I almost ran just to catch up with Wreil, buti at naka jeans ako, nang maabutan ko ito ay kinuha ko ang isa sa nakasukbit sa balikat niya. "Ako na, dito tag-isa tayo."
Lumingon lang ito at pinabayaan na sakin. Projector pala ang dala niya, yung isa ata laptop, ibabalik siguro sa office.
Sanay na ata sa pagsulpot ko kaya hindi na ako binubugahan ng apoy, achievement 'no?
"Report?" I asked, tinignan ko kung may I.D siyang suot at napatango nalang nang makitang wala. Report niya nga siguro.
Imbis na sagutin ako, iba ang lumabas sa bibig niya. Sinaway pa ako.
"Wag ka ngang tumakbo-takbo sa hallways, naririnig ko yapak mo ang ingay."
"Ang layo mo na kasi."
"Hindi ka pa naka-uniform."
"Pasensya ka na, ah? Malakas ako, eh." I grinned at pinagpag ang blouse niya kasi feeling ko basa 'yon pero nanlaki ang mata ko nang madumihan ito, ang mas malala pa gumamit ako ng marker kanina.
Sinundan niya rin ito ng tingin, tuluyan na kaming napahinto. Napapikit nalang ako.
"Putangina, TK."
I flinched. Tama 'yung guts ko na may konting basa sa damit niya, pero nadumihan ko naman dahil basa nga ang damit niya at may tinta sa kamay ko.
Nakagat ko ang ibabang labi ko. What to do?!
"Ang hirap-hirap tanggalin nito, susuotin ko pa 'to bukas." She cussed again, napatingin na tuloy ang ibang dumadaan sa'min, napaka attention seeker talaga naming dalawa.
Hindi wash day ngayon, nabigyan nga ako ng slip kanina dahil naka improper uniform ako, tinamad kasi ako mag uniform ngayon.
Tumingin muna ako sa paligid bago siya hinila. "Tara na balik na muna natin 'to."
"Kung anu-ano kasing napapansin mo sa'kin eh, ink 'yan ng marker oh!"
"Nagsolve ako sa board kanina, sorry na."
Ako na ang kumatok sa bintana ng faculty saka inabot ang bag na hawak ko. "Gamboa po, Ma'am." Kinuha ko na rin ang laptop na dala niya saka sunod na inabot, 'pag manghihiram kasi dito kinukuha 'yung I.D, eh.
Agad namang inabot ang I.D niya kaya sinukbit ko na rin ito sa kaniya.
"Wag mo nga akong tignan ng gan'yan Wreil kinakabahan na nga ako dito, oh."
"May klase pa ako, una na ako." Napangiwi ako nang pitikin niya ang tenga ko. "Badtrip ka," dagdag niya pa bago siya tuluyang naglakad paalis. Ako—may klase din pala ako kaya napamura nalang talaga ako nang makita ang oras.
I ended up getting another slip for being late.
"Landi mo kasi girl," bulong sakin ni Casidy, alam niya kung saan ako galing kaya ako nalate.
"Landi agad?"
Napailing ako at nakinig nalang, buti at nag-advance reading na ako kahit katatapos lang ng exams, sadista pa naman ang mga prof ko. Nang madismiss kami ay biglang tumayo ang kablock kong president ng buong CBA, si Babs, Bobby ang pangalan niya pero sabi niya hindi siyang ang pinaka magaling at paborito naman daw siya ng mommy niya kaya Babs nalang.
"Guys may quiz daw sa Finance kay Doc, 'yung may klase daw sa kaniya wag na daw kayo umalis," she announced.
"Hindi, wala tayong klase sa kaniya, ah? Bukas pa."
"Maaga pa naman daw, wala daw siya bukas kaya ngayon na siya papasok so wala tayong klase bukas sa kaniya."
Napapalakpak isa kong kaklase na lalaki. "Okay pala, eh, free fall isang quiz— sino nagreview guys?!"
BINABASA MO ANG
Gossips From Mars
Teen FictionTarra Claridad have always known the right path for her, she became a trainee at fourteen, and dreamed to be an idol since then. Few more steps and she could finally achieve her biggest dream, well, not until Wreil came swaying her way through her h...