LEANDRO
PHILIP BROUGHT ME TO AN ABANDONED PLACE where we can talk about serious matter like the clan without any hindrance. Alam kong magkasama lang sina Primo at Revil sa kuwarto nito kaya naman sumama na ako kay Philip tutal mayamaya pa naman 'yon babalik. Sa tuwing inaalala ko ang kalagayan ni Revil ay mas lalo lang akong napapa-isip na paano kaya kung itakas ko na lang siya nang hindi niya namamalayan? 'Yung tipong papainumin ko siya ng pampatulog para hindi siya makalaban? Sa paraang 'yon ay mas maililigtas ko ang buhay niya sa mga demonyong ito.Kilala ko ang pamilya Silvente dahil ilang taon ko rin silang nakasama kaya hindi ako puwedeng basta-bastahin lang.
Naputol na lang ang iniisip ko nang magsalita si Philip habang kaswal lang itong nakatingin sa kawalan at humihithit ng sigarilyo.
"Hinahanap ka na sa clan lalo na ni papa."
"Hindi na ako babalik sa clan."
"Talaga bang nababakla ka na kay Revil kaya ayaw mong bumalik sa clan?"
"Mahal ko si Revil."
"What an earsore."
"That's reality, Philip. Anyways, bakit ako hinahanap ng mga tao sa clan?"
"You're the third highest person in the clan, anong sa tingin mo ang iisipin ng mga tao roon kung ilang linggo ka na nilang hindi nakikita?"
"Kaya kong iwan lahat ng puwersang 'yan para lang kay Revil."
"Disgusting."
"Sa ginagawa ng bunso mong kapatid sa mga tao, mas nakakadiri 'yon kaysa mga taong sinasabihan mong disgusting."
"He's just applying what he learned from dad, when gays are around, kill them 'til no left trace."
"A stupid belief of your family especially your homophobic father." Lord Gambrose Silvente is the father of Philip, Prince and Primo and the husband of Lady Helena. He is also the founder and the lord of our clan as he holds his people using his tons of money and power. The clan aims to collect people around the country to create a full-packed force to build a new government in which we're going to own and rule the Philippines. Dahil sa pagka-uhaw ni Lord Gambrose sa kapangyarihan ay ginagamit niya ang mga anak niya para maisakatuparan ang adhikain niya maliban na lamang kay Prince. Si Prince lang ang bukod tanging anak ni Lord Gambrose na hindi kasapi sa clan sa hindi ko malamang dahilan.
At si Primo? Inumpisahan niya na ang planong naiisip ng tatay niya sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng Anti-Gay Law sa bansa.
Si Philip naman ang kanang kamay ni Lord Gambrose sa clan na halos boss na rin ang turing namin sa kaniya. Among the three sons, Philip has an extreme homophobia just like his father.
"Our belief, to be exact. Baka nakakalimutan mong ito rin ang paniniwalang sinusunod natin sa clan." tumingin naman sa akin si Philip bago ito humithit ng sigarilyo, "Kung ako sa'yo Leandro, bitiwan mo na 'yang bakla na 'yan dahil sa huli mamamatay rin siya. Pagtapos no'n makipag-ayos ka na kay Primo para matapos na ang sigalot ninyong dalawa at bumalik na ang lahat sa dati."
"Siguro no'ng una naniniwala pa ako sa pinaplano ng clan pero ngayon na nakilala ko si Revil? Malabo nang bumalik pa ako diyan."
"Mukhang desidido ka na nga talaga sa baklang 'yon. Sa totoo lang, dapat matagal na 'yang napatay ni Primo o baka nga ako pero hindi nangyari dahil sa'yo. Dahil kaibigan ka niya pero ikaw? Ikaw lang ang nagpapahirap ng sitwasyon, Leandro."
"Kapatid mo ang sumira ng kaayusan at katahimikan kaya huwag mong itapon ang sisi sa akin." tumaas naman ng bahagya ang boses ko dahil sa inis ko.
"He's just doing what he think is right and I applaud him for that. You know Leandro, the way I see Revil act in the house, he is still a stripper as before. For him, lust is his still top priority above anything else including you. Sinubukan niya akong tikman no'ng gabing ipatawag ko siya sa kuwarto ko, ngayon sabihin mo sa aking mahal ka niya at hindi lang katawan mo ang habol niya."
BINABASA MO ANG
His Lust Rage
ActionWhen the homophobic President Primo Igor Silvente signed the Anti-LGBTQIA+ Bill into law, he plunged the country into an extreme lockdown, trapping its citizens in a lethal and oppressive regime. Upon hearing of the newly imposed law, Revil Santos...