Tune in for last five chapters of The Lust Gay Standing. Happy reading!
LEANDRO
HALOS MABULABOG ang mundo ko nang malaman na ang lokasyon na kinalalagyan nina Revil at Primo. Dali-dali akong nagpadala ng tropa roon upang makapaghanda agad sa paghuli kina Primo at Philip. Simula no'ng malaman namin ang lokasyon nila at mabilis na nakarating ang mga tropa ay siya rin namang mabilis na pagkilos ng mga Silvente dahilan para mag-umpisang umusbong ang digmaan sa pagitan ng mga Pilipino.
"Ano pa bang hinihintay natin?!" It was an intense feeling to finally know the place of my darling. It's been days since the last time I met him. Yes, I am little bit jealous and upset about the video I have watched yesterday at the press briefing but still he's the man of my life and I am willing to disregard that scandal just for him because I love him.
"President, kasalukuyang nakikipagbakbakan ang mga tropa laban sa mga kapwa sundalo natin na umanib sa panig ng dating presidente. Hinihintay na lang namin ang susunod mong command para sa bakbakan." the general stated while other soldiers are on the back. I am the Commander in Chief that's why he's waiting for my signal on what to do next.
"I want to be there as well, baka mamaya kung ano pang mangyari kay Revil, at isa pa gusto ko ring ako mismo ang makahuli kay Primo at Philip, mga anak sila ng hinayupak." kahit na napupuno ako ng galit ngayon ay hindi ko rin maalis sa akin ang pagkasabik na makitang muli si Revil.
"Mas lalong delikado Mister President kapag sumama ka pa sa operasyon saㅡ"
Mabilis ko 'yong tinugunan, "I don't care! I need to save my darling, don't you understand that?!" hindi ko naman na naiwasan na mapagtaasan siya ng boses dahil sa sobrang pagkasabik ko na makita at mailigtas si Revil. Hindi naman na siya nagsalita pa sa halip ay yumuko na lang ito bago pinuntahan ang mga kasama niya at sinabihan na ihanda ang Presidential chopper.
Naghintay kami ng ilang minuto sa loob ng Malacañang hanggang sa sabihan na ako ni Heneral Lorenzaga na kailangan na naming pumunta sa Presidential chopper dahil nakahanda na 'yon. Hindi naman kalayuan ang islang pinaglagian ng dalawa kaya hindi na rin kami magtatagal pa sa pagpunta.
"Pakisabihan ang mga sundalo na unang hanapin si Revil para masiguro ang seguridad niya!" medyo may kalakasan ang boses ko dahil nasa loob na kami ng chopper.
"Copy, President!" Tatawag pa lang sana ang heneral sa kaniyang mga tao nang mauna nang tumunog ang kaniyang radyo.
"Command, this is Alpha-one-zero, we have possible critical intel. Copy? Over."
"Alpha-one-zero, copy. Send it."
"Command, we have visual on possibly armoured enemy squad-size convoy approaching our area from the north-east. Over."
"Alpha-one-zero, interrogative, what is their proximity to your current position?"
"Command, currently lasing. Standby."
BINABASA MO ANG
His Lust Rage
ActionWhen the homophobic President Primo Igor Silvente signed the Anti-LGBTQIA+ Bill into law, he plunged the country into an extreme lockdown, trapping its citizens in a lethal and oppressive regime. Upon hearing of the newly imposed law, Revil Santos...