Kabanata 34
Performance10 o'clock na ako nagising. Late na tuloy ang breakfast namin ni Alixis. Nagising ako dahil sa bango ng butter. Siguro ay nagluluto si Alixis sa kusina.
Mamayang 4:00 pm pa ang alis namin ni Alixis dito sa condo kaya sinusulit ko ang pahinga para naman hindi ako magmukhang lutang at walang tulog mamaya.
Aalis kami ngayong umaga para mag mall pagkatapos kumain. Hindi rin naman kami masyadong magtatagal kaya ayos lang. Bibili ako ngayon ng dress para isusuot ko mamaya pagkatapos ng performance.
May party kasing magaganap dahil Enchanted Night. Marami pa naman akong mga damit na hindi naisusuot but Alixis insisted to buy a new one. Gusto niyang pareho kami ng kulay na isusuot. Muntik na nga naming pagtalunan iyon noong isang araw.
Hindi naman ganun ka ikli ang performance namin kaya marami pa rin ang gustong pumunta kahit na Act 1 lang kasi may dinagdag namang bagong scene. As of now, sold out na ang ticket para mamaya. Siguro dahil din maraming nag-aabang sa pagbabalik ko matapos ng ilang taong pagtigil.
Naghilamos at nagsuklay lang ako ng buhok bago naisipang lumabas. Mamaya na lang ako maliligo. Nagutom ako dahil sa naamoy kong butter kanina.
"Goodmorning." Bati ko kay Alixis nang madatnan ko siyang nagluluto sa kusina.
"Goodmorning gising ka na pala. I was about to go to our room para doon na tayo magbreakfast."
"Dito na lang." Sabi ko at saka tutulungan sana siyang mag-ayos ng mesa.
"Huwag na, maupo ka na roon. Kaya ko na to. Hindi ka pwedeng mapagod. You need the energy para mamaya."
I rolled my eyes. Wala na akong nagawa kundi maupo na lang sa upuan nang iginaya niya ako papunta sa dining table.
"Nilapag niya ang plate ng buttered chicken sa mesa saka siya naupo para lagyan ako ng kanin.
"Saan mo gustong maunang pumunta ngayon?" Tanong niya nang makapasok sa loob ng sasakyan.
He's wearing a yellow and black striped polo shirt and a slack. Amoy na amoy rin ang kanyang pabango.
I rolled my eyes.
"Sa pinakamalapit na Mall na para hindi ka na mapagod sa pagdadrive."
"Hindi ako mapapagod basta ikaw ang pasahero." He said.
"Heh."
"Bilisan mo na para makabalik tayo kaagad." Ani ko.
"Okay then. Mag grocery na rin tayo mamaya. Wala ng pagkain at chips." Dagdag niya at nagsimulang magmaneho.
"Alright."
Hindi kami Inabot ng 10 minutes para makarating sa mall dahil hindi naman gaanong traffic.
We entered a store where some designer dress are located.
"What do you think of this one?" Tanong ko kay Alixis nang makalabas sa fitting room para ipakita sa kanya ang isinukat ko. It's a red slash neck ruffled dress.
"I don't like it. It's showing too much of your skin." Reklamo niya na naka crossed arms pa.
"How about this one?" I asked again showing him a high waisted mini chiffon sleeveless in the shade baby pink casual dress.
"Next."
Inis akong tinalikuran siya para magpalit ng isusukat for the 9th time. Halos lahat ay ayaw niya dahil masyado daw revealing.
"How about this?" I asked him again nang makalabas ako sa fitting room. Hindi kaagad siya nakapagsalita at tinitigang mabuti ang damit na suot ko.
This time, it's a gray sequined mesh dress. Long sleeve siya pero see through. Honestly, mas gusto ko to. Simple lang.
BINABASA MO ANG
Flow Of Memories (On-Going)
General FictionAfter Cerynna Gabrielle Martin broke her ankle from an accident and stopped ballet, she found happiness again when she met Alixis Villaruel, the most well-known ballet master who helped her dance again and made her fall in love. Just as she thought...