GFM - 45

1.3K 106 27
                                    

Bitbit ko ang lahat ng gamit ko sa isang gym bag, naglalakad kami ni Gabbi tyka Xavi palabas sa parking dahil sa building kami ni Sir Gareth magpa-practice ngayong hapon.

"Grabe sobrang ganda niya talaga," hindi makapaniwalang sambit ni Gabbi habang may tinitignan sa phone, pinakita niya ito kay Xavi at napasinghap ang huli, na-curious din tuloy ako.

"Hindi ba taga Diamondtown 'yan? DTC North? Big time 'yan alam ko, eh—double tap dali."

"Yes. She's currently taking up Law daw, grabe, attorney...paglaban mo ako."

Tinaasan ko sila ng kilay sa pinagsasasabi nila, nang pinakita rin nila sa akin, diretcho lang ang lakad ko, iniisip ko pa kaya si Wreil. Dinadamay pa ako sa mga kalokohan, eh.

Nagtawanan ang dalawa at panay scroll.

"Dali tignan mo," pagpipilit ni Gabbi sabay hila sa'kin, pahakbang na ulit sana ako.

Hindi na ako nagmatigas pa, maganda naman raw, tyka saglit lang naman.

Nalaglag ang panga ko nang makita.

Agad ko ring itinikom. May Wreil ka, Tarra.

"No comment? Ganda 'no? Shocks si Luisia 'yung parang literal na hinulog ni Lord mula sa taas."

Piningot ni Xavi si Gabbi kaya napa-aray ang huli. "Oo, at hindi sa'yo bumagsak, isusumbong kita kay Raiks!"

Saglit akong hindi umimik, doon nila ako tinawanan, tama naman siya--sobrang ganda nung babae.

"Oo na...ikaw na baliw na baliw kay Wreil Gamboa—don't worry bago na girl crush ko!" Irap ni Xavi sabay kuha ng account nung Luisia ata, bahala sila.

Pagdating namin sa parking nandoon na sila. Si Javen at Cas ang kasabay ko sa sasakyan ko at nauna na sila doon habang sa kotse naman ni Javen ay sina Bryne pati dalawang bugok.

Pagbukas ko ng pinto ay boses kaagad ni Cas ang bumungad.

"Ang angas ng kotse kanina 'no? Ah next time ako na 'yung may gano'n."

Nilagay ko sa tabi ni Javen ang bag ko, nagtatakang tinignan ko rin siya dahil hindi ko gets pinag-uusapan nila, agad naman siyang nagpaliwanag.

"May dumaan lang na jaguar d'yan sa harap, dream car niya na agad, akala ko ba Tesla ang gusto mo?"

"What jaguar?" I asked.

"XF."

Napa-tango nalang ako. I like jaguar cars too, may gano'n ang Dad, actually favorite niya nga iyon eh.

"Hmm pwede naman kasi both! Alis na nga us."

Umalis na rin kami agad. Pinag-usapan lang nila kung hanggang anong oras ang practice at napapangiwi ako. 6pm kasi ang out ni Wreil sa office ni Dean.

Hindi pa nga umiinit ang pwet namin sa upuan ng sasakyan ay sabay sabay tumunog ang phone namin.

Cancelled daw ang practice.

"Ayun tumal."

"Aksaya oras!"

Reklamo ng dalawa.

Nag u-turn ako kaagad pabalik sa school. Walang rekla-reklamo. Pabor pa nga sa akin, kailangan ko kasing makausap si Wreil, I messaged her last night sabi ko we better talk things out personally and she agreed.

Buti hindi ako nagpapaka marupok kahit gustong-gusto ko.

Nagpaalam ako na mag iiwan ng libro sa locker, dala ko pa nga kasi gamit ko sa gym bag. Tinatahak ko palang hindi na ako mapakali, pakiramdam ko may sumusunod.

Gossips From MarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon