Kabanata 10

103 55 12
                                    

Kabanata 10
Stars

"What the hell! That hurts." Hiyaw ko. They're now checking on my toes and legs. My doctor also gave me pain reliever. Pero pakiramdam ko parang tinutusok pa rin ng karayom at dahan-dahang hinihiwa ang paa ko.

Hanggang kelan pa to matatapos? It's been a week mula nung nagbasa ng last will and testament si attorney which means it's been a week mula ng sumakit lalo ang paa ko. Damn this.

Mabilis na lumipas ang mga araw pero pakiramdam ko'y hindi ko ito namamalayan. Sobrang daming nagbago sa mansion mula nung mawala sila mom. There are times na nakakalimutan kong wala na nga pala sila. Ang dating maaliwalas at masayang mansion, nagmukhang fiery pit ngayon. Palagi ko kasing nasisigawan ang mga kasambahay. Everyday, I fired househelpers. Everything that happened is stressing me out kaya naghanap ako ng mga bagay na pagkakaabalahan ko para mailihis ang galit.

I know I shouldn't. Pero hindi ko mapigilan.

Sobrang sakit na sa isang iglap nawala ang lahat. Ganun nga talaga siguro ang buhay. Parang kahapon lang nagtatawanan kami. Parang kahapon lang nagpeperform ako sa napakalaking entabladong puno ng mga sikat at maiimpluwensyang tao. Ngayon wala na sila at wala na ring kasiguraduhan kung makakasayaw pa ako. I just lost the job that I dearly love.

Napangiti nalang ako ng mapait. Life is really unfair. Today you're happy and tomorrow you will be sad. Hindi nga talaga natin alam kung hanggang kelan lang tayo dito sa mundong ibabaw. Life is full of plot twist and unexpected endings.

It's Sunday at katatapos ko lang mag breakfast.Nakakapanibago ang laki ng mansion pero wala akong kasamang mag-almusal. Sanay akong kasama sina mom. No matter how busy they are, they always find time para makasabay akong kumain. Miss Eternity is not here. May pinuntahan yata. Masakit pa rin ang paa ko pero pilit kong nilalakad. Pinipilit kong tumayo gamit lamang ang tungkod ayokong magpatulong. I need to walk. I need to be okay.

Naupo ako sa kama pagkabalik ko sa kwarto at nagpalit ng tutu dress. I put my hair into a bun at dumeretso na sa garden kung saan naroon ang dance studio ko. Medyo Paika-ika akong maglakad at may baston pero narating ko naman ang hardin. Natagalan nga lang. Nakakapanibago. Sanay akong nagtatakbo tuwing umaga para magpractice dito.

I open the closet and picked a pointe shoes lagi akong nagsto-stock kasi laging nasisira sakin. Tumayo ako ng dahan dahan pagkatapos kong maitali ang lace. I can still feel ache on my ankle pero isinawalang bahala ko iyon. I want to dance.

I play the music at basta basta na lang hinagis  ang tungkod na hawak hawak ko. I tried standing straight at idiniin ang paa ko sa sahig. I can feel ache pero hindi ko na pinansin iyon.

Nag stretching ako ng thirty minutes. Kumukurot ang sakit sa left ankle ko pero hindi ko na pinansin iyon. Kung gusto kong makabalik sa pagsasayaw kailangan kong magsikap. I know I'm stressing and pressuring my ankle which is not good but I badly wanna dance... again.

Sinimulan ko ng eh position ang braso at mga paa ko. Napadaing ako. Pero pinagpatuloy ko iyon hanggang sinimulan ko ng sumayaw by lifting my both arms on top of my head. I positioned my toe and tried to balanced pero napahiyaw ako sa sakit dulot ng biglaang paggalaw. Ininda ko ulit iyon at nagpatuloy. Hold on, Cerynna. You need to fully recover as soon as possible. Prove them wrong.

While I'm still lifting my arms, I placed my one foot in front of the other, with the heel of one foot aligned with the toe of the other foot.

Sinubukan kong magtaas baba. Napamura ako ng malutong sa sakit. No Cerynna, you can do it. Hindi totoo ang sinasabi nila. You're a fighter. Hindi mo makukuha ang lead role kung hindi ka magaling.

Pilit kong binaba ang aking posisyon. Bigla kong binalance ang pagtayo kasabay nun ay ang pag-umpisa kong umikot.

"Ackk---

"A-arayyy." Sigaw ko. I was about to spin nang makaramdam ako ng sobrang pananakit sa ankle.

Napabagsak ako sa sahig dahilan para mas naging double ang impact. Naupuan ko ang paa ko sa left where my broken ankle is located. Ilang oras akong natahimik. It's too painful. I let out a silent shout trying to lessen the pain I'm feeling both in my heart and in my ankle.

Bumuhos ang luha ko. Sobrang sakit ng paa ko walang salita ang makakapagdepina at larawan kung gaano ito ka sakit. I tried reaching my cane pero bago ko pa maabot ito. My vision became blurry.

"Mabuti at nakita kita kaagad! Hindi ko alam kung ano ang mangyayare kapag nagtagal pa ako sa aking appointment." Eternity scolded me.

Kakaalis lang ng doctor na naglagay ng bandage at cast sa ankle ko. She tried to advice me na huwag ko na muna ulit ipatanggal iyon dahil kailangan lalo pa't severe ang condition ng paa ko. I remained silent the whole period of time trying to think and pull myself together. I understand that I need to rest for me to recover but knowing the fact that there's a bigger possibility that I can't dance scares the hell out of me.

"Ano bang nangyare?" Tanong ko sa kanya. After nung sumakit ang paa ko dulot ng pag-spin, wala na akong iba pang naaalala.

"You passed out."

I stared at her giving her the signal to speak and explain because I want to know and hear more.

"Hinanap kita kanina sa buong mansion pagkadating ko sa bahay because I brought your favorite food. Hinalughog ko ang buong mansion and you're nowhere to be found." Saka lamang siya nakahinga ng maayos pagkatapos niyang magsalita.

"Naglakad-lakad ako sa labas para sana tingnan kung naisarado ng maid ang gate nang makita kung bukas ng kaunti ang pinto ng dance studio mo. Nakita kitang nakahandusay sa sahig at putlang-putla. What were you thinking young lady?! You're unbelievable!" Panenermon niya sa akin.

Bantay sirado na ni Miss Eternity ang bawat kilos ko hindi ako makahanap ng timing para ipilit ang kagustuhan kong sumayaw. Kain tulog nalang ginawa ko this past few weeks. Hindi na ako bumababa at nagpapahatid nalang ng pagkain.

"Hindi ka ba makatulog?" Eternity asked nang madatnan niyang nakatutok ako sa aking laptop. Inabot niya sa akin ang isang baso ng gatas.

"Sort of." Sagot ko sa kanya pagkatapos lumagok. Pinatay ko na ang laptop at tamad na hinagis sa paanan ko muntik ko ng mahagis ito sa may cast dahilan para samaan niya ako ng tingin.

Napangiwi nalang ako.

Nilog-in ko lang ang aking facebook account. There are hundreds of notifications and condolence messages. Tss. Kapag talaga namatayan ka marami talagang magmemessage but not all of them ay totoong nakikiramay at nakikisimpatya. Karamihan ay nakikichismis lang.

Inubos ko na ang gatas at Inabot sa kanya ang empty glass. Nanatili siya ng ilang minuto sa kwarto ko bago nagpaalam na umalis.

"M-mom, d-dad no, no please." Nakita kong babangga na kami sa railings.

"No!" Sigaw ko at napabalikwas sa kama. I'm having a nightmare. Mula nong mangyare ang aksidente lagi na akong binabangungot. How ironic. What happened to my family is a nightmare tapos binabangungot pa ako.

Minabuti kong bumangon at kumuha ng tubig sa fridge na nasa kwarto ko. Sinilip ko ang bintana at pinagmasdan ang mga kumikinang na bituin.

Napangiti ako nang masilayan ko ang pinaka-kumikinang na bituin sa langit. Sabi nila, kapag nangungulila daw tayo sa mahal natin sa buhay na pumanaw na; pagmasdan daw natin ang pinaka-kumikinang na bituin sa langit at pinapanood daw nila tayo mula doon. I used to laugh at that statement when I was a kid hindi ko aakalaing paniniwalaan ko ito balang araw.

"Mom, Dad if you're watching me from above I just want you to know that I missed you so much. Keep shining bright in heaven so you could light my way." Sambit ko kasabay ng pagbuhos ng luha.

Flow Of Memories (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon