CHAPTER 15: Chasing Revil

972 66 11
                                    

IT'S A BIG NO FOR ME TO SEE Leandro in this kind of situation but I promise, a few minutes after this scene I'll save you from these homophobic bastards. Mariin lang akong nakatingin sa kanila habang nasa likuran ko si Prince. Hindi ko alam kung totoo bang iniisip niya na ako si Guhai o sadyang tinutulungan niya lang ako pero titingnan natin kung ano ang totoo.

Naririto lang ako sa gitna ng main hall habang napapalibutan ako ng mga clan members kasama ang hawak nilang mga baril na nakatutok sa akin. Ang first family naman ay nasa second floor lang at nakatayo malapit sa terrace kung saan nila ako pinanonood dito sa baba.

"Guhai?" an emotional voice escaped from Prince's mouth.

"Lumayo ka sa baklang 'yan, Prince!" pagsigaw ni Primo pero hindi siya pinansin ni Prince.

"Guhai, hindi ba ako nananaginip?" his voice was quivering in fragility because he's getting emotional right now.

Napahinto naman ang lahat nang magsalita akong muli, "Siguro ganitong-ganito 'yung sitwasyon no'ng patayin niyo si Guhai, no?" mababa lang ang boses ko pero may diin sa bawat mga salita ko.

"So, you are Revil!"

"Akong-ako nga mga hangal!"

"Shoot the targetㅡ" mabilis ko namang pinutol ang malakas na pagkakasigaw ni Philip sa pamamagitan ng kaswal na pagbibigay ko sa kaniya ng aking gitnang daliri.

"Edi, fuck you." I cursed with my casual tone of voice while smirk was escaping from my lips, "Prince, sabihin mo sa akin kung sino-sino sa mga hayop na 'to ang pumatay ng walang awa kay Guhai."

"Guhai, alam kong ikaw 'yan." nananatili pa rin si Prince sa likuran ko habang ako naman ay nakatingin pa rin sa direksyon nina Philip at Primo.

"I am not Guhai but I can help you get the justice he deserves. I am chasing after justice no matter how high the person is or tight and complicated the situations are for we, all of us deserve a fair justice in this kind of abusive and humiliating government. Now, tell me who are those culprits so we can take what they took from you and. . . that is life."

Ako naman na ang naglakad papunta kay Prince at agad na hinawakan ang kamay nito at agad siyang binulungan, "Gagawin mo 'to hindi para sa'yo at para sa akin, gagawin mo 'to para kay Guhai at para sa marami pang tao."

Ilang minuto lang ang lumipas hanggang sa unti-unti na lang naming nakita ang biglang pagbabago sa emosyon ni Prince. Mula sa pagiging malungkot at pangungulila ay napunta sa emosyong puno ng galit at pighati.

"Si Guhai na lang ang bukod tanging tumanggap sa akin sa kabila ng pagiging talunan ko tapos pinatay niyo pang mga hayop kayo." tiim-bagang na pagkakasabi nito habang matalim na nakatingin sa magkakapatid.

"Mabuti naman at alam mong talunan ka kaya nangyayari sa'yo ang lahat ng 'yan, tandaan mo Prince hindi ka bubuhayin ng pagmamahal na 'yan lalo na't sa bakla mo ibinibigay?" punong-puno ng pandidiri at pagkasuklam si Primo habang sinasabi niya 'yon. Kumuyom naman ang kamay ko dahil sa mga binitiwan niyang mga salita.

"Alam niyong hindi ko kayo kagaya, hindi ko kayang humawak ng baril na may bala at pumatay ng mga taong walang ginagawang masama!"

"Eh, anong gagawin mo sa buhay mo? Maging bakla habambuhay, ha?! Tumira nang tumira sa puwet nila putang ina ka hindi ka na nahiya!" punong-puno na rin ng galit si Philip habang nagtitiim-bagang ito.

His Lust RageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon