Maybe Wreil's mom just sensed that Wreil and I hardly had a chance to interact since last week.
Our schedule were clashing.
Kaya naman nandito ako sa kanila ngayon, umalis kasi sila Tita Debs at Ate niya bumyahe papuntang probinsya nila dahil may dadalawing kamag-anak at niyaya ako ni Tita na pumunta rito, hindi ko na nga sila naabutan dahil sa aga nilang umalis, hindi ko ata alam kung gusto ko pa ulit makita ang ate niya, masyado itong mahirap basahin but she's friendlier than Wreil kapag kinausap ka na niya.
It's just that, the way they look is similar, cold and unwelcoming.
Her Dad. Hindi ko alam kung nasaan.
"Magiging okay ba 'yung baby sa papa niya?" nag-aalalang tanong ko.
Kinuha kasi kanina, eh.
"Oo, mabait si Kuya Leon."
Napatango ako. Siguro pangalan lang ang nakakatakot sa kaniya.
"Ikaw? Okay lang bang nandito ako?" alanganing tanong ko ngayon. "I mean, it's Sunday, diba rest day mo?" dagdag ko pa.
Tinulungan ko itong magligpit ng pinaglutuan dahil dumating ako na tapos na siyang magluto ng pananghalian, anong oras na rin naman kaya titig na titig na rin ako sa afritadang niluto niya, hindi nga pala ako nag-almusal.
"Okay lang, niyaya ka naman ni mama, wala rin naman akong kasama rito ngayon."
Ang bango talaga ng afritadang luto niya. "Uhm exactly my point, hindi mo naman ako niyaya."
Isang ngiti ang pinakawalan ko nang pagsandukan niya na ako sa wakas ng kanin saka tinulak ang ulam palapit sa akin habang kinakausap ako. "Okay nga lang kung nandito ka." Tinignan niya pa ako na parang na we-weirdohan. "Mas okay na nandito ka."
Simple lang iyon pero alam kong namula ako, not out of embarrassment.
Wreil has this own way of scrambling her words to make me blush.
"I just respect your time for rest, time for yourself, diba ayaw na ayaw mong ginugulo ka ng ganitong araw?"
Bugtong hiningang napaiwas ito ng tingin at bahagyang tumawa. Stupid. Baka nakalimutan niyang Sunday nga ngayon at akala niya trip trip lang? Hindi ko tuloy sure kung susubo ba ako ng pagkain o aalis nalang.
"Kumain ka nalang, ang kulit mo." Does that mean 'thank you for respecting my time'?
I nodded and started eating. Eh, ang bango kasi talaga ng ulam and the fact na alam ko ang lasa ng luto niyang 'to kahit pa hindi ako sumusubo. Well courtesy of her cooking for Tita every breakfast.
Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam akong makiki-CR, I was few steps close when I saw Wreil's picture, naiba tuloy ang direksyon ko imbis na samay CR. I think she was 17, or 16 here, nakangiti ito at...mukang sobrang saya.
She's really shinning when she smile widely.
Hay.
As students talk about me, they've been continuously pestering Wreil's life too dahil madalas nila kaming makitang magkasama noong unang sem.
Her face is also all over Mars.
Beauty, talent and brains.
Wreil is perfect.
They say.
And I couldn't agree more.
Pinagdudahan nila kaming dalawa dahil sobrang imposible naman daw, they think the total package Wreil wouldn't settle for someone like me, my life was messy, full of issues, tanga nalang daw si Wreil kapag makikigulo siya sa akin, I might taint her records daw.
BINABASA MO ANG
Gossips From Mars
Teen FictionTarra Claridad have always known the right path for her, she became a trainee at fourteen, and dreamed to be an idol since then. Few more steps and she could finally achieve her biggest dream, well, not until Wreil came swaying her way through her h...