Pagkamulat ko palang ay napabangon na ako dahil may naramdaman akong nakatabi sa akin.
Just to find out it was Wreil, sipping her coffee.
Kusang lumabas ang ngiti sa labi ko.
"Goodmorning." My palm automatically landed on her upper chest to carress it upto her nape. Dahan-dahan niyang binaba ang tasa niya sa bedside table.
"Hindi mo ako inuwi."
Maloko akong ngumiti, though wala naman akong ginawa, I just slept beside her so she wouldn't freakout when she wakes up—bandang huli ako pa pala ang nataranta pagkagising ko.
"Hmm, I love waking up to this."
I leaned and stole a peck on her lips, hindi ko na napigilan kanina ko pa kasi tinitignan, pagkahiwalay ko ay napatingin ako sa iniinom niya.
"Sweet black." Pagkukumpirma niya.
Nilasahan ko ang kape sa labi ko bago siya hinalikan ulit.
Hindi nanunulak, ah.
I would never leave this bed.
I leaned more, inangat ko ang sarili ko hanggang sa pumaibabaw ako. Nasabunutan ako ng wala sa oras but it's okay, bearable, as long as I could kiss her more.
"TK," tawag niya habang pababa ang labi ko—I think she has something to say so I'm giving her chance to speak. My lips kissed her skin, trailing it down to her neck, to tell you, my girlfriend smell so good in the morning.
Wreil circled her right arm on my waist also holding my sides at the same time and gently squeezed it, she's so damn careful ni hindi niya man lang naisip na ipasok ang kamay niya sa loob ng damit ko kahit bahagyang nakalilis ito. Damn I didn't even realize she had this long arms that could embrace my waist in one go.
Napasinghap pa ito nang mahina ko siyang kagatin sa sobrang gigil.
"Too sensual?" I whispered against her skin as I nuzzle her neck. "Should I stop..." I could even hardly speak now.
Pinakiramdaman ko kung paano siya maghabol ng hininga sa ilalim ko, I've never went this far, ngayon lang.
"Uhm may klase tayo."
Right.
"Aren't you late already.." I lazily asked. 6 or 7am kasi nasa school na siya dapat.
"Inaantok ka pa ba?"
I groaned and buried my face on her neck. Nakakabitin talaga. Kahit ayaw ko, kailangan naming bumangon, ayokong maging girlfriend na nanghahawa ng katamaran.
Pinabigat ko ang sarili ko kaya napadaing siya dahil napunta sa kaniya lahat ng bigat ko.
I kissed her cheeks for the last time before I got up. "Nope, gising na gising na nga ako, eh..." I bit my lower lip, my eyes traveled down to her pyjamas. Girlfriend ko 'to?
Swerte ko.
Napakamot nalang ako sa batok ko dahil may ibang meaning ang mga sinasabi ko at naiisip ko. "Papagalitan tayo ni Dean niyan, lika na Re!"
Nakiinom pa ako ng kape niya bago dumeretcho sa banyo at naligo, nakita ko rin kasi ang oras at mukang mahuhuli ako sa klase habang si Wreil...sure mapapagalitan ni Dean pero parang hindi naman siya natataranta kanina at nagkakape pa.
Medyo natagalan ako maligo, kailangang i-kalma ang dapat i-kalma kaya sigurado akong mas nauna pa natapos si Wreil magbihis kesa sa akin, naligo na rin kasi siya sa ibang banyo.
BINABASA MO ANG
Gossips From Mars
Novela JuvenilTarra Claridad have always known the right path for her, she became a trainee at fourteen, and dreamed to be an idol since then. Few more steps and she could finally achieve her biggest dream, well, not until Wreil came swaying her way through her h...