Kabanata 25

35 9 6
                                    

Kabanata 25
Farewell Party

Abala kaming tatlo nina Miss Eternity at Alixis sa paghahanda ng mga kakainin namin mamaya para sa tanghalian hanggang mamayang gabi. Luluwas na kasi kami bukas ni Alixis si City para makapagsimula at makapag sign na ako ng contract. I'm a little bit nervous and excited at the same time. Sa wakas ay makakabalik na ako sa isang bagay na hindi ko naman ginustong tigilan.

Hindi ko alam kung saan ako magst-stay  kapag nasa city na kami. Sana pala ay hindi ko benenta ang mansion. Di bale nalang at maghahanap ako ng condo na  malapit sa Enchanted. Gustuhin ko mang bumalik sa Stardust, mas makakabuti sigurong magkaroon naman ako ng bagong environment para makapagsimula ulit. Nahihiya na rin kasi ako kina tita Ivy. Besides, nag resign na ako doon.

After ng mga nangyare kahapon, napagdesisyonan naming mag farewell party ngayon para naman makapagpaalam kay Eternity. Kakagaling ko lang sa opisina ko sa hotel kanina para makapagpaalam sa staffs at Employees nagkaroon rin ng kaunting salosalo. Si Eternity na muna ang bahala rito. Bukas na rin magbubukas ulit ang resort pagkaalis namin.

"Hey that's mine." Sita ko kay Alixis na kumuha ng tteokbokki sa plato ko.

He smirk at me.

Nasa dalampasigan kami ngayon at nagsasamgyupsal. Abala sa paggigrill si Alixis at kaming dalawa ni Miss Eternity ang panay kain. Kung merong taga grill sa samgyupsal, meron namang mga panay kain lang ang alam.

"Totoo?" Paninigurado ko kay Eternity kung ayos lang ba sa kanyang maiwan dito. Kung hindi ay pwede ko namang hanapan ng mamamahala to o pansamantalang ipasarado. I don't need money. Just like what I've said, my trust funds are more than enough. Hindi ko gustong bumalik sa pagsasayaw dahil sa pera so I don't call it as 'career' but passion. Kung tutuusin, ay kaya kong sumayaw kahit na walang pera. Sadyang gusto ko lang sumayaw dahil dito ako masaya.

"Yup. Atsaka ano naman ang gagawin ko sa City? Magmumukmok?" Sagot niya sa akin bago siya naglagay ng meat sa lettuce na hawak niya.

I rolled my eyes because of her answer.
"To stay with me?" I sarcastically asked.

"Ang sabi mo sa akin ay matanda ka na. Ayaw mo na ngang tawagin kang 'young lady' diba?" Pang-aasar niya at tumitig kay Alixis na ngayon ay naglagay ng dagdag na butter at pasimpleng nakikinig sa usapan namin. Nakita ko siyang ngumiti pero saglit lang. Ewan, guni-guni ko lang ata. Nawala bigla eh.

Sinamaan ko siya ng tingin.

Humalakhak silang dalawa ni Eternity ng napakalakas. Kung may mga guest lang siguro ay napunta na ang lahat ng kanilang atensyon sa amin.

"Dito nalang ako. Mas nag-eenjoy at nakakalimutan ko ang problema ko dito at the same time, kumikita at nakakatulong pa ako sayo." Sabi niya nang mahimasmasan sa pagtawa.

Well tama nga naman siya.

"Besides, kasama mo naman na si Alixis I know for sure maaalagaan ka niya." Maloko siyang ngumisi sa akin.

I rolled my eyes nang nakita kong nag high five pa silang dalawa.

Matagal bago kami natapos kumain dahil na rin sa pang-aasar sa akin ng dalawa. Nagdesisyon kaming sulitin ang gabi at maligo sa dagat pagkatapos naming kumain.

Tanaw ko na ang mga bituin sa kalangitan. Mabilis akong umahon sa tubig nang may maalala ako at kaagad na naupo sa dalampasigan.

I reached for my phone and type something. Naghahanap ako ng condo na malapit sa Enchanted. Ayokong maghotel. I find it uncomfortable. Parang hindi ako malayang makakakilos. Gusto ko rin kasing magdecorate ng condo. Atleast yun, akin yun.

Flow Of Memories (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon