Kabanata 3
ChangesCerynnna's POV
Maaga akong nagising. I still feel sleepy pero kailangan kong maghanda dahil marami akong trabahong hindi natapos sa opisina kahapon. 1 week had passed mula noong lumipat kami rito. Naging smooth naman ang trabaho sa office kaya ayos lang.
I took a shower quickly and blow dried my hair. Naisipan kong eh curl ang aking buhok para maiba and I also put on some light make up.
I am now heading to my office. Some guest are greeting me. Tipid lang akong ngumiti pabalik sa kanila. So far, nakapag-adjust naman ako ng kaunti sa bagong environment na meron ako.
Binuksan ko ang pinto ng office and I saw Miss Eternity na sumasagot ng mga tawag galing sa mga employees sa baba. Ang aga niya naman.
"Goodmorning." Bati ko sa kanya
"Goodmorning." Sagot niya pabalik at pinagpatuloy na ang ginagawa. Hindi pa ako nag bre-breakfast kaya tumawag ako ng bell boy para magpahatid ng pagkain.
"Hello please paki-hatidan ako ng breakfast dito sa taas."
"Uhm Sige Bacon and rice will do. Iced tea and watermelon. Thank you." Dagdag ko at binaba ang telepono.
"Hindi ka pa nagbre-breakfast young lady?" Miss Eternity asked.
"Hindi pa ikaw?" I asked back.
"Tapos na ako kanina. Hindi na kita hinintay tulog mantika ka pa."
"Lol. Aga mo naman." I mouthed
Tanging kibit balikat lang ang isinagot niya sa akin.
Matapos kong kumain, pinakuha ko na kaagad ang empty plate. Para simulan na ang araw ko.
Kaharap ko ngayon ang aking pc at kasalukuyang nagbabasa ng emails. Mostly mga emails iyon ng mga guests. At reservations. Meron ding request ng pagpapataas ng sahod ng mga Employees.
Inapprobahan ko ang mga iyon pagkatapos kong basahin lahat at nag sign ng iba pang pending contracts.
Hindi naman ganoon kabigat ang trabaho sa opisina kaya may oras pa rin naman ako para magliwaliw. Pareho lang ng scenario ang ginagawa nitong mga nagdaang araw. Saka lamang ako nagpapatawag ng housekeeper kapag bumababa na kami ni Miss Eternity para sa dinner.
Nang makita kong kaunti pa lang ang mga guest sa seaside para sa dinner isang hapon matapos naming magtrabaho ay nagpaalam ako kay Eternity na mag-iikot ikot muna saglit. Hindi na niya ako pinansin. As if she can do something to stop me, anyway. Abala siya sa pagkuha ng pictures at pag-uupdate sa kanyang mga social media accounts kaya para akong hangin na nagpaalam sa kanya.
Sinuyod ko ang buhangin mula sa sea side hanggang sa umabot ako sa mga puno ng niyog na nasasabitan ng lights which made the ambiance aesthetic and more relaxing. Ang ibang guest na nasa White House ay may kani-kaniyang ginagawa. Nag-iihaw ng isda, ang iilan nama'y nasa balcony at nagkwekwentuhan. Some are taking photos and some are silently sitting in the shore.
I guess magkakamag-anak lahat ang naroon. Package kasi ang White house good for 20-50 persons.
Ang saya nilang tingnan. I smiled bitterly because I know I will never experience those kind of things again. I will never experienced having parents. They aren't here anymore when I supposed to celebrate my 18th birthday. Sobrang dami nilang namiss na moments with me.
Some of our relatives aren't here. I became an orphan when I was 17.Some people envy me because of the wealth I have. I can go wherever I want, I can get everything I want. But all of this is useless. Paano ko maeenjoy lahat ng meron ako? Hindi naman neto maibabalik ang buhay ng magulang ko.
BINABASA MO ANG
Flow Of Memories (On-Going)
General FictionAfter Cerynna Gabrielle Martin broke her ankle from an accident and stopped ballet, she found happiness again when she met Alixis Villaruel, the most well-known ballet master who helped her dance again and made her fall in love. Just as she thought...