Kabanata 38
What Really happened
Cerynnna's POV
"Manong Royce?!" Bulalas ko nang makita ang dati naming driver.
"Paano? Ikaw ang nagtetext sakin?" Sunod-sunod kong tanong. Walang nakakarinig sa amin since nasa pinakamalayong sulok kami ng cafe.
Sa kabila ng pagkakagulat, pinili kong huminahon at maupo dahil baka may makapansin ng presensya ko.
Gulat akong napatingin sa kanya nang hawakan niya ang dalawa kong kamay na nakalapag sa mesa.
And then he cried. "Bago ako naging driver niyo, walang-wala ako. May sakit ang aking asawa at aminado akong hindi ko kayang pag-aralin ang dalawa kong anak. Tandang-tanda ko pa, lunes iyon at malapit ng magtakipsilim nang magmakaawa ako sa aking boss sa construction site na pinagtatrabahuan ko na bigyan ako ng pangalawang pagkakataon na magtrabaho ulit."
Nagtataka ako kung bakit niya sinasabi sa akin ito pero pinili kong makinig.
"Dahil nga may sakit ang asawa ko at walang nag-aalaga kaya napatigil ako sa pagtatrabaho. Bigo akong makumbinsi ang boss ko kaya naglakad ako pauwi bitbit ang isang sobreng laman ang sahod ko para sa buwang iyon nang may biglang humablot nito sa akin." Hinawi niya ang luha sa kanyang mga mata at nagpatuloy ulit sa pagsasalita.
Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Titig na titig at pinakikinggan ko ang bawat katagang sinasabi niya.
"Halos magsisigaw ako't magmakaawa na ibalik sa akin ang pera. Iyon kasi sana ang ipang-bibili ko ng gamot sa aking asawa. Bigo sana akong uuwi kung hindi lang sa lalaking tumulong sa akin. Inabot niya ang sobreng naglalaman ng sahod ko. Magmula nun, naging matalik na kaming magkaibigan." He burst out into tears again.
"Binihisan at ginawa niyang driver ng pamilya niya. Kung anong meron siya noon ay meron din ako. Ang kinakain niya'y nakakain ko rin. Sa kanya ko lang naranasan makatikim ng mga masasarap na pagkain. Ni minsan hindi ko naramdaman na magkaiba kami ng estado sa buhay." Oo nga pala at sobrang lapit nilang dalawa ni dad pero hindi ko alam to.
"Pinagamot niya ang aking asawa at tinulungan nila ng akala ko rin ay kaibigan niya na makapag-aral ang dalawa kong anak." Namuo ang luha sa mga mata ko nang mapagtanto kung sino ang tinutukoy niya. Si Dad nga... May isa pa, hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya. Gulong-gulo na ako pero hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob para magtanong. Sa halip, nakinig pa ako.
"Pero iyong kaibigang 'yon, ni hindi ko man lang nasuklian ng kabutihan... Sa halip, isa pa ako sa dahilan ng kaniyang kamatayan." Hagulgol niya.
I blankly stared at him while my tears are falling.
"Hindi totoong aksidente ang nangyare limang taon na ang nakakalipas, Cerynna." Pag-amin niya na nagpaguho ng mundo ko.
Tatayo na sana ako para umalis dahil hindi ako naniniwala at ayaw kung paniwalaan ang sinabi niya nang magsalita siya.
"Ivy Vargaz." Napalingon ako sa kanya.
"Anong meron kay tita Ivy?" I asked. Bumalik ako sa kinauupuan ko.
"Dahil matagal na niyang gusto ang kompanya niyo. Hindi rin totoo na sa kanila binigay ng mama at papa mo ang kompanya, Señorita."
Wala akong naging reaksyon sa sinabi niya. Hindi ko maproseso ng utak ko ngayon ang aking naririnig. What the hell!
Matagal ng magkaibigan ang pamilya namin at naging malapit na rin sila sa akin. Para ko ng pangalawang magulang sina tito Hesham at tita Ivy. Wala rin akong masabi sa kabutihang ipinakita nila sa akin mula noon hanggang sa mawala sina dad kaya mahirap rin paniwalaan.
BINABASA MO ANG
Flow Of Memories (On-Going)
General FictionAfter Cerynna Gabrielle Martin broke her ankle from an accident and stopped ballet, she found happiness again when she met Alixis Villaruel, the most well-known ballet master who helped her dance again and made her fall in love. Just as she thought...