PRIMO
SEEING MY FATHER on the floor soaked in his own blood while his earthly body received multiple stabs from my own mother's hands really left us scathed and down. I never thought our family would end up this way knowing that we're living in exuberance and principles that our parents had taught us before.
"Pa, ibabawi kita sa baklang 'yon. Pahihirapan ko siya, ipapatikim ko sa kaniya kung gaano kasakit lahat ng nararamdaman ko ngayon. Pangako 'yan, Pa." tiim-bagang na pagkakasabi ko habang nakakuyom ang mga kamay ko. Kasalanan 'to ng baklang hinayupak na 'yon. Talagang kumukulo ang dugo ko sa kaniya at sa mga kauri niyang hayop siya kung hindi niya ginawa 'yon kay papa malamang sa alamang buhay pa ang tatay ko ngayon.
Tinakpan ko na ng puting tela ang bangkay ng tatay ko kasabay ang pagtulo ng luha ko bago hinarap ang mga pulis na naka-antabay sa buong bahay. Kasalukuyan nilang inaaresto ang nanay ko sa salang pagpatay sa tatay ko. Nagawa lang naman 'yon ni mama dahil sa video na nakita niya na sinend sa kaniya ni papa habang nakikipagsex ito sa isang babae pero alam kong si Revil 'yon.
Alam kong plano 'to ng baklang 'yon dahil sa sinabi niyang hintayin lang namin at si papa naman ang susunod na mawawala. Hayop kang bakla ka, sobrang kumukulo ang dugo ko sa'yo. Anong tingin niyo sa'kin? Demonyo? Sige, ipapakita ko sa inyo kung ano talaga akong klaseng demonyo.
Pahihirapan kita ng sobra. Mas matindi pa sa naranasan ni Guhai bago niya hiniling na mamatay na siya. Tang inang bakla ka, ang tigas ng mukha mo. Tingnan lang natin kung saan ka dalhin ng kademonyohan ko kapag nakita kita.
"Ma, don't worry we will do everything to take you back from them!" hawak-hawak lang ni kuya Philip ang pisngi ni mama habang nakatulala lang ito sa kawalan. Punong-puno rin siya ng dugo ni papa mula ulo hanggang paa habang ang mga kamay nito ay nakaposas na sa kaniyang likuran. Sinusubukan namin siyang kausapin at tanungin pero hindi talaga ito nagsasalita.
"Mr. President, mauuna na po kami." pagpapaalam ng pulisya sa akin bago nila dinala ang nanay ko. Sumunod naman sa kanila si kuya Philip para asikasuhin ang kaniyang kaso.
Habang pahina nang pahina ang tunog ng mga sirena tanda na nakalayo na sila ay doon naman mas lalong tumitindi ang galit ko at pagbilis nang pagtulo ng luha ko. Anong nangyayari sa pamilya namin? Karma ba 'to? Pero paano? Bakit? Wala naman akong ginagawang masama. Tinutulungan at sinusunod ko lang ang sa tingin kong tama dahil 'yon ang tinuro ng tatay. I am just trying to eradicate the continuous, growing and alarming number of gays in the country.
Nang tuluyan na akong maiwang mag-isa rito sa bahay ay agad akong dumiretso sa opisina ko at doon winasak lahat ng puwede kong sirain. Itinumba ang mga liquor stands at itinapon ang mga papel n nasa lamesa.
"Tang ina mo kang bakla ka! Putang ina ka! Papatayin kitang hayop ka!" dahil sa sobrang galit ko ay hindi ko na namamalayan na ilang beses ko na ring nasusuntok ang pader dahilan para magdugo ang kanang kamao ko.
"Baaabe, stop it!" hindi pa sana ako mahihinto sa kasusuntok kung hindi hinawakan ni Trisha ang kamay ko, "Huwag mo namang saktan ng ganiyan ang sarili mo. Walang magagawa 'yang pagwawala mo! Ang gawin mo ipahanap mo na agad 'yung baklang 'yon at patayin mo! Kung hindi mo kaya ako ang gagawa!" pagsesermon nito sa akin. Dahil sa wala ako sa huwisyo at tila hindi maproseso ng utak ko ang mga bagay-bagay ay agad ko siyang sinakal at tinulak papunta sa pader.
"STOP ANNOYING ME!" tiim-bagang kong pagkakasabi habang matalim akong nakatingin sa kaniya. Pulang-pula naman siya roon dahil hindi na ito makahinga.
"B-babe, g-girlfriend mo ako." halos pabulong na sambit nito hanggang sa marealize ko na girlfriend ko nga pala 'tong sinasaktan ko. Dahil doon ay mabilisan kong tinanggal ang kamay ko at doon dahan-dahang nakaramdam nang panghihina. Nangangatog ang mga tuhod at kamay ko habang tumutulo ang mga luha ko.
BINABASA MO ANG
His Lust Rage
ActionWhen the homophobic President Primo Igor Silvente signed the Anti-LGBTQIA+ Bill into law, he plunged the country into an extreme lockdown, trapping its citizens in a lethal and oppressive regime. Upon hearing of the newly imposed law, Revil Santos...