Kabanata 31

33 4 0
                                    

Kabanata 31
Jealousy

Hindi ko pa rin pinapansin si Alixis simula kahapon nang makauwi kami. Bahala siya riyan. Manigas siya.

Panay suyo siya sa akin kagabi. Sorry siya! Hindi ako marupok no! Though nakakakonsensya. Pero kasi hindi ko maintindihan kung ano ang ipinaglalaban niya at bakit gusto niya talaga ang Act 2.

Giselle was betrayed and I don't like how Duke Albrecht deceived her. It is so unfair. Dapat lang na doon na magtapos ang performance namin sa part na mamamatay si Giselle at masasawi sa pag-ibig at makokonsensya si Duke Albrecht because he deserves it. He deserves the pain that Giselle felt when she found out his true identity. Manloloko! Kahit sa sayaw ko man lang mabibigyan ng justice si Giselle. True love? Nonsense. True love my foot!

Maging ngayon sa biyahe papuntang Enchanted ay tahimik at walang imik ako kahit kanina pa siya panay salita at kwento sa akin. Mabuti nga kagabi ay pareho kaming pagod at nakatulog kaagad pagkatapos kumain. I didn't bother starting an argument.

"Fine then... We can play both the Act 1 and Act 2." 

I rolled my eyes. I only want the Act 1. Besides, I like the idea na isang Act lang ang gagawin tapos may idadagdag na bagong scene. Hindi ko na isinatinig ang nasa isipan ko. Bahala siyang manghula riyan.

"Baby... please talk to me." He was about to caress my face pero iniwas ko ito sa kanya saka siya sinamaan ng tingin.

Nakita kong nabalot ng lungkot ang mga mata niya ngayon. He clenched his jaw. He looks so frustrated right now and yet he still managed to maintain his cool.

"Gabriela... I can't take it anymore please talk to me damn it! Mababaliw na ata ako kapag hindi pa tayo mag-uusap!" Hampas niya sa manibela. Minabuti niya ring ihinto muna saglit ang sasakyan.

"Shut up, Alixis!" Malamig na tugon ko. Hindi pa rin kasi ako makaget over. I wanna play Act 1.

"Damn it! Baby please..." He begged

The tone of his voice is now full of desperation.

"Ipagpatuloy mo na ang pagmamaneho. Ayokong ma late." Malamig na utos ko

"The practice won't start without me." Paniniguro niya.

I rolled eyes.

"Ang sungit mo talaga." Puna niya

"Whatever." Pagtataray kong lalo

"But I like it." He smiled

Naguguluhan akong napatitig sa kanya.

"Para mahirap kang lapitan ng iba." He said and started the engine.

Hindi na lamang ako nagsalita at itinuon ang aking pansin sa cellphone na hawak ko.

"STOP!" Sigaw ni Alixis na naaasar na ngayon sa hindi ko alam na dahilan.

Hindi ako marunong manuyo kaya bahala siya riyan.

"From the top." Mariing utos niya. Pagod na ako ha kanina pa itong boring na act 2 at kaunti pa lamang ang nabubuo naming steps.

"You need to take this practice seriously. Lalo na at ito ang eh peperform niyo para sa darating na Foundation Day! Ano nalang ang sasabihin ng investors?! " Dagdag niya at hininto muli ang musika. Ngayon ay ang lamig ng titig niya sa akin. Lalo pa nang mahuli niya akong ngising ngisi dahil sa kanina pa namin pasimpleng binabackstab ni Blaze si Zennae na ngayon ay abala sa paggaya ng sayaw ko. Iw trying hard.

Si Blaze ang partner ko. Siya ang gaganap bilang Duke Albrecht kaya minabuti kong kaibiganin siya para mas mapagaan at mas maisaayos ang gagampanan kong role.

Flow Of Memories (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon