CHAPTER 9: Violin and blood

1.1K 75 2
                                    

"Tito Revil, sabihin mo lang sa'kin kapag sinaktan ka ng mokong na 'yon, ah?"

"Nako, ikaw talagang bata ka, oo naman sasabihin ko agad pero bago ko sabihin sa'yo syempre lalabanan ko muna siya." tila masaya kaming nag-uusap ni Drake habang kumakain kami sa isang mamahaling restaurant na gustong-gusto niyang kainan.

"Alam mo naman tito na ayaw na ayaw kong nakikita kang nasasaktan diba?"

"Kaya nga nahihirapan akong pumili ng lalaki dahil na rin sa paalala mo, pakiramdam ko tuloy lahat ng lalaking nakikilala ko sasaktan at gagamitin lang ako."

"Tito Revil, I didn't mean it that way, ang sa akin lang, hindi kita gustong makitang umiiyak pero sa isang relasyon at kahit anong klaseng relasyon pa 'yan hindi puwedeng walang masasaktan. Pain is part of the process tito, without pain love is pointless and undefined though it exist. The reason why I keep on reminding you about this is because I want to protect you from all the possible damages you may get from having a boyfriend but am not also saying not to get one. Gusto rin naman kitang makitang masaya tito gaya nina papa at daddy kaya lang sinusubukan lang din nating hindi ka sobrang masasaktan."

"Grabe ka naman talagang mag-alala sa'kin at parang mas marami kang naranasan kaysa akin kung magsalita ka, ah?" nakangiting puna ko sa kaniya.

"Gano'n talaga kaming mga GEN Z tito, magaling kaming mag-advice sa iba pero tanga rin kami pagdating sa pag-ibig."

"Basta lagi mo lang iisipin Drake na palaging puso ang paiiralin pagdating sa pag-ibig pero huwag kakalimutang gamitin ang isip pagdating sa pagdedesisyon. Ang puso hindi 'yan marunong magsinungaling kaya nga pagdating sa pag-ibig natatanga tayo diba? Ang isip naman natin masyadong komplikado at matinik na kailangan natin para sa mas maayos na pagpili."

That subtle moment suddenly interrupted by a sorely glitch then shifted to another scene which I found myself standing in the middle of nowhere while dead bodies are surrounding me.

"Keanu? Forester? Toni? Drake? P-paano nangyari 'to?" tila naging balisa ako at mabilis na bumagsak ang mga luha nang makita ko silang duguan at walang buhay.

"Revil?"

"Revil!"

"Darling? Huy, you okay?"

Nabalik na lang ako sa katinuan nang maramdaman kong may yumayakap sa akin habang pilit ako nitong ginigising. Nakaupo pa rin ako sa malamig na sahig at yakap-yakap ang sarili. Isang panaginip lang pala ang mga 'yon.

"Bakit umiiyak ka?" tanong ni Leandro habang mariin ako nitong yakap. Nananatili pa rin kami rito sa loob ng madilim at malamig na kuwarto.

"Napanaginipan ko sila lalo na si Drake. P-patay na raw sila."

"Shh, tahan na nandito lang ako." he's trying to appease me using his gentle words and warm embraces because the tears in my eyes kept on cascading down to my cheeks.

"L-Leandro, patay na 'yung mga kaibigan ko." at doon ay unti-unting lumakas ang paghagulgol ko sa mga bisig niya dahil ngayon ko lang mas nararamdaman 'yung sakit ng pagkawala nila.

Mayamaya lang ay narinig ko na rin ang mahihinang paghikbi ni Leandro dahil umiiyak na rin ito. Humihigpit din ang paghawak ko sa suot kong jacket ni Drake dahil namimiss ko na sila.

Nang kumawala si Leandro sa akin mula sa pagkakayakap ay nagulat na lang ako ng bigla niyang suntukin 'yung pader.

"Tang ina talaga!" at doon ay tuluyan na ring lumakas ang kaniyang iyak.

"Leandro, itigil mo nga 'yan magdudugo na naman 'yang hita mo!" tumayo naman ako para pigilan siya sa ginagawa niyang pagsuntok sa pader.

"Tang ina Revil, wala man lang akong magawang paraan para ma-itakas ka rito! Dahil din kasi sa katangahan ko kung bakit ka umiiyak ngayon, eh!" agad ko naman siyang niyakap para rin pakalmahin siya. This is the very first time I saw my man crying in regrets and anger.

His Lust RageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon