GFM - 46

1.4K 90 25
                                    

"Ilang araw ko nang nakikita 'yon ah..."

Sinundan namin ng tingin ang jaguar na dumaan mula sa parking ng campus, napakunot ang noo ko, familiar kasi ang kotseng 'yon parang kay Dad...speaking of Dad, naibigay ko na kay Riette ang flashdrive, kung ano man 'yon, sana makatulong.

"Mga isang linggo na 'yan, sa part-time prof siguro 'yon, big time kasi--tara na nga, may dadaanan pa ba kayo?"

Maaga kami magsisi-uwi para makapag-pahinga dahil may raket si Bry mamaya at pupunta kami para panoorin siyang kumanta sa isang night out bar.

Linggo ngayon at may pasok si Wreil sa office, general cleaning nila kaya wala siyang magawa kundi sumipot.

Hindi ko na nga siya niyaya pa para mamaya, paniguradong sleeping beauty ang peg no'n pagkauwi niya sa bahay nila mamaya.

I just texted her to ask if sasabay siya.

Nasa bulsa niya lang siguro ang phone niya kaya mabilis na nakapag-reply.

4:02PM
From : Wreily
Tapos na, paalis na rin, kausap lang si Dean saglit, kayo ba?

I replied and ask if I could call, nasa loob na ng sasakyan sila Cas na nagpapahatid sa sobrang pagod nila, paano hindi mapapagod naghaharutan sila habang nagrerecall ng steps kanina.

Iba talaga ang lakas ng bonakid girls. Batang may tama.

Tumunog ang phone ko pagkasakay na pagkasakay ko palang, weird, Wreil is calling, ako 'yung nagtanong pero siya 'yung tumawag pambihira kaya pala hindi na nag-reply.

"Hi," sagot ko sa tawag. "Sabay ka? Hintayin ka nami—ouch Xavi!"

"Babyyyy! Who are you calling ba? Babae mo 'yan 'no?" Hinila-hila ni Xavi ang braso ko dahilan pa muntik ko nang mabitawan ang phone ko, lintek.

Rinig ko ang pagtawa ni Wreil sa kabilang linya.

"Tigilan niyo ko, Fuc—"

"Ano?"

"Ouch!" Kinurot ako, that's it.

I ended the call and attacked Xavi too, I playfully choked her. "Ang harot harot niyo parang kulang sa dilig! Tigilan niyo ko papababain ko kayo."

Nasobrahan sa ka-hyperan.

Tinawagan ko tuloy ulit si Wreil.

"Hello? Wreily."

"YIIEE BABY!" sabat ng mga ulupong.

"I said Wreily! Manahimik—"

"Hayaan mo na baby mo naman ako." Naiwan sa ere ang kamay kong nakataas upang hampasin sana ang kamay ni Gabbi. Wreil's kalandian 101 activated, 'pag ito bumabanat tapos ang laban.

"S-sabay kana pala, ha?" utal na sabi ko, ngiting-ngiti pa. Hindi nakatakas iyon sa mga kaibigan ko kaya parang mga bulateng nabudburan ng asin, lalo na ang katabi ko rito sa harapan.

"Papunta na 'ko sayo—ay mali..."

"Ano? May daraanan ka pa?"

"Nasa'yo na nga pala ako."

"Fuck."

My mouth literally fell. I hung up the call and throw my phone gently behind, sigurado akong nasalo iyon ng mga kaibigan ko.

Oh my God.

Yes girl I save the whole universe sa huling buhay ko, ako 'yun.

"Pulang-pula ka HAHAHA! Ano sabi?!"

Gossips From MarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon