Headlines
Patuloy pa rin ang mga awtoridad sa paghahanap sa nawawalang sikat na gay stripper na si Revil Santos. Pamilya Silvente lamang ang itinuturong pangunahing suspek sa pagkawala ni Revil Santos.
Umabot ng halos isang daang libong tao ang nasawi sa ibinasurang Anti-Gay Law habang dalawampung libong tao naman ang nakaligtas mula sa mapait at masalimuot na pangyayari.
Hindi pa maibabalik ang inaasam n katahimikan at kapayapaan sa buong bansa hangga't nabubuhay pa ang dating Presidente na si Primo Igor Silvente ayon sa inilabas na statement ni President Leandro nitong lunes lang.
LEANDRO
I WENT TO PRIMO'S HOUSE HOPING TO SEE THE MISSING REVIL IN THEIR PLACE. Halos mabaliw ako sa kaka-isip kung saan ba biglang nagpunta ang pinakamamahal kong si Revil. Nitong nakaraang limang araw no'ng magpunta kami sa hell jail ay nagpaalam lang siya saglit na magbabanyo pero ilang oras na akong naghihintay ay wala pa ring bumabalik na Revil. Ngayon nga ay labis na akong napapraning sa nangyayari dahil nawawala na naman si Revil sa akin. Kung talaga nga namang nawawala siya dahil sa pagdukot, may isang tao lang akong puwedeng sisihin sa ganitong klaseng pangyayari at 'yon ay walang iba kundi ang magkapatid na sina Primo at Philip.
Limang araw na akong walang balita sa nobyo ko, hindi puwedeng wala akong gawin kaya naman nagdesisyon akong pumunta sa bahay ng mga Silvente upang personal silang paaminin sa ginawa nilang pagdukot sa mahal ko. Unang bumungad sa akin ay ang mga sundalong nakapalibot sa mansyon ni Primo. Nang makita nila akong bumaba sa sasakyan ay sabay-sabay naman nilang itinapat ang mga baril nila sa akin at gano'n din ang puwersang dala ko sa kanila. Pero imbis na hayaan ko silang magbakbakan ay mas pinili kong magsenyas sa mga tao ko na huwag nang itutok ang mga hawak nilang baril. Matapos 'yon ay naglakad ako at lumapit sa isang sundalo.
"Tawagan mo si Primo at sabihin mo na nandito ako." hindi naman na siya sumagot pa sa halip ay ginamit na lang nito ang radyo niya para abisuhan ang dating demonyong presidente na nandito ako. Mayamaya pa nga ay hinayaan na ako nitong makapasok pero hindi ang mga armado kong kasama.
Naabutan ko si Primo na preskong nakaupo sa pang-isahang couch habang humihithit ito ng tobacco at tila wala itong pakielam sa biglaang pagdating ko.
"What brings you here, the one who rammed me from behind while I'm out of sanity?" walang emosyong tanong nito habang nakabukaka ang mga binti nito at ang kaliwang kamay naman ay nakapatong lang sa sandalan ng pang-isahang couch.
"Ilabas mo si Revil!" agad na kumuyom ang kamay ko no'ng ngisian niya lang ako at hindi sineseryoso. Tumayo ito mula sa kinauupuan niya at saka pumunta sa lamesa para lagyan ang baso ng alak na iniinuman niya. Nilagay niya ito sa harapan ko at doon inalok.
"Masyado ka naman yatang mabilis, buddy. Uminom ka na muna bago ko ilabas si Revil." agad akong napatiim-bagang at mas lalong nag-init ang dugo ko nang marinig ko mismo sa kaniya na hawak niya nga si Revil. Imbis na inumin ko ang alak na 'yon ay mas pinili kong ibato 'yon sa kung saan.
BINABASA MO ANG
His Lust Rage
ActionWhen the homophobic President Primo Igor Silvente signed the Anti-LGBTQIA+ Bill into law, he plunged the country into an extreme lockdown, trapping its citizens in a lethal and oppressive regime. Upon hearing of the newly imposed law, Revil Santos...