Kabanata 36

33 4 2
                                    

Kabanata 36
The truth untold

Third Person's POV

Busangot ang mukha, magkasalubong ang kilay at padabog na nilisan ni Zennae ang dressing room nang marinig niyang nag-uusap ang mga corps de ballet kung papaano magpapalapit muli kay Cerynna. Maaga siyang nakarating sa dressing room ngunit hindi muna nagbalak na pumasok. Si Cerynna ang kakompetensya niya sa lahat ng bagay. Sa passion at maging sa lalaking mahal niya.

Para sa kanya ay inagaw nito ang mga bagay na sa kanya naman talaga dapat.

"Kung bakit pa kasi bumalik ulit si Cerynna sa pagsasayaw!!!!" Inis na niyang Sigaw nang makarating sa rooftop ng Enchanted - ang kompanyang pinagtatrabahuan niya.

Inis niyang hinawi ang luhang kakapatak lamang sa kanyang pisnge. Sawang-sawa na siyang maging pangalawa palagi. Palagi nalang kasing mas pinipili si Cerynna at alam niyang kahit naman anong gawin niya ay hinding-hindi niya mapapantayan ang galing at husay ng kakompetensya. Sawang-sawa na siyang makarinig ng mga papuri na gusto niyang marinig kapag kausap siya.

Rinig ang ingay ng musika sa loob pero nangingibabaw ang ingay ng mga sasakyan sa daan.

Nakasuot ng itim na balabal, tuluyang nagpakita si Ivy kay Zennae saka inabot ang isang itim na sobreng naglalaman mg flash drive at mga X-ray result ng ankle. Noon pa ay alam na niya ang kalagayan ni Cerynna mula sa palihim na appointment nito sa Ballet Orthopedist nila at maging sa paghire ng editor ay alam at may kinalaman siya pero mas pinili niyang ilihim ito sa pag-aakalang titigil na ito sa pagsasayaw. Pero nagbago ang lahat. Kinakailangan niyang gawin ito ngayon para tubusin ang kompanyang pinaghirapan niyang makuha.

"Sino ka?!" Zennae startled.

"Play that flash drive during Cerynnna's wine toasting." Ma awtoridad na utos nito. Bagamat familiar ang tinig ay hindi pa rin malaman ni Zennae kung sino ang kausap.

Tanging ang liwanag lamang galing sa buwan at bituin ang nagbibigay ng ilaw sa rooftop.

"Bakit naman kita pagkakatiwalaan?!" Nag-aalangang tanong niya.

"Check your email I've send the soft copies." Sagot muli ng kausap.

Napaka-familiar ng tinig ngunit hindi niya pa rin mawari kung sino ang kaharap.

Mabilisan niyang binuksan ang kanyang email.

Gulat at napaawang ang kanyang labi sa kanyang nasaksihan.

"Make this photo looked like I'm not wearing any cast." Utos ni Cerynna sa editor niya.

"Will I be able to dance again?" Tanong ni Cerynna sa ballet orthopedist. Mula sa video.

"Your condition is severe."

"Bakit hindi na lang during performance?" She said as an idea flashed in her mind. Hindi na siya nag-abalang mag-isip pa kung sino ang kausap at mas itinuon ang pansin sa pinapanood.

"Live sa lahat ng social media platforms ang party mamaya." Makahulugang sabi ni Ivy.

"Everything will change starting from this night. Goodluck." Ivy said as she left the roof top.

Hindi na siya pinansin ni Zennae at pinagpatuloy ang panonood.

Sinilip niya ang theater at puno na ito. Natawag ng kanyang pansin ang mga taga supporta ni Cerynna. Sumidhi lang lalo ang galit niya.

Tinungo niya ang dressing room para makapagsimula ng mag-ayos nang madatnan niya si Cerynna na nag-aayos.

"Well... well... well..." Panimula niya nang makaupo sa vanity table na naka assign sa kanya.

Flow Of Memories (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon