa emergency exit.
Laking pasasalamat ni Leandro nang makalabas na kami ng bahay pero hindi pa man din kami nakakalayo nang bigla na lang may tumamang ilaw sa amin mula sa itaas tanda na merong nakamasid sa amin. Pagtingala namin ay doon namin nakita ang halos ilang mga helicopter na nakabantay sa amin.
"Oh fuck! What are we gonna do now?" inis na sambit ni Leandro bago niya ako ipinuwesto sa likuran niya.
"President, sa likod-bahay sila tumatakas!" malakas na pagkakasigaw ng isang PSG.
Habang tumatagal kami sa sitwasyong ito ay mas lalo lang lumalakas ang pagtutubig ng aking mga kamay at paa tanda na sobra na ang takot at kaba ko pero sinusubukan kong labanan 'yon dahil ito ang tamang oras para maduwag.
"Revil?" padiin nang padiin ang pagkakahawak ng kamay naming dalawa habang nasa likuran niya ako at sinusubukang protektahan mula sa mga demonyong 'to.
"Hmm?"
BINABASA MO ANG
His Lust Rage
ActionWhen the homophobic President Primo Igor Silvente signed the Anti-LGBTQIA+ Bill into law, he plunged the country into an extreme lockdown, trapping its citizens in a lethal and oppressive regime. Upon hearing of the newly imposed law, Revil Santos...