Kabanata 47

30 1 0
                                    

Kabanata 47

Baby

Nangingilid ang luha ko habang papaalis ako sa venue. Mabilis ang lakad ko kahit na wala na akong makita dahil sa luha. I don't want to go home yet pero ayokong manatili dito. Kahit saan na huwag lang dito.

Gustong-gusto ko na talagang mag-move on. But how can I move forward and get over him kung napakarami kong tanong na hindi masagot-sagot tulad ng pagkalito ko sa apelyido niya. Hindi ko alam paano siya naging Illustrisimo at paano niya nakilala ang asawa niya o siguro... dahil umasa akong may babalikan pa.

"Excuse me miss, is everything alright?" A guy asked. He is holding a wine. Siguro ay nagpapahangin sa labas. Hindi ko na siya pinansin at dire-deretso ang lakad ko.

Hindi ko inaasahang may mga makakasalubong akong mga reporter. Papalabas ng venue. Nandito pa rin pala sila at nag-aabang.

"Miss Martin, Are you crying?"

"What happened?"

Binalewala ko lahat ng mga tanong nila pero ayaw pa rin nilang tumigil kaya naantala ang mabilis kong lakad papunta sa elevator.

Kahit naman sabihin kong hindi, walang magbabago.

Nagmistulang karera sa pag-uunahan ang mga luha kong tumulo.

Hinawi ko ang mga nakatutok na camera at tinakpan ang mukha ko.

"Please stop taking photos." My voice broke. Still, the cameras continues to flash neverminding what I'm feeling.

"Please, please leave me alone." I begged. Hinang-hina ako sa mga nalaman. Nanginginig ang mga tuhod ko. Hindi nakatulong na nakasuot ako ng heels, muntik na akong matisod nang may bahagyang tumulak sa akin.

Lalo pang nagkagulo nang dumami na ang naki-usyuso at kumuha ng larawan. I feel so helpless. Hindi nagtagal ay dumating rin ang mga bouncers at sinita sila kaya mas lalo kong binilisan ang lakad ko para hindi na nila ako tuluyang maabutan.

I was crying my heart out inside the elevator when suddenly, the door opened and just when I thought that I was alone again, I saw him standing on the other end.

How ironic. Noong isang araw ay gustong-gusto ko siyang makausap, ngayong nandito siya sa harapan ko ay halos hindi ako nakatingin.

I was about to protest pero wala na akong nagawa nang tuluyan na siyang pumasok.

Why is he here? Nag-uusap pa sila ng asawa't anak niya nang umalis ako kanina. Where are they? Why is he alone? Bakit niya ako piniling sundan kesa ihatid sila? O baka naipahatid na niya.

Kalahati sa akin ang ayaw siyang itaboy dahil baka sa oras na ginawa ko iyon ay tuluyan ko na siyang mawala at... hindi na makikita.

Hindi tama ito, Cerynna. You are becoming the woman you said you dont want to be. Pamilyado ang tao.

Lalabas na sana ako at hayaan nalang ang media na dumugin ulit ako but he blocked my way. Tumigil ako para bigyan siya ng espasyo at baka nalilito lang kami pareho.

"You first." Sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya. I dont want to fully assume that he followed me. I want him to give the benefit of the doubt.

Lumipas ang ilang segundong katahimikan. Hinihintay ko siyang lagpasan ako para tuluyan na akong makalabas at siya naman ay para tuluyan ng makababa sa ground floor.

Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko at wala akong nakita kundi galit sa kanyang mga mata. Saglit akong nakakita ng kalungkutan pero guni-guni ko lang ata iyon. Why will he be sad? Napakasaya nila kanina.

I shouldn't be happy that I lost him pero nang makita ko kanina kung gaano siya kasaya habang pinagmamasdan ang anak niya ay parang... ayos na rin.

"Where are you going?" He asked in his baritone voice. Walang nagbago ganun pa rin. Dumaan man ang ilang taon ay tandang-tanda ko pa rin ang boses niya. How I miss and long to hear that voice again.

Flow Of Memories (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon