CHAPTER 21: Revil's Wounded Tears

914 63 4
                                    

Headline

Mas lalong tumitindi ang bakbakan sa buong bansa lalo na ngayon at tuluyan na ngang nagwagi si Presidente Leandro Montemayor sa kaniyang panukalang alisin ang Anti-Gay Law sa bansa. Maraming natuwa sa hakbang na ito pero ang panig ng dating Presidente na si Primo ay mas lalong pinaigting ang panggugulo sa bansa.

 Maraming natuwa sa hakbang na ito pero ang panig ng dating Presidente na si Primo ay mas lalong pinaigting ang panggugulo sa bansa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

REVIL

ISANG MALAKAS na pasabog ang nakita at narinig ko kaya naman mabilis akong tumakbo para hindi ako maabutan ng mga taong 'yon. Nakasuot pa ako ng asul na hospital gown dahil kagagaling ko lang sa hospital. Kumaripas ako nang takbo at pilit kong tinatakasan ang kamatayan ko. Nang makalayo na ako sa mga taong humahabol sa akin ay agad akong sumilong sa ilalim ng Narra at umupo na muna saglit. Hingal na hingal akong sumandal sa katawan ng puno pero hindi pa man ako nagtatagal doon nangㅡ

"Tito Revil?" nanlaki na lang ang mga mata ko at halos hindi ko maikilos ang sarili nang makita ko si Drake sa harapan ko.

"D-Drake? Akala ko w-wala ka na." mabilis na bumagsak ang mga luha ko kasabay ang pagtayo ng mga balahibo sa katawan ko. Dahan-dahan akong tumayo at lumakad papunta sa kaniya. Kahit na nanlalambot ako dahil hindi ako makapaniwalang nakikita ko si Drake ngayon ay nilakasan ko pa rin ang loob ko para lang malapitan siya.

"Tito masyado na po kayong nahihirapan." gaya ng dati ay maalalahanin pa rin itong mahal kong inaanak. Hinawakan ko ang kaliwang pisngi niya at saka pinunasan din ang mga luhang tumatakas sa mga mata niya.

"P-pasensya na, ah? Pasensya na kung hindi natupad ni t-tito 'yung pangako na hindi ako mananakit ng ibang tao. P-patawarin mo ako kung bumali ako sa pangako."

"Tito magpapatuloy ka pa rin ba sa paghihiganti mo?"

Hindi naman agad ako nakapagsalita at doon tinitigan ang mga mata ni Drake, "Drake, give this to me. I'll give it my last shot." sabi ko sa mababang boses at doon niya pinunasan ang mga luha ko na hanggang ngayon ay patuloy pa rin sa pagtakas.

"Pero tito paano po kayo?"

"Revenge is a symbol of weakness."

"Kaya huwag na po kayong magpatuloy."

"Hindi puwede, Drake." huminto ako saglit para bumuntong-hininga at doon huminto sa pag-iyak, "In this time of tight and dark situations, revenge is always key to massive success. God knows what I mean. If it is still a sin, then I'll acknowledge his denial and let myself heal in hell."

The moment I spoke my promise to him, his whole body glitched in gray and red and after a couple of seconds of nonstrosity,  he transformed into another identity which made me freak out. My eyes widened when I saw Primo's face smirking at me like an evil and in a split of seconds, I just found myself getting strangled by this man.

"B-bitiwan mo ako..."

"Welcome to hell, whore." halos habulin ko na ang hininga ko dahil sa ginagawa niyang pagsakal sa akin hanggang sa maramdaman ko na lang na may nag-aalog ng katawang lupa ko.

His Lust RageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon