Kabanata 46

17 1 0
                                    

Kabanata 46

Jealous

Isang linggo na ang nakararaan matapos naming magtagpo ng landas. Iginugol ko ang buong atensyon sa pagtuturo sa mga bata at madalas na pagdalo sa mga meeting at pagsagot ng mga emails.

"Ayos ka lang?" Eternity asked in the middle of our breakfast.

"Oo."

"Eh bakit para kang nakakita ng multo diyan?"

Hindi ko na siya pinansin at dumeretso na sa sink para hugasan ang pinagkainan ko. Wala siyang alam sa nangyare. Pinili kong huwag na sa kanya ipaalam. She can guess anyway. 

I don't know what to feel at hanggang ngayon inuulit-ulit ko pa rin sa utak ko ang tagpong iyon. I want to replay it over and over again so I'd get over him and move on. Effective naman, sampal iyon ng reyalidad sa akin pero bakit ganun? Imbis na makalimutan ko siya ay mas lalo ko lang siyang naaalala.

"Come in." I said nang marinig kong may kumatok sa labas ng opisina ko dito sa Stardust. Ngayon lang ako bumalik sa huwisyo nang may kumatok. Kanina pa siguro ako rito nakatunganga. Mabuti at may blinds itong opisina ko.

Bukod sa pagtuturo sa mga bata, hands on din ako sa pagmamanage ng kompanya. Kahit papaano naman ay may alam ako dahil sa kursong Business Management na natapos ko noon.

"Cheska, anong oras nga ang meeting mamaya?" I asked my secretary nang makapasok siya.

"3 pm sharp, ma'am."

"Another invitation again?" I raised my brows. Marami akong natatanggap na invitation nitong nakaraan. Sa totoo nga ay pangalawa na ito ngayong araw.

I rolled my eyes. I wouldn't be surprised kung isang araw ay makakatanggap ako ng imbitasyon sa kasal ni Leandro o baka nga kasal na ang isang iyon.
Teka nga, bakit niya naman ako iimbitahin?

My heart skipped a beat at that thought. It's been three years may anak na sila kaya... possible nga na... ganun.

Pinasadahan ko ng tingin ang naunang invitation. Isang auction iyon ng mga ballet paintings. The other one is a conference... para sa mga CEO, investors at mga artistic directors. Para lamang iyong social gatherings ng mga may interest sa ballet.

Pinag-iisipan ko kung alin sa dalawa ang dadaluhan ko dahil parehong araw ang event ngunit magkaiba ang oras.

RSVP ang mga iyon kaya kinakailangan ng confirmation bago ang event.

"Sa conference na tayo pumunta. The auction isn't that important anyway. Ayokong gumastos, I'm not into paintings."

"Mas maganda kung sa auction tayo pupunta. I haven't been in an actual bidding. Gusto kong maranasang ma bid."

Kumunot ang noo ko. Pinagsasabi neto. Napansin niya siguro ang pagkunot ng noo ko kaya nagsalita uli siya.

"400 billion for Eternity Vane, going once, going twice... 500 billion pesos. Kahit doon man lang maranasan kong pag-agawan. They will all outbid each other for me." Paghihisterya niya.

"Gaga paintings ang bibilhin, bakit painting ka ba?" I raised my brow.

"I know right, I'm just kidding but... there will be hot bachelors there so... may chance." Hinawi niya ang iilang piraso ng buhok at inilagay sa likod ng kanyang tenga.

Napailing nalang ako sa kausap ko. Nababaliw na yata ang isang ito.

"Pwede kang pumunta sa auction, ako naman sa conference." I suggested a better idea. Atleast, kapag naghiwalay kami ay marerepresent pa rin namin ang kompanya.

Flow Of Memories (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon