CHAPTER 24: Demon of 'em All

908 50 12
                                    

REVIL

THE MOMENT I HEARD HIM SAY "Patawarin mo ako, Trisha.", it literally boiled my blood and gave me strong aggravation towards him. Where on earth did he get the audacity to say that instead of asking for forgiveness to those innocent people who were out of his shit and he caused much damage?

Because of my fucking disappointment to this hell guy, I gave him around of taunting applause wile showing no emotions that caught his attention. Slowly yet powerful applause.

"Talagang ang tigas ng mukha mo, no?" I said. He turned his head around slowly with his jaw and fist tightened. Halos hindi ko makalkula ang galit na ipinapakita ng kaniyang mukha hanggang sa bigla na lang ako nitong sigawan.

"Ito ba ang gusto mo, ha?!" halos pumutok na ang mga ugat niya sa leeg dahil sa labis na galit at nanlilisik pa ang mga mata na parang gusto na akong tuluyang patayin.

Dahil sa labis na emosyon ay nagawa na niyang sakalin ang leeg ko dahilan para hindi ako makahinga mabuti na lang at may kasama akong puwersa rito kaya mabilis nilang nahila si Primo palayo sa akin. Kung hindi dahil sa kanila ay baka hindi na ako humihinga ngayon.

"Hayop ka!" nauubo pa ako nang sigawan siya habang hawak-hawak ko ang leeg ko.

He's cornered by my men, "Hindi ka pa ba titigal, ha?! Hanggang saan mo bubuwisitin ang buhay ko, tang ina kang bakla?!" halos sakupin na ng boses niya ang kabuuan ng kuwartong ito. Napatanga naman ako sa sinabi niyang 'yon bago ako napatawa nang malakas.

"Hala siya! Bobo ka ba?"

"Bitiwan ninyo nga ako! Papatayin ko 'yang baklang 'yan!"

"Hindi mo ba natanong 'yan sa bobo mong pagkatao, ha? Baka nakakalimutan mong ikaw ang naglugmok sa bansang 'to na halos ubusin mo na kaming lahat dahil sa kagaguhan mo."

"Kahit anong gawin mo, marumi pa rin kayo sa paningin ko. You all deserve to be killedㅡ" hindi pa man niya tapos ang sasabihin niya nang ihampas ko ang hawak kong baril sa pisngi niya dahilan para mapahiyaw siya sa sakit pero wala naman siyang magawa roon dahil hawak-hawak siya ng mga tao ko.

"Hindi matatapos ang gabing ito nang hindi ko naibabalik lahat ng sakit na ibinigay mo sa'min." dahan-dahan naman akong tumayo bago bumuntong-hininga, "Dalhin niyo na 'yan sa susunod na room, ipaparamdam natin sa kaniya 'yung putang inang libog na nakatatak sa utak niya."

"Anong binabalak mo, ha?!"

"Well, it's no longer a surprise if I'll tell you about it."

"Gago!"

Hindi naman na ako lumingon pa sa halip ay nauna nang lumabas sa kanila papunta sa isang poste ng ginagawang building. Kinuha ko 'yung isang pirasong sigarilyo sa bulsa ng jacket ko at bago ko pa man ito masindihan ay bumungad na agad ang kamay ni Leandro sa gilid ko at siya ang nagsindi nito. Nakabenda na ang dalawang hita niya ngayon at dahil sa dalawang bakal na tungkod ay nagagawa niyang maka-lakad ngayon.

"Darling?"

"Don't talk to me as if you're excused with your shit. I still do remember your infidelity with slutty Trisha." walang buhay kong sagot habang patuloy lang sa paghithit ng sigarilyo at malayo ang tingin. Napakamot naman si Leandro sa kaniyang ulo bago nito dahan-dahang hinawakan ang kaliwa kong kamay na animo'y sinusukat kung tatanggi ba ako.

"Sorry po talaga." ito na naman siya sa pagpapaawa effect niyang palaging gumagana. Talagang alam ng lalaking ito kung saan ako titirahin. Kaya bago pa man ako madala sa ginagawa niya ay binawi ko na agad ang kamay ko at saka siya tinitigan sa mga mata niya.

"Mahal mo ba talaga ako Leandro?" sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla na lang nagtubig ang mga mata ko. Pakiramdam ko kasi sa mga nangyayari ngayon ay wala ng totoo.

His Lust RageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon