Kabanata 33

28 2 0
                                    

Kabanata 33

Debate

Kakalabas ko lang sa dance studio ngayon pagkatapos naming mag warm up. I am now going to the dressing room para maayusan. Ang sabi ay naroon na raw sa loob ang mga damit na isusuot at mga make up artists. Alixis is now on his way to the theater. Ang sabi ay doon daw siya maghihintay dahil may kinakailangan siyang ayusin.

Si Alixis lang ang audience ng sayaw at dress rehearsal ngayon. He planned to have early dress rehearsal para daw kapag may kailangan baguhin ay mababago pa. Well may mababago nga naman talaga dahil sa plano ko. Mabuti na lang at masisipag rin ang mga dress maker at on-time natapos lahat ng damit.

Mabilis na natapos ang pag-aayos sa akin dahil retouch lang ang ginawa. Pinatanggal ko ang nakabun kong buhok kanina. Gusto ko munang eh feel ang pasabog ko mamaya. It's just a dance rehearsal anyway. Hindi naman siguro magagalit si Alixis.

Nasa rules kasi na kinakailangang eh bun ang buhok tuwing papasok sa studio kahit na practice but in Giselle's case, the Prima Ballerina is allowed to down her hair. Though, It still depends on the artistic director's preference, Wala naman akong matandaan na may sinabing bawal si Alixis kaya okay lang siguro ito.

Dumeretso na kaagad ako sa fitting room para isukat ang damit ko. Alixis personally chose the color of my dress. It's a romantic white tutu with a touch of glitters while the pointe shoe is just plain white. I wore a black bodysuit para sa top.

Nang mapagmasdan ko na maayos na ang aking reflection sa salamin ay saka ako lumabas. Kakalabas lang din ni Zennae nagkatitigan pa kaming dalawa pero kaagad niya akong inismiran. I just smiled at her. I want to annoy her more. Smiling irritates those people who wishes to ignore you. Because she's my understudy, parehong-pareho kami ng damit.

Umalis na ako kaagad at baka magkapikonan pa kami.

Halos nasa loob na ng theater ang mga corps de ballet pagkapasok ko. Nakaupo sila sa first lane ng upuan.

Dahil Act 2 ang scene na isasagawa namin sa pagkakaalam ni Alixis, ang background ay isang masukal na kagubatan. It's a forest where graves are located.

Sa kaliwang bahagi naroroon ang ilog. Ang buong lugar ay napapalibutan ng bundok at mga puno. Puno rin ito ng mga libingan. Naging mas kahindik-hindik ang itsura nito dahil sa repleksyon at liwanag na nanggagaling sa ilaw mula sa loob ng theater. Nagawa nitong pamukhaing gabi.

Ang mga kabahayan sa village ay tanaw di kalayuan.

"Assemble everyone within 30 minutes. We'll start the rehearsal." Utos niya kay Autumn.

Kinakabahan ako sa gagawin ko mamaya. Damn it.

Inuna muna ang mga corps de ballet. Hindi practice ang ginagawa namin ngayon kundi pag master ng position at formation. Hindi muna pinaplay ni Alixis ang music which is good advantage para sa akin.

Nasa upuan pa rin kami ngayon ni Blaze at ng iba pa naming kasama tulad ni Dianessa.

Blaze already know my plan kaya prepared siya sa mangyayare mamaya kasi nakapagpractice rin siya.

"Hey are you okay?" Blaze asked. Napansin niya sigurong balisa ako. Sinong hindi? Alixis would be surely mad.

"Sort of. Kinakabahan lang ng konti." Pag-amin ko.

"Hey. Don't be. Ikaw nagpasimuno nito right? What a troublemaker." Hindi ko alam kung nangch-cheer up ba siya o nambwebwesit lang.

Sa inis ko ay sinamaan ko siya ng tingin. "Shut up!" Suway ko.

"Cerynna Gabrielle Martin on stage." Pag aanunsyo ni Alixis na matalim ang titig sakin. Mabuti naman at ako lang ang sasayaw. Para hindi na madamay sa kalokohan ko si Blaze. Lalo lang yata iinit ang ulo sa kanya ni Alixis.

Flow Of Memories (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon