Kabanata 16

62 26 8
                                    

Kabanata 16
Rules

Maaga akong nagising kanina at naghanda. Papunta na ako ngayon sa Dance Studio ko dito sa resort. Sinabi ko kay Eternity ang lahat and she offered me a help na siya na muna ang mamahala ng resort since hindi naman masyadong mabigat ang mga trabaho.

Hindi kaagad ako pumayag. It will be unfair to her but she insisted and assured me that it's fine. Wala na akong nagawa kundi ang pumayag nalang. Mapapadali at maitutuon ko ang atensyon ko sa isang bagay na matagal ko ng ibinaon sa limot. Alam kong mas magiging mahirap ang pagpapanumbalik ng hubog ng dati kong katawan but I'm more determined now. Alixis is there to help me. After I told him everything, napagkasunduan naming mag-umpisa na kaagad. I'm happy kasi kahit papano ay naipalabas at naikwento ko ang naging karanasan ko.

"Kanina ka pa nandito?" Tanong ko kay Alixis nang makita ko siyang nasa bench sa labas ng studio at seryosong nakamasid sa dagat. He looks hot on his usual polo shirt and slacks.

"Hindi naman. Ang ganda ng sikat ng araw." Puna niya pero nasa akin na ang kanyang tingin.

I rolled my eyes.

"Ang pangit!" Pagkontra ko. Alin nga ba ang maganda diyan? Matalim ko pa rin itong tiningnan at kahit anong pilit at saang anggulo ko tingnan wala naman.

"Just stare at it. Sobrang ganda."

"Whatever. I hate sunrise." Puno ng pait ang boses ko.

"Bakit? Iniwan ka ba ng ex mo sa sunrise? Nakipagbreak ba siya sayo habang magkasama kayo sa ilalim ng sunrise?" Mapang asar niyang tanong. Mapaglaro niya akong tiningnan. Ang kanyang mga mata'y nangungusap ng purong pang-aasar at kapilyohan.

Kumunot naman ang noo ko. That line is familiar. Tila narinig ko na ito sa kung saan at hindi ko matandaan.

Nakakainis naman to! Padabog ko siyang tinalikuran at nauna nang pumasok sa studio.

Sumunod siya sa akin. I rolled my eyes when I saw him chuckled.

Naupo lang siya sa couch habang hinihintay akong magbihis. Nadatnan ko siyang naghahanap ng piyesa nang makalabas ako sa walk in closet. Suot ko ngayon itong isang bell tutu in the shade of purple at ang partner nitong satin shoes galing sa nagpapadala sakin every month. Kahit papano ay hindi naman pala ganon ka annoying ang nagpapadala at magagamit ko rin naman pala. Mula ng malaman kong may studio ako rito sa driftwood garden ay pinalipat ko na ang isang box na puno ng gamit para sa ballet dito.

Napaawang ang bibig ni Alixis nang lumabas ako. I didn't wear any make up I just put my hair into a bun.

He examine my dress and my body. 

"What? Hindi ba—"

"You look good. I know it will suit you." He said coolly while smiling at me.

What's with that smile? It's making me uncomfortable.

"What?" Nagtataka ko pa ring tanong.

Huwag niya sabihing....

"Oh My God." Nanlaki ang nga mata ko sa napagtantong bagay.

Hindi pa ako nakakabawi sa nalaman ko nang lumapit siya sa akin.

"Yes, baby."

"Baby mo mukha mo." Pagkontra ko saka siya pinandilatan nang makabawi.

Siya pala yung nagpapadala halos every month sa akin ng dresses at pointe shoes.

"But why?" Pagtukoy ko sa mga padala niya.

He didn't bother answering me instead he gave me a smile.

"I'll give you 30 minutes para mag stretching." Pag-iiba niya as if hindi big deal sa kanya na nalaman ko. Wala na rin akong nagawa at ipinagkibit balikat nalang ang nalaman. But I still can't believe it. The famous Artistic Director is sending me dresses and shoes every month!

Flow Of Memories (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon