Kabanata 6
Help meThird Person's POV
Tahimik na pumasok si Cerynna sa loob ng isang Mausoleum. She was in the middle of talking to her parents when Leandro decided na sumunod sa kanya sa loob.
"Ma, wala na akong alam. Litong-lito na ako. Para bang bawat galaw at kilos ko may nakabantay." He was about to enter pero natigilan siya at piniling huwag ng pumasok sa loob at makinig na lang.
"Dad, bakit huli na natin napagtatanto na ang isang ala-ala kasama ang taong mahal natin ay huling beses na pagkatapos nitong lumipas?"
Every word she's saying is like an arrow and he's the bullseye target. Guilt and conscience is swallowing him right now. Hindi na niya maatim ang naririnig kaya pinili niya nalang na bumalik at sa loob ng kotse niya maghintay.
Ilang oras siyang naghintay at inaliw ang sarili sa paglalaro ng Mobile Legends. Nalowbat siya kaya pumwesto nalang siya sa manobela ng SUV at pumikit para umidlip.
Cerynna Gabrielle's POV
Dumating ang hapon na hindi ko namalayan na nakatulog ako kakaiyak kanina. Tumayo na ako at pinagpagan at inayos ang sarili bago nagpaalam sa aking mga magulang.Naglagay ako ng kaunting make up. Nang makita kong maayos na ang aking reflection galing sa salamin ng face powder ay saka ako naglakad papalabas. Maga pa din ang mata ko kakaiyak but I don't care.
Nakita ko kaagad ang kotse ni Alixis sa labas. Kinatok ko ang pinto para malaman kung nasa loob ba siya. Maya-maya pa'y bumaba na siya. Halatang kakagising niya lang din. Tiningnan ko ang wristwatch ko. It's already 3 o'clock in the afternoon 8:00 AM kami dumating dito. Pero wala siyang ginawa at hinintay lang ako sa loob ng sasakyan niya.
"I'm sorry nakatulog ako. Kanina ka pa?" A baritone voice asked.
"Hindi naman. Actually, kakalabas ko lang."
"Good." He answered sabay pinagbuksan ako ng pinto.
"Si Cerynna Gabrielle Martin ba yan?" Tanong ng mga babaeng nagkukumpulan di kalayuan sakin. Hindi ko sila tinitigan pa kaya hindi ko sila namumukhaan at wala akong balak na alamin kung sino sila.
"Ahh oo balita ko tumigil na yan sa pagbaballet." Sagot noong isa
"Hello? Matagal na kaya! Ngayon ko nga lang ata yan nakita lumabas at nandito eh."
"I know right. Ang kompanya nila pinabayaan na niya. Halatang napilitan lang na sumayaw para sa mga magulang."
"Yeah right. After mamatay ng parents niya inanunsyo niya kaagad ang pagtigil. What a shame!"
"Hayaan na natin mas magaling naman si Zennae eh."
"Naging Principal Dancer lang yan noon kasi sila ang may ari ng Stardust. She's useless and talentless."
"True. Mas maraming magagaling sa kanya."
"Shhs don't listen to them." Sabi niya habang iginagaya ako papasok sa loob ng sasakyan at pilit tinatakpan ang aking tenga.
Nilingon ko silang lahat at binigyan ng malamig na tingin. Mabilis niya akong pinagbuksan ng pinto at kaagad na umikot para makapasok sa driver's seat. Sinirado niya kaagad lahat ng bintana kaya wala na akong narinig pa.
"I'm sorry about that...." He said trying to comfort me.
"No, dont be. I don't care about what they're saying anyway. Their opinion of me doesn't define who I am." I coldly said pretending not to care. Pretending that what I've heard earlier didn't bother me. That it's fine. But even if how many times I lie, I know I can't fool myself... Nasakyan ako sa narinig ko. Bakit ang dali-dali para sa iba ang manghusga kahit na hindi nila alam ang buong kwento?
BINABASA MO ANG
Flow Of Memories (On-Going)
General FictionAfter Cerynna Gabrielle Martin broke her ankle from an accident and stopped ballet, she found happiness again when she met Alixis Villaruel, the most well-known ballet master who helped her dance again and made her fall in love. Just as she thought...