15 DAYS
After Primo's Death
REVIL"Doc, how's my darling? Parang may mali kasi sa ikinikilos niya, eh." dinig kong tanong ni Leandro sa Psychologist na nagcheck sa akin. Ako naman ay nakaupo lang sa pang-isahang couch habang yakap-yakap ang ibinigay na itim na jacket sa akin ni Drake no'ng gabing sakupin nina Primo ang islang pinagtataguan namin. Labinlimang araw na ang nakakalipas simula no'ng matapos ang delubyo at kademonyohan ni Primo at ng pamilya niya sa bansang ito pero tila'y minumulto pa rin ako ng mga pangyayaring naganap sa kahapon.
It feels like the idea of Primo ending his own life wasn't enough to justify everyone's inhumane death. Totoong nakuha ko na ang hustisyang hinahabol ko sa kaniya para sa lahat pero bakit gano'n? Parang hindi pa rin ako kuntento sa resulta?
"Normal lang sa tao na matrauma matapos nitong danasin ang iba't ibang klase ng pang-aabuso lalo na sa sitwasyon ng inyong nobyo, Mister President. Ang medyo ikinaluwag ng loob ko ay kahit papaano hindi ganoon katindi ang trauma na natanggap niya, though that's not an excuse to feel complacent about his condition. Magbibigay ako ng gamot na makakatulong sa kaniya at schedule na rin for counseling. Huwag kang mag-alala President at gagaling din si Revil, it's just that he need some time to recover." narinig ko naman ang maluwag na paghinga ni Leandro bago nito kinuha ang kamay ko at doon ay hinalikan 'yon nang mariin.
"Narinig mo 'yon, darling? Kaya ikaw, magpagaling ka po, ha? Marami pa tayong gagawin at marami pa akong pangakong dapat tuparin." malambing na bulong nito sa akin sabay halik sa aking sentido ng maka-ilang ulit. Wala lang akong emosyong ipinapakita sa kaniya habang ginagawa niya 'yon at hinihintay lang na matapos ang kanilang pag-uusap.
"Mr. Santos, I know you have been through a lot and I just want you to know that no one's pressuring you to heal quickly. We will wait for your healing, but can you please also allow yourself to participate in this matter?" malambing na pagpapaliwanag sa akin ni doc. Ramdam na ramdam ko 'yung comfort sa boses niya kaya naman agad akong napatugon.
"Thank you." at doon niya minasahe nang bahagya ang balikat ko. Nang matapos na ang aming consultation kay doc ay napagpasyahan na naming dalawa ni Leandro na umalis.
Napagdesisyonan akong dalhin ni Leandro sa isang Psychologist dahil halos araw-araw na lang daw akong nakatulala sa isang diyaryo sa aming kuwarto kung saan naroroon ang mukha ni PrimoㅡSilvente's Massive Killings Creates History. 'Yon ang headline ng news article na nasa diyaryo kung saan sa kanang bahagi sa ibaba ay naroroon ang larawan ni Primo.
Sa katunayan niyan, hindi ko talaga namamalayan na gano'n na pala ang ginagawa ng katawang lupa ko basta ang alam ko lang ay mayroong pelikula sa isipan ko na paulit-ulit kong nakikita... At 'yon ay walang iba kundi ang mga panahong nakikipaglaban pa ako para sa hustisya.
Naputol na lang ako sa aking iniisip nang biglang magsalita si Leandro, "Where do you want to eat?" malambing at masayang pagkakatanong niya habang abala ito sa pag-start ng sasakyan.
"I want to go home." walang buhay kong tugon sabay sandal ng ulo ko sa bintana. Dahil doon ay napahinto naman si Leandro sa kaniyang ginagawa bago nito itinuon ang pansin sa akin.
"Are you okay, darling? Parang kanina ka pa wala sa mood... Ang lalim din yata nang iniisip mo? Are you really okay?" bakas naman sa tono ng pananalita niya ang labis na pag-aalala.
"Don't mind me, I am okay."
"No, I don't believe you. You know that I'm going to mind you because I care a lot to you. You are my darling after all and I just can't stand here and watch you feel this uncertain emotions. Boyfriend mo ako Revil, puwedeng-puwede mong sabihin sa akin ang mga nararamdaman mo." bumuntong-hininga naman ako bago ko siya tiningnan sa mga mata niya. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at marahang pinaglaruan 'yon habang hinihintay ang susunod kong sasabihin.
BINABASA MO ANG
His Lust Rage
AksiWhen the homophobic President Primo Igor Silvente signed the Anti-LGBTQIA+ Bill into law, he plunged the country into an extreme lockdown, trapping its citizens in a lethal and oppressive regime. Upon hearing of the newly imposed law, Revil Santos...